Play: Kung Di rin lang Ikaw by December Avenue
Andito ako ngayon sa hallway ng kastilyo, nakatayo at nakatanaw sa malayo. Tinitignan lang kung paano lumangoy at maglaro ang mga sirena sa tubig at kung paano lumipad lipad ng malaya ang mga fairies at hinangaan ang ganda ng buong lugar.
Nagpaalam muna ako na lalabas ng kastilyo para kalmahin ang sarili ko. Pero wala rin, dahil nakalimutan kong napapaligiran nga pala ang kastilyo na ito ng tubig. Kaya naman, nagstay nalang ako sa isa sa mga hallway na tanaw ang buong lugar.
Nagpahangin.
Gusto ko muna kasing mag isip isip sa mga nakita ko kanina. Hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap ang propesiya na iyon. Alam kong naamin na saakin to ni Cardinal, pero masakit parin pala pag naipakita na talaga sayo mismo.
Ano kayang naramdaman ni Cardinal ng malaman nyang ako ang nakatakdang pumatay sa kanya? Nasaktan kaya sya? Natakot ba sya? Yun ba ang dahilan bakit lagi rin syang galit saakin noon?
"Astrid..."
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
Speaking of.
Hindi ko sya sinagot at tumingin nalang ulit sa malayo. Kaya naman tumabi sya saakin at nilingon ako.
"Ayos ka lang ba?"
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sa kanya.
"Hinahanap ka." Kalmadong sagot nya saakin.
"Di mo na ako dapat hanapin. Aalis narin ako dito."
"Ano?" Nilingon ko sya. His eyebrows furrowed in cunfusion.
Huminga ako ng malalim.
"Cardinal, hindi ko kaya. Hindi ko kayang patayin ka. Oo, nakaka-inis ka at totoong muntikan mo na akong mapatay noon pero ilang beses mo rin akong niligtas noon sa kapahamakan. Hindi ko kayang ako ang maging dahilan ng kamatayan mo. Kaya naman..."
Napayuko ako.
"Kaya ano?"
"Hahanap ako ng gumagawa ng portal necklace. Alam kong dito matatagpuan ang mga gumagawa non. Gagamitin ko iyon para umalis dito."
Biglang naging seryoso ang mukha nito at tinitigan ako na para bang binabasa ang mga iniisip ko.
"Cardinal...kailangan ka dito. Dito...sa...sa mundong ito dahil ikaw ang Cardinal. Ikaw ang tagapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng guild nyo at nitong Asterin. Hindi ka pwedeng mamatay dahil kailangan ka nila."
"Kailangan rin kita." Direchong sabi nya.
Napatitig ako sa kanya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng tumama ang mga mata ko sa kanya at nakatitig lang sya ng seryoso.
"Cardinal..."
"Ganon?" Walang ekspresyon nya akong tinitigan at saka lumingon sa malayo.
Magmula ng malaman ko ang propesiya, madalas na akong nakakaramdam ng kirot sa tuwing tumatama ang mga mata ko kay Cardinal. Hindi ko na naiintindihan ang mga nararamdaman ko. Parang kelan lang, kinakabahan ako sa tuwing malapit sya at kahit papaano ay napapanatag naman ako kapag nasa ramdam ko ang presensya nya lalo na sa mga pagkakataon na nasa kapahamakan ako.
Shit, I hate to admit this pero parang nagugustuhan ko na tong lalaking ito.
Nakakainis man sya paminsan minsan dahil sa ugali nya. Alam ko at naniniwala akong...mabuti syang tao. At hindi nya deserve na mapatay ko sya sa ganong paraan lalo na at...mahal nya daw ako.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasía[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...