Niregla

2.3K 75 20
                                    

❝Mama! Mama hali po kayo dito!❞ Kinakabahan kong tawag kay mama na naghuhugas ng mga pinagkainan namin.


❝Bakit? Kung makasigaw ka naman, Macoy parang kinain lang ng ahas!❞



❝Eh ma, may dugo kasi ang boxer ko.  Natatakot ako, ma. Baka nasugatan yung titi ko.❞

❝Naku, binata ka na anak! 17 ka na pero ngayon ka pa niregla. Halika dali! Maligo ka ng tatlong tabo para hanggang tatlong araw lang din ang regla mo.❞

Pumasok ako sa Cr at sinunod ang sinabi ni mama.

❝Tapos ka na ba anak? Lumabas ka na dyan!❞


❝Eh para saan 'yan, ma?❞ Kunot noo kong tanong nang makita ko ang hawak hawak niyang plastic para sa ice-water.


❝Ito ang gagamitin mo. Itali mo 'to sa  kuwan mo.❞

❝Eh ayaw ko niyan, ma!❞

❝Oh sige. Napkin nalang gamitin mo para komportable kang gumalaw.❞

Ayun nga, pinasuot ako ni mama ng napkin. Ang hirap pala 'pag may regla.  Parang gusto ko na lang matulog buong magdamag.
———
❝Oh, babe? Bakit ang init ata ng ulo mo ngayon?❞ Tanong sa akin ng girlfriend kong si Alexa.

❝May regla ako. Masakit ang aking puson kaya ibili mo ako dun ng chocolate at fries, bilis!❞

❝Kita mong naglalaro ako ng ML eh!❞

❝Ano, ibibili mo ako o mag-break na tayo?❞

❝Ehh heto na nga, aalis na. Pakyuu ka talaga, Macoy!❞

Dark Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon