Chris' point of view:
Eto talagang si Mabel o, napakakulit;
Pinilit lang naman niya akong pumunta sa isang club. Akala ko pa naman nagbago na siya. Maganda nga, lasinggera naman, tsk.
But I don't have any other option but samahan siya, delikado pa ba namang gumala sa gabi lalo na't babae siya, hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari kaya mas mabuting sure.
"Uy, pangatlong bote mo na yan, anuba Mabel!"
"Ano ka ba! Hayaan mo na nga ako.. Alam mo, stressed ka lang sa mga haters mo, wag kasi puro prank ang mga kinocontent mo sa mga videos mo pwede? Kaya uminom ka na din.." giit niya.
Hala, kailan pa to natutong mangatuwiran na ginamit pa talaga yung mga contents ko?
"Alam mo, lasing ka na kaya tara na, ang cliche tuloy ng librong to.." I said
"Cheh.. Anong libro libro, bookworm ako orayt? But don't use that fact against me.." she said while taking another shot ng beer.
Hay nako, lagot ka kay Ryan kinabukasan.
Speaking of, tawagan ko nalang kaya si Ryan para ma-inform siya. Kawawa naman kasi itong si Mabel.
I contacted Ryan and he gladly answered, salamat naman.
"Hello??"
"Ryan, etong si Mabel niyaya akong pumunta sa club kaya heto kami ngayon. Ewan ko ba dito sa pinsan mo. Napakatigas ng ulo.."
"Ha?" (how you like that) sabi ni Ryan, halatang gulat na gulat.
"Akala ko ba mamamasyal lang kayo sa plaza at kakain tapos ihahatid mo siya sa dorm nila, o ba't kayo napunta dyan?" he asked ultimong nagtataka.
"Niyaya nga niya ako, hindi ko matanggihan.."
"Pagdating talaga sa kanya, hindi ka makatanggi noh? Siya talaga ang pangunahing kahinaan mo.." he said and I shook my head.
"Sino.. yang kinakausap mo?" napatingin nalang ako sa lasing na Mabel sa aking harapan.
"None of your business" well, hindi ko sinasadyang maging bastos ang pananalita ko towards her pero wala eh, this tongue is naughtier than I expected.
"Sino nga!?" she whined, siya lang talaga ang nakilala kong lasing pero mapilit parin..
"Oh my God, can you stop bickering like a couple, kainis.." Ryan said through the phone.
"Wait, paano mo nalaman kung sino ang kinakausap ko?" I asked him and he laughed hysterically.
"Hindi ako bingi at lalong hindi ako bobo.. Ofcourse sino pa nga ba ang dahilan bakit ka nandyan?" he said and I flicked my forehead..
Mayroon pa siyang sinabi afterwards pero hindi ko narinig ng mabuti dahil sa lakas ng music sa loob ng club.
"Ha? Ano yun? Teka teka, labas muna ako, hindi kita marinig.." I said and pinatay muna yung phone.
"O Mabel, dito ka muna ha, wag kang aalis dito.." Bilin ko kay Mabel, para na akong mama dito na sinasabi sa anak na dito muna sa counter at may kukunin ako sa kabilang dulo ng isle. But NO, lalabas lang ako saglit.
"Owkay!!" she delightfully said while showing me an okay sign.
Lumabas ako at tinawagan ulit si Ryan.
"Bro? Sorry ha, ano nga ulit yung sinasabi mo kanina? Hindi ko narinig sa lakas ng music sa loob.." I explained to him.
"Ang sinabi ko, ikaw na maghatid kay Amabella sa dorm. I trust you, wag na wag mo siyang papabayaan.." he said and I chuckled silently habang bumibilis tibok ng puso ko. Paano ko yon papabayaan, may lahi kaya silang magagaling sa taekwondo, baka umuwi pa akong may black eye.
"O sige.." I said and pinatay muli ang phone at pumasok ng club.
Nang pumunta ako sa counter kung saan nandun si Mabel kanina ay nagulat ako nang makitang wala na siya dun.
Patay! Asan na siya? Continuous thoughts bombarded my head as I went dead silent habang nagpa-panic..
Lumipas ang limang minuto ng paghahanap ko sa kanya at tuluyan ko na nga siyang natagpuan. But wait? Ibang scene ang nakikita ko.
Her, with a guy? Nakaakbay siya sa isang lalaki habang inaalalayan siya ng lalaki at palabas na sila ng club.
Oh my, this should not be happening, lagot talaga itong lalaki na to sakin.
I rushed to them immediately and hinarang ang lalaki and I yanked his arm na nakaplace pa sa bewang ni Mabel.
"Hoy, sino ka ba sa tingin mo ha?" Tanong ko sa lalaki sabay hawak ng mahigpit kay Mabel.
"Ano ka ba Marc... Room mate ko l-lang yan, don't be so overprotective nga, lalo kang gumagwapo.." paputol na sabi ni Mabel sa akin, and I blushed lightly, lasing na talaga to..
"Hindi ako si Marc okay? Si Chris ito. At sino ba ang lalaking yan?" I asked Mabel.
"I am her room mate, I'm Kenneth Jimuel." the guy in front of us cut me off. Room mate!? Napatingin nalang ako ng tuluyan kay Mabel.
"Anong sinasabi netong lalaking to?" tanong ko sakanya with a semi-angry tone.
"Y-yeaa he my room mate-" she answered and hinawakan ang kanyang bibig.
"Mabel, wag dito.." sabi ng lalaki sa kanya at hinawakan ang braso ni Mabel.
I pushed away his arm and suggested na ako na ang bahala sa kanya. "You see, I can handle this okay? Kaibigan niya ako, ang mabuti pa bumalik ka nalang sa dorm niyo, ako na maghahatid sa kanya" pilit kong saad.
Tumango nalang siya at umalis.
Inalalayan ko si Mabel at lumabas kami ng club para mailabas na niya ang dpat niyang ilabas, ano pa nga ba.. halatang susuka eh.
Aking tinapik ang kanyang likod, kasalanan ko to kung bakit pa ako pumayag na pumunta kami sa club, eto tuloy nangyari.
"Mabel.." I said as I gave her a bottle of water.
"Yes?"
"Bakit mo hindi sinabi sa akin na lalaki pala ang room mate mo?" I asked but before she could answer my question, she already passed out.
Hay nako, bad timing talaga.
YOU ARE READING
Tilted
Teen FictionAmabella Hazel Zamora, an arrogant yet assiduous law student meets a valiant yet sympathetic guy, Kenneth Jimuel Villanueva, also a law student; they became room mates that will eventually have various adventures and experiences that will stick the...