Chapter 23: The Moon

114 12 0
                                    

- SOMEONE'S POV -

Nanatili ang pagbabalat kayo ko habang minamanmanan ko ang kilos ng mga mage kasama ang anak ni Hades sa prinsesa ng Abellona.

Kasalukuyang umuubo ng dugo ang babaeng si Astrid at hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ko sya makukuha sa gantong sitwasyon lalo na at maraming mata ang nakatuon ngayon sa kanya.  Isa pa, nasa tabi nya ang Cardinal.

"Astrid!"

Napatingin kaming lahat sa babaeng hinawi ang tumpok ng mga mystics at lumapit agad sa direksyon nila Cardinal. Nakita kong nawalan na ng malay ang babaeng si Astrid.

"Huli na ako."

Natulala ang lahat ng makilala ang babae. Napasinghap pa nga ang iba at hindi makapaniwalang tinignan ni Cardinal ang babaeng lumapit.

"Rani...Ciara?"  Tanong ni Cardinal.

Hinawakan nya ang kamay ni Astrid at bigla itong naglabas ng puting liwanag.

"Ilapag mo sya. " utos nito sa Cardinal na agad rin naman syang sinunod.

"Mana Seal Dismissal Mahou!" nagliwanag ang kamay nya hanggang sa nakita rin naming nagliwanag ang isang maliit na parte sa balikat ni Astrid.

The light crawled starting from his hands until it covers her whole body for a while. And then slowly the light fades and we saw how Astrid's brunette brown hair turns into black. And a small crescent moon emblem appears at the middle of her forehead.

Sara Erebus...she is indeed the Princess of Darkness.

*************

-  ASTRID'S POV -

Nakaramdam ako ng sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kaya napaiwas ako at sinubukan kong bumangon.

Napahawak ako sa ulo ko. Anong  nangyari? Bakit andito na ako sa kwarto?
Hinawakan ko ang dibdib ko.

Kagabi...sumakit ng sobra ang dibdib ko. At yung balat ko!

Tinignan ko ang balat ko sa balikat pero laking gulat ko na wala na ito.

Anong nangyari?

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.

"Astrid!" Napalingon ako at nakita si Vanna. Lumapit naman sya saakin.

"Gising kana." Maluha luha nya akong tinitigan at para bang hindi nya alam kung hahawakan nya ako o hindi.

"Anong nangyari Vanna?"

Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at nakita kong iniluwa non si Cardinal.

"Astrid!" Tumakbo sya at agad akong niyakap. Suot na nito ang madalas nyang kasuotan kapag Cardinal.

"Mabuti naman at ayos ka lang."  Nakita ko ring sumunod pa ang iba pa. Sina Sky, Fhyra at Aiden.

Humiwalay sya saakin at hinawakan ang mukha ko.

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon