Kaninang tanghali nang matapos kaming gawin ang Output namin sa Understanding the Self ay nagpunta kami sa canteen. Bumili kami ng best friend ko ng milk tea. Yo! Siya lang pala ang bumili, nagpasama lang siya sa akin.
"Gusto mo?"
Aya niya sa akin."Naku, hindi."
Nang makarating kami sa second floor ng library ay biglang nahulog 'yung sukli niya kaya ayun, pinahawakan niya sa akin ang milk tea para pulutin 'yung barya. At dahil likas na curious ako kung ano ang lasa ng milk tea, masarap ba o hindi ay inilapit ko sa aking bibig ang straw saka sumipsip hanggang maubos ko ang laman.
"Akin na".
"Naku, besheyyy naubos ko! Pasensya ka na!" Taranta kong sabi. Paano ba naman kasi, hindi ako nagpaalam na uminom.
"Ano? Inubos mo?"
Napakamot ako sa ulo at nahihiyang sumagot.
"Oo eh"."Naku, bakit mo naman 'yon ininum? Eh ano na kasi 'yun eh..."
"Bakit?"
"Ano... Inubo ako kanina tapos I was embarrassed to spit it out kaya doon ko inano gamit ang straw. Plema ko 'yon, Sheila! Hindi na 'yon milk tea!"