❝Mama! Mama hali po kayo dito!❞ Kinakabahan kong tawag kay mama na naghuhugas ng mga pinagkainan namin.
❝Bakit? Kung makasigaw ka naman, Macoy parang kinain lang ng ahas!❞
❝Eh ma, may dugo kasi ang boxer ko. Natatakot ako, ma. Baka nasugatan yung titi ko.❞
❝Naku, binata ka na anak! 17 ka na pero ngayon ka pa niregla. Halika dali! Maligo ka ng tatlong tabo para hanggang tatlong araw lang din ang regla mo.❞
Pumasok ako sa Cr at sinunod ang sinabi ni mama.
❝Tapos ka na ba anak? Lumabas ka na dyan!❞
❝Eh para saan 'yan, ma?❞ Kunot noo kong tanong nang makita ko ang hawak hawak niyang plastic para sa ice-water.
❝Ito ang gagamitin mo. Itali mo 'to sa kuwan mo.❞
❝Eh ayaw ko niyan, ma!❞
❝Oh sige. Napkin nalang gamitin mo para komportable kang gumalaw.❞
Ayun nga, pinasuot ako ni mama ng napkin. Ang hirap pala 'pag may regla. Parang gusto ko na lang matulog buong magdamag.
———
❝Oh, babe? Bakit ang init ata ng ulo mo ngayon?❞ Tanong sa akin ng girlfriend kong si Alexa.❝May regla ako. Masakit ang aking puson kaya ibili mo ako dun ng chocolate at fries, bilis!❞
❝Kita mong naglalaro ako ng ML eh!❞
❝Ano, ibibili mo ako o mag-break na tayo?❞
❝Ehh heto na nga, aalis na. Pakyuu ka talaga, Macoy!❞