Chapter 22: The Grand Ball of Asterin

216 14 0
                                    

Pangatlong araw na ng Spring Festival at ito narin ang huling araw ng pagdiriwang kaya naman mamayang alas-siyete gaganapin ang Grand Ball.

"Uy Ast, tara na. Maghanda na tayo."

Ala sais na ata ng hapon.

Narinig ko ang boses ni Vanna pero hindi ko sya nilingon. I continue clutching my chest. Kanina pa ako nakahiga  dahil naninikip ang dibdib ko sabayan pa ng paghapdi ng balat sa balikat ko.

"S-sige. Susunod ako."  Nilingon ko sya with a forced smile.

"Okay." She smiled and started walking away but she suddenly stop on her tracks and look at my direction again. "Wait."

Sinubukan kong bumangon.

"Are you okay Ast?" She asked with worry written all over her face.

"Mmm. Medyo masama lang pakiramdam ko."

Lumapit naman sya at dinampi ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit." Kinuha nya ang kamay ko and she gasped.

"Ang lamig ng kamay mo! Okay ka lang ba talaga?"

"Yep. Wag nyo ako alalahanin."

"Sure ka ha?" Tumango naman ako.

"Okay..."

"Si...Cardinal? Asan?" Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Vanna.

Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka sa naging reaction nya.

"Alam mo Ast, hindi ka nilalagnat. LOVE-nat yan!" Sabay tawa nya.

Ano daw? Love-nat?

"Sabihin mo saakin, kinakabahan ka para mamaya no?"

"Mmm...medyo?"

"Yiieeee. Naeexcite kang makita mamaya kung gaano kagwapo si Cardinal no? Kaya nanlalamig kamay mo?"

Napakamot naman ako sa ulo ko. Tinulak ko naman sya. "Sira, hindi ah."

Saka ako tumayo. Naninikip parin ang dibdib ko pero ayokong masira ang araw na ito dahil lang saakin. Isa pa, huling araw na namin dito sa Asterin dahil bukas babalik na kami sa Abellona.

"Tara na nga. Kung ano ano pa sinasabi mo dyan e."

"Wait!" Sabay pigil nya saakin.

"Bakit na naman Van?"natatawa kong tanong.

"Maligayang Kaarawan Astrid! Or...should I say, Rani Maori."

Napatitig ako sa kanya saglit saka ko lang narealize kung anong araw ngayon. Napa-facepalm ako mentally.  Yeah its my birthday today at hindi ko manlang naalala.

"Dhanyavaad Van." Sabay yakap ko sa kanya.

"So ilang taon kana?"

"18."

"Wow, debut mo pala ngayon tapos nataon na may ball. Ang swerte mo ah!" Natawa lang ako ng marahan.

Akalain nyo yun, ilang buwan na magmula ng mapunta ako dito sa Etheria. Marami narin ang nangyari at marami na akong nakilala at mga nalaman sa mundong ito at sa pagkatao ko.

Happy Birthday, Anak!

Natulala ako saglit ng maalala ko ang boses ni Mama na binabati ako sa tuwing birthday ko.

Si Mama...

Sana magkasama na kami ni Mama dahil marami akong gustong itanong sa kanya tungkol sa tunay naming pagkakakilanlan at sa pamilya namin.

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon