Crush

622 42 1
                                    


"Emza!"

I turned my head when I heard my name being called on.

"Wait up!"

Shit! Si Aries. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
Hinihingal itong papalapit sa akin.  As usual may dala na naman itong malaking bag na puro books ang laman.

This is what really turns me on about him. Ang sipag eh, daig pa ang sumakabilang bansa.

"May ibibigay ako sa'yo. Wait lang".

Hahalungkatin na sana niya ang kanyang bag para kunin yung ibibigay niya kaya lang pinigilan ko. Baka mamaya masabihan akong 'materialistic' niyan eh o kaya'y 'gutom' at ma turned off. Naku, Achuchu.

"Sa library nalang."

"So, here it is."

Cookies? Oh damn ang paborito ko pa talaga!

"Mom baked that for you".

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa gulat. Ang swerte ko naman ata at ipinagluto ako ng mother in-law ko—ayy sige asa pa, Emza!!

"Wow! Pakisabi sa kanya na salamat".

"Yeah,  I will---oh, before I forgot. Pwede ba kitang yayain mag dinner sa amin?"

What??? Dinner? As in sa kanila ako kakain kasabay ang family niya?
Is this dream come true?


"I want you to meet my mom. She wants to see you, as well. May pag uusapan daw kayo".

Lumakas ang kabog ng puso ko sa kanyang sinabi. Oh my gulay tinapa! Ipakilala ako ni crush sa mama niya! Waahh my heart!

"Ahmm may tanong ako. Okay lang ba?"

Shittt! Nakakahiya pero gusto ko talagang magtanong eh! Mamatay ako kakaisip ng sagot dito.

"Diba may girlfriend ka na?"
Pansin ko ang pamumula ng kanyang tenga.
Napakamot siya sa batok at ngumisi tsaka tumingin sa akin.

"Sino ba ang nagsabi sa'yo niyan?"

"Narinig ko lang". I lied.

"Wala pa. Gusto ko siyang ipakilala muna kay mommy e".

Ackkkk! Lihim akong napangiti. 'Yung puso ko talaga ayaw tumigil sa pagtugtug.

Gago talaga, kinilig masyado.
"Sige, pupunta ako mamaya. Mauna na ako ha..."
——
Pag uwi ko sa bahay namin,  agad kong hinalungkat ang mga damit ko sa cabinet para maghanap ng magandang isusuot.

'Ano kaya ang bagay sa akin? Dress? T-shirt and jeans? Sleeveless and shorts?'

I was really confused about what should I wear but I ended up wearing a violet dress which was above my knee. Nagpaganda ako ng tudo. Syempre, first meet up namin 'to ng mommy niya kaya dapat  ma accept kaagad ni tita at welcomed sa bahay nila anytime hshshs.
Insaktong kakalabas ko lang ng bahay namin nang may itim na kotseng huminto sa harap ko. Babalik na sana ako sa bahay dahil baka kidnapper ang nasa loob ng kotse at kunan ako ng flesh at itinda sa palengke. Edi, mawawalan na ng daughter- in-law si tita! Hindi pwede! Isang hakbang...

"Emza!"

Si Aries. Nakangiti itong nakatayo sa gilid ng kanyang kotse. Gago! Ang pogi ng demonyo! Sarap ipasok sa bahay namin.

"Sakay na!"

Binuksan niya 'yong pinto. Damn gentle demon! Pumasok naman ako ng walang pagdadalawang isip. Excited eh!

"Ready  ka na ba?"

Nakangiti niyang tanong. Doon kami dumaan sa may fountain. Sa kabilang banda ay tanaw ko ang napakagandang garden ng kanyang mommy na puno ng samut-saring bulaklak.
Kinabahan ako.

"Oo".

Dinala ako ni Aries sa living room at pinaupo muna. He offered me a cup of wine na tinanggap ko naman.

"Mom is coming."

Dali dali akong tumayo sa pagkakaupo. I saw his mom slowly walking downstairs. Nawala ang kaba ko dahil sa maamo nitong mukha. She looked very gorgeous din.

"Good evening, tita!"
Nakangiti kong bati sa kanya nang makarating siya sa harap namin.

"Good evening, mom. This is Emza. The one I told you about last time".

Pakiramdam ko'y nag iinit ang aking pisngi sa sinabi ni Aries. He never really failed to give me this awesome feeling.

"Oh, you're beautiful, huh!"

Ngumiti ito sa akin habang tumango tango. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"She's a housewife material, right mom?"

"Yeah, son!"

Damn! Bakit ang sarap sa tenga??
"Therefore, there's no longer a need for you to search on the internet for someone who badly needs a job."

Kumunot ang noo ko. Ano 'tong pinagsasabi ni Aries?

"Nandito na si Emza. May taga laba na tayo, may taga luto and also the one who'll do the dishes."

Napawi ang ngiti ko sa mukha. Pisty! Ipinapakilala niya ako sa mommy niya para gawing katulong??? At nagpaganda pa ako ng tudo? Abot langit ang expectation ko!

"You're hired now, iha. Come, let's have a dinner first before I introduce to you the things you should do".
Ahhh yawaaaa! Mukha pala akong katulong? 

Sa ganda kong 'to, magiging taga laba lang pala ako sa panty ng mommy niya? This can't happen!

"Thank you, ma'am but kailangan ko munang umuwi. Hinihintay na ako ng anak ko eh. Kailangan ko pa siyang e breast-feed".

Gago ka, Aries! Marami akong manika sa bahay, kukulamin talaga kitang gago ka!!!



Dark Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon