Noong pumunta kami sa bayan noong nakaraang araw ay napag-alaman ni Sky sa isa sa mga nagtitindang elf na may isang merchant na nagngangalang Calliope ang paminsang bumibisita sa bayan para makipagpalitan ng kalakal o benta.
Kaya naman, bumalik kami ngayong araw para abangan ang pagdating ni Calliope.
Naghiwa-hiwalay kami sa buong bayan para magkunwaring mga ordinaryong mamimili. Oo nga pala, ang bayan sa guild ng Asterin ay parang melting point ng buong Imperyo.
Dito nagtatagpo ang iba't ibang lahi sa buong imperyo. Mapa mystic, mage o enchant man. Hindi naman nanggugulo ang mga Enchant dito sa bayan, at kadalasan nagbebenta lang sila sa isang sulok ng bayan na tinatawag nilang Black Market. Kung saan, nagbebenta sila ng mga potions, magic items , panghuhula at kahit na anong may kinalaman sa dark magic.
Sabi rin nila saakin, hindi naman daw lahat ng Enchant ay masasama. Merong iilan na taliwas sa pamumuno ni Hades sa kanilang Guild kaya naman umalis sila doon at nagtago na dito sa guild ng Asterin. At isa na doon ang hinahanap namin na si Calliope ang kilalang magaling na Enchant na nakakatulong magpagaling ng mga sumpa sa mga wizard.
Sinubukan pumunta ni Cardinal kahapon sa lugar ng mga mabubuting Enchant pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Bagaman taliwas sila sa pamumuno ni Hades, wala parin silang tiwala sa mga Mage.
Kaya heto kami ngayon, nag-aabang sa pagdating ni Calliope.
"Maging mapagmasid kayo sa paligid. Alamin nyo kung nasaan sya nanunuluyan at magpadala kayo ng mensahe saakin kapag nalaman nyo kung nasaan siya."
"Masusunod Cardinal." - Sky
"Mag iingat kayong lahat."
Naghiwa hiwalay na kami. Magkasama sina Vanna at Sky, si Fhyra at Aiden sa kabilang grupo at as usual...kami ni Cardinal.
Hindi namin sinuot ang uniporme at mga cloak namin. Bumili kami noong isang araw ng mga damit na gaya sa mga elves.
"Tara." Aya nya saakin.
Nagsimula na kaming maglibot libot sa buong bayan. Marami kaming nakikitang mga paninda at mga pagkain gaya ng mga prutas at kung ano ano pa.
"Nagugutom ka ba?" Tanong saakin ni Cardinal.
"Hindi naman. Salamat."
Kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa Black Market ng mga Enchant. Isang direchong medyo malaking eskinita ito sa dulo ng bayan.
Habang papasok kami sa mga Black Market napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko.
"Astrid bakit?" Hinawakan ako ni Cardinal sa balikat.
"May masakit ba sayo?" Umiling ako.
"Kinutuban lang ako." Tinignan ko si Cardinal na nag aalalang nakatingin saakin.
"Natatakot ako Cardinal..." pag amin ko kay Cardinal.
Hindi ko alam kung bakit habang papasok kami sa lugar na ito, hindi ako mapakali. Nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.
"Wag ka matakot, andito ako." And he gave me a reassuring smile so I smiled back.
Tama, andito si Cardinal. Hindi ko kailangan matakot.
Sumenyas sya na magpatuloy na kami ulit sa paglalakad. Pagpasok namin, maaga pa naman at sumisikat pa ang araw pero pakiramdam ko madilim ang buong lugar. Bumibigat ang pakiramdam ko habang nililibot ko ang mga mata ko sa mga tindahan at tinitignan sila.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...