Tinignan ko ang lalaking may bitbit saakin.
Nakakatakot ang presensya nya. Nagpupuyos na parang apoy ang mga mata nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano, dahil blanko lang ang ekspresyon nya. Hindi mo mabasa ang mga iniisip nya.
Nababalutan sya ng lumiliyab na apoy. Ang nakakapagtaka pa, hindi ako napapaso ng mga apoy na yun.
I know I may sound weird but I feel warm and safe in his arms.
Dahan dahan nya akong nilapag sa tabi ng isang puno na di kalayuan.
No...please...wag mo ako bitawan.
"Dyan ka lang."pagtapos nya ako ilapag ay inalis nya ang robe nya at pinulupot nya sa likod ko. Saka sya tumalikod na saakin.
"Cardinal..." tawag ko sa kanya.
Hindi nya ako nilingon. Bigla nalang ako napalibutan ng nagliliyab na apoy. At sa isang iglap, nawala na sya sa harap ko.
Nakita ko nalang kaharap nya ang lalaking sumakal saakin kanina.
"Mal, itakas mo ang babae. Ako ang haharap sa kanya." Rinig kong sabi ng lalaki.
Tumakbo papunta sa direksyon ko ang babae samantalang sumugod naman agad kay Cardinal ang lalaki na sa pagkakarinig ko kanina ay Vladimir ang pangalan.
Hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan nya si Cardinal. He stretched one of his arms to my direction and all of a sudden a fireball was formed. He let go of it at pinatamaan nya ng hindi manlang lumilingon ang babaeng si Mal na papunta saakin.
Nagawang makailag ni Mal at tumakbo ulit palapit sakin.
But the fire that surrounds me starts to ablaze even more and get higher.
"Stay away from her or you'll die."
Sumugod ang lalaking si Vladimir pero ginamit ni Cardinal ang time magic nya at nagawang lumipat ng pwesto agad sa tapat ng dinaraanan ni Mal.
Napaatras ang babae ng makita na nasa tapat nya si Cardinal. Nagawang magbukas ng babae ng black portal, ng akmang tatakas sya ay biglang nadisperse agad ni Cardinal ito gamit ang liwanag na lumabas sa mga kamay nya at biglang nagkaroon ng pagsabog.
Napayuko ako at napakapit lalo sa robe ni Cardinal.
Gumawa ulit ng isa pang portal ang babae pero hindi pa man natatapos ng babae ay nadidisperse na agad ito ni Cardinal at sumasabog.
Napaupo ang babaeng si Mal at napaatras pero pagkaatras nya ay puno ang nasa likod nya.
Agad na nag appear bigla si Cardinal sa harap nya.
"Earth root mahou!" Ang mga ugat ng puno ay biglang nabuhay at tinali nun ang babae sa puno.
"Mal!" Sigaw ni Vladimir. Tumakbo ito papunta sa direksyon namin pero nag appear nalang din bigla sa harap nya si Cardinal.
Hinawakan nya sa leeg ang lalaki at dahan dahang itinaas sa hangin.Nasasakal naman ito at pilit na pumipiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Cardinal sa leeg nya.
Biglang pinatamaan ni Cardinal ng parang light sword ang binti ni Vladimir. Napasigaw ito.
"Cardinal!" Tawag ko sa kanya.
Natatakot ako sa nakikita ko sa kanya. Kalmado ang panlabas nyang anyo pero ramdam ko ang bigat at tindi ng galit nya.
Binitawan nya si Vladimir kaya bumagsak ito sa lupa at ginamitan nya agad ng binding magic.
"Time sphere mahou!" Pumitik sya at bigla nalang silang nasa loob ng lumulutang na sphere. Pagpitik nya ay bigla rin itong nawala.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasi[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...