Burger

36 8 0
                                    

"Ah hi, i-ikaw pala!"
Taranta kong sabi nang lapitan ako ni Miguel. Kahit kailan talaga, naiihi ako 'pag siya na ang aking kausap.

"May ibibigay lang ako sa'yo. Sana magustuhan mo".
Nakangiti niyang sabi kaya para namang uod na binuhusan ng asin ang loob loob ko. Kilig na kilig.
Binigay niya sa akin ang Tupperware. Burger ang laman ng mabuksan ko ito.


"Kumakain ka pala niyan?"
Ay tanga din 'tong crush ko eh. Binigay niya tapos di ko kakainin?


"Oo, ang sarap nga! Favorite ko 'to!"
Nagbago ang timpla ng mukha niya at naririnig ko na din ang pagkulo ng tiyan ko.


"Ahh ano... para sa aso mo sana 'yan. Panis na kasi eh. Sayang naman 'pag itapon ko lang".
Sabi niya dahilan para isuka ko sa mukha niya ang nakain kong burger. Gago! Kadiri!
@@

Dark Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon