"Good morning, babe—I mean, sir!"
"Good morning". Walang emosyong sagot nito saka ako nilagpasan. Aba syempre hahabulin ko sya no!
Ibibigay ko sa kanya 'tong coffee stick na tinimpla ko para sa kanya.
"Sir, teka lang! Nagtimpla ako ng kape para sa'yo lang ako!"
"Umalis ka dyan, Sophie! May gagawin pa akong lesson plan!"
"Babe naman este sir pala... Ang aga aga pa oh trabaho kaagad haharapin mo! Pwede namang ako muna, 'diba?"
"Hinarap na kita kahapon pa. Bagsak ka nga eh!'
"Ha! That can't be! Palagi kaya akong nakakuha ng perfect score sa mga written exams mo!"
Sa wakas hinarap na niya ako. Ang tulis ng titig niya sa akin, tagos sa aking hypothalamus.
"Sa written exams lang. You are not good at oral recitations".
"Sir, naman eh... Alam mo naman na ayaw ko talaga sa mga speeches. Swerte ka nga at kinakausap kita charottt."
"Sana all swerte!"
Natatawa naman niyang sabi! Shitt ang sarap sa eyes. Lalong pumugi si sir 'pag tumatawa eh.
"Sophie, EUT tayo someday".
Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sinabi niya. EUT? Shet bastos si sir?
"Sir... "
"Ayaw mo ba?"
"Ambad mo, sir".
"Bad? Hindi naman masama ang yayain kang mag EUT ha..."
"Ehh ano ba kasi meaning ng EUT na 'yan?"
"I'm asking you if you want to Enjoy, Unwind and, Travel the whole world with me when you finish your tertiary education".
Shitt tumaas balahibo ko sa balat. Kung ano ano kasi ang iniisip ko eh! Pero impernes, kinilig ako do'n ha! Marunong din pala bumanat si sir!
"Oo naman, sir! EUT tayo someday!"
"'Yan naman pala eh kaya 'wag mo akong aakitin, Sophie. Marunong akong maghintay sana ikaw din. ParaSeoulang ako!"