Chapter 8

47 8 0
                                    

Nagising nalang ako nang may maramdaman akong umaalog saakin.
Nang pagdilat ng mata ko, bumungad sakin si Kenneth.

"Mabel, bumangon ka na" sabi niya sa akin. Pilit akong umupo pero hindi ko nakayanan kaya bigla nalang ako nahiga sa kama.

"Ohh, ayos ka lang?" tanong niya and I yawned trying to remember the events from yesterday.

"Ouch, ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari?" I said and hinawakan ang ulo ko dahil sa sakit.

Instead of answering my freaking question he just placed a bowl with soup on the table beside my bed.

"Humigop ka muna ng mainit na ramen soup, ako nagluto niyan, kaya dapat maubos mo yan" Ang bossy naman nito.

Habang hinihigop ko yung soup, Kenneth asked me something, "Don't you really have the slightest idea of what happened yesterday night?"

"No." I said "Ano sa tingin mo bakit ka humihigop ng sabaw ngayon at hindi man lang itlog o sausage ang agahan mo?" he asked and rested his chin on his palm.

"Wait? Are you serious!!" biglaan kong natanong and he nodded, hindi ko pa nga nasabi, tumango agad, duhh mind reader ba to?

"Mhm, kaya ubusin mo na yan.." tumayo siya and inayos ang kanyang polo.

Is this a freaking hangover soup? Hayst, bakit ko nakalimutang nalasing ako? Habang hinihigop ko ang sabaw, napatanong nalang din ako kay Kenneth. "Kenneth?"

"Tawagin mo nalang akong Jimuel, second name ko yan.."

"Kenneth, Kenny, Jimuel, Jim, Ken, whatever your name is, may mahalaga akong tanong sayo!" I stammered looking at him

"Ano po yon miss magandang suplada?" he said and I groaned.

"Don't call me that annoying cliché nickname.. My question is, hindi mo ba ako inano?" I raised my brow.

"Anong inano?" he asked and I rolled my eyes

"Alam mo na.." I said but he ignored it and forced me to finish the hangover soup.

"Ubusin mo na nga yan, malate ka pa"

"Wait, what time is it??" tanong ko nang bumibilis ang pintig ng aking heart, enebe.

"Chill ka lang, 5:15 lang naman. Tapos na akong maligo kaninang alas kwatro pa, para ma-savor mo yang 5 am preparation mo kaya dalian mo na Mabel." he said, hay salamat.. Pero four o'clock? ang aga naman nun.

"Ang aga mo namang naligo.." I told Kenneth habang inaayos niya yung bag niya.

"Oh yeah, para ma appreciate mo din na hinayaan kitang makaligo sa precious five am preparation or bath time mo" he told me while smiling.

"Ngeh, oh sige uubusin ko na to, sabay na tayong umalis para kahit papaano makabawi ako sa pinakita kong kamalditahan sayo lately.." I said

"Sabay kami ni Cath eh, sorry.." sabi niya and I furrowed my eyebrows, being curious. Who the heck is this Cath?

"At sino naman si Cath?" I asked him

"Don't be jealous, best friend ko lang siya kaya wala kang dapat na ipag-alala" he said and nandiri ako, why would I be jealous?

"I'm not being selos of your matalik na kaibigan so don't tell me that bagay.." I told him and he looked at me with a surprise yet demanding look.

"You are so Conyo, you are making my ulo sakit sakit.." he said and I shot him the deadliest glare I could ever do in my entire life.

"Chill, wala sa agenda ko ngayon ang makipagtalo sa Conyo." he said and I yelled "Aaahh! Aaahhh!"

"Huy, baka marinig ng land lady mapalayas pa tayo dito, jeez." he said while putting his finger in front of his mouth making a 'shh sign'

"Take back what you said" I glared at him "What?" Naku may patanong tanong pa tong guy na ito, halata naman anong minimean ko.

"That Conyo Conyo thing" I told him angrily.

"Oh I apologize, I should call you psychopath pala instead of a Conyo"
he said and fixed his hair. Dahil gusto ko nang maligo, hindi na ako sumabat, kainis tong lalaki na to, ugh.

"Bahala ka na nga jan, you pabida and  international kontrabida jerk." I told him and hinablot ang tuwalya at mga damit na susuotin ko mula sa cabinet.

Why am I even wasting my precious time over a jerk na walang alam kundi mang-insulto. My goodness, dadami tong wrinkles ko sa forehead.

At dahil ang sakit ng ulo ko, dinalian ko na maligo, I won't do the usual taking a bath routine of mine na kumakanta pa ako ng 'Total Eclipse of the heart' habang naliligo, like duh? I don't have the entire hour, and besides.. Pagkatapos rin nito, magbibihis ako, aayusin ang buhok at dadalhin ang mga dapat dalhin. A typical daily basis na finofollow ko.

After taking a bath, wearing clothes and doing my hair, lumabas ako ng bathroom at nakita ko na wala na si Kenneth sa loob, mukhang sumabay na talaga sa best friend niya. Well I don't care, kaya ko namang mag-isa, ngayon pa ba ako malolonely?

It's currently 6:30 am tamang-tama lang, at least hindi nanaman ako malalate. I don't want to be seen as a tardy girl, well who would want to be?

Lumabas ako nang room at ni-lock ang pintuan and to my surprise, Kenneth was behind me. "Bulaga!" ginulat niya ako so I slapped his arm.

"Aw, what was that for?" he asked.

"Maang-maangan ka pa, it doesn't suit you to be honest." I rolled my eyes at him and he just laughed.

"Oh, bakit ka pa nandito? Diba sasabay ka dun sa beshie mong si Cath whoever that is?" I asked him and started walking

"Tampo much?" he asked

"Assuming much?" banat ko naman, aba hindi nagpapadaig ang isang Zamora noh.

"Hindi na ako sumabay dahil sabi niya baka hindi daw siya makapasok, may lagnat ata o something, hindi ko alam." he said

"At baka magtampo ka pa nang de oras." dagdag niya

Buhat ng kanyang sinabi, napatawa nalang ako, "Yeah you wish."

Habang naglalakad kami, tumunog ang ringtone ng cellphone ko.. Here we go again with the Waka Waka na kanta, nakalimutan ko na palitan, ugh.

"Ahahahah, so ikaw pala yung nagpatugtog niyan kahapon sa library?" he asked.

"Correction, it's a ringtone at hindi ko pinatugtog, somebody called me all right?" sagot ko sakanya.

Sinagot ko ang tawag, "Hello? Oh Chris, bat ka napatawag? Ang aga pa ah.."

"It doesn't matter, icheck mo ang bago kong inupload na video, dali.." I stopped on my track at inopen ang sinasabi niyang video.

Oh my goodness, naka three million freaking views yung Q n A na vlog ni Chris.. Ayyst, nakakaproud tong kaibigan ko na ito..

"Uy Chris congrats! I am so proud of you." sabi ko sa kanya sa telepono.

"Oh you're welcome, this achievement is shared with the squad noh.. Hayaan mo, magpalibre tayo kay Marc hahaha" he respond and we laughed out loud.

"Oh sige, ibababa ko na to ha, on the way na kasi ako sa school, sige bye!"

"Bye! Take care Hazel!!"

"Mabel nga dapat ihh, o sya sige, bye na, i-greet mo nalang ako sa parents mo.." I said and binaba na ang phone. Este, linagay sa bulsa ko.

"Sino yung tumawag?" tanong ni Kenneth. Tiningnan ko sa kanya while fixing my eye glasses.

"None of your business, bilisan mo nalang maglakad baka malate ka pa, madamay pa ako ng tuluyan" I said and he ran. Sabi ko, maglakad ng mabilis hindi tumakbo.

Sometimes, dapat matuto kang mag-differentiate Kenneth Villanueva.

TiltedWhere stories live. Discover now