"Intelligence without ambition is a bird without wings."
Salvador Dali
"Ops, I get that you are a hard working law student pero mamaya muna yang basa basa.. Kumain ka muna." I hear Douglas say while snatching my book from me. Hala, nakakagigil naman to.
Right now nasa Cafeteria kani, having our break. "Hoy, wag mo akong itulad sa iba dyan na patay gutom, my life, my law." pagkasambit ko ng mga salitang iyon, napatingin siya kay Marc.
Tiningnan kami ni Marc, pinipigilan ko ang sarili kong tumawa dahil may ketchup sa labi niya habang siya ay nagcocomplain.
"Hoy, asan naman ang hustisya? Sa akin nanaman napunta ang blame, ewan ko talaga bakit nag last ng more than seven years ang barkadang ito.." he said while shaking his head.
"Ngeh, changing topic, ba't napunta sa barkada ang usapan?" tanong ni Jenn kay Marc at napa-eye roll lang siya.
"Fine, hindi pa ako nag-agahan okay? Kaya ikaw Mabel, thank you very much sa pagtawag sakin ng patay gutom, it's really appreciated." he looked at me, hala bakit palagi nalang namimiss-understood lang lahat ng mga sinasabi ko? Kaya nga sometimes, ayoko nalang magsalita, nakakapagod rin minsan kapag ganito lang ang kahihinatnan ng mga words ko.
"Uy, hindi naman ikaw yung sinasabihan kong patay gutom ah, kung pagkakaintindi mo ay ikaw, sorry pero it's not you.." I apologized and explained to him clearly that he wasn't the one I was talking about earlier.
"Ngeh, in denial pa.." sabi ni Jenn.
Napakamot nalang ako sa leeg, sinasabi ko na nga yung katotohanan ayaw pa talagang paniwalaan.
"Bahala nga kayo kung ayaw niyo maniwala, kaloka.." I rolled my eyes
"It's okay, I believe you Bell.. Wag kang mag-alala I always got your back." O dibe sana all, may naniniwala parin sakin.
"Isa ka pa Teresa.." sabi ni Marc at linagyan ng ketchup ang bag ni Tere. Patay kang bata ka.. Hay nako..
"Yaaah!! My designer bag! Oh my God, you are so lagot na talaga to my mama.." Tere said habang pinupunasan kanyang 'designer' bag.
Kawawa naman, ito yung bagong bilibpa naman sa kanya ni tita Racquel.
"Ano ka ba, parang bag lang naman." Sabi naman ni Douglas.
"Correction! It's designer bag, hindi pa nga nakakalahati yang presto ng sapatos mo sa bag ko eh, you don't know the pain!" Tere whined habang focus na focus sa bag niya.
"Eh sapatos to, bag yan, duhh." Douglas said rolling his eyes.
Hayst, wala akong planong ma involve sa cat and dog fight nila kaya binitbit ko nalang ang mga libro at bag ko at tuluyan nang umalis ng cafeteria.
"Wait, Mabel! Asan ka pupunta?" tanong ni Douglas habang ako'y naglalakad.
"Somewhere na pwede akong magbasa." nginitian ko siya at naglakad papalayo.
"Uy, wala namang ganyanan.." pilit niyang pagpigil sakin pero nung ako'y kumaliwa sa isang corner, nakabanggaan ko nanaman si Kenneth.
"Uh, sorry." I apologized briefly to him at tuluyan nang umalis.
"Mabel, ano ba naging kasalanan ko?" Douglas asked, hala kung makapagsalita may relasyon kami, may tama rin tong lalaking ito.
I stopped and looked at him sincerely, "Look, wala kang kasalanan. It's just hindi ko maintindihan bakit as time pass, nagiging toxic narin yung barkadahan natin, you know toxic friendship." I said and napacover nalang sya ng kanyang bibig.
"Uh, I didn't know na humantong na pala sa ganyan yung thoughts mo about sa squad.." he said and I snorted.
"Of course you won't notice, I am a secretive person who chose friends na mga tupakin hahahha, I don't even want to involve you to my dark past pero the toxicity level just gets higher and higher each day, hindi ko din alam kung dulot lang ng maalinsangan na panahon or I don't know." I said and he was just silent hearing me out.
Sometimes when i'm serious, it just makes me look like more sillier. Instead na palalalain ko pa ang matter, I told him na samahan ako papuntang library para magbasa.
"Tara na nga, mabuti pa't samahan mo nalang ako sa library, may matutunan pa tayo doon kaysa sa cafeteria habang nasasaksihan ang pagiging exaggerated ni Tere over her designer bag.." I chuckled and we made our way to the hall papuntang library.
Kung pwede lang nako isulte ang tanan na akong gipamati.. without doubt and fear.
trans: Kung pwede ko lang sabihin ang lahat ng mga nararamdaman at pinagdaraanan ko.
YOU ARE READING
Tilted
Teen FictionAmabella Hazel Zamora, an arrogant yet assiduous law student meets a valiant yet sympathetic guy, Kenneth Jimuel Villanueva, also a law student; they became room mates that will eventually have various adventures and experiences that will stick the...