❝Verah, andito si Ford oh!❞
❝Oy pre, tingnan mo si Verah!❞
Napayuko ako sa aking narinig. Kasama ko ang aking kaibigan na si Verah. Alam ko na sa harap siya ng grupo ni Ford dadaan kaya wala akong ibang magawa kundi ang magpatianud nalang. Nag-angat ako ng tingin nang mapatapat kami sa kanilang harapan ngunit agad din akong yumuko na para bang hindi ako naaapektuhan. Aaminin ko na may gusto ako kay Ford at nasasaktan ako sa tuwing nirereto siya kay Verah. The way he looks at her, seems like he is really into her. I don't know if Verah feels the same thing towards him. May pagka flirt din kasi 'tong kaibigan ko and I think she also loves being adored by a handful of men in our school.
❝Excited na ako sa graduation natin, ikaw ba?❞ Agaran kong tanong nang makalampas kami kina Ford. Gusto kong mawala ang tension na pumapalibot sa akin. Umagik-ik siya at nagpapadyak padyak ng paa.
❝Oo naman ako pa! Excited na akong tawagin ang pangalan ko.❞ Tumawa ako. Pilit akong tumawa kasi sa totoo lang hindi ko ramdam ang totoong pakikitungo niya sa akin. Parang pinaplastik niya lang ako. There is something in her that I want to dive into.
——
❝Confess your feelings to your crush. Kaya mo ba?❞ One of my so called friends, Andy challenged me. I roamed my eyes around the four corners of our room only to met Verah's ironical gazes.Tumikhim ako saka dahan dahang ibinaling ang aking paningin kay Andy.
❝Hindi ko kaya 'yan. Think of another challenge.❞
❝Okay. Ask him to take photos with you on our graduation day.❞
❝'Yan! Bet ko 'yan, Naomi!❞
❝Sige na, Naomi. Pumayag ka na!❞
Napakagat labi ako. Hindi ko alam kong kakayanin ko ba ang pinapagawa nila sa akin. Hindi ko nga kayang titigan si Ford, makipagpicture pa kaya? Shit! Kahiya naman saka baka may girlfriend na 'yon e.
❝Ayaw.❞ Tumahimik ang lahat. Gumaan ang pakiramdam ko ngunit,
❝Hindi ka na namin papansinin 'pag 'di ka pumayag. Sige ka...❞
Okay lang sa akin. Kaya kong 'di tayo magpansinan. Joke lang. Hindi ko kaya 'yon. Minsan na din kasi akong nawalan ng mga kaibigan dahil sa pride ko.
❝Litsyy! Sige na nga!❞
——
❝Pssst! Naomi!❞ Kunot noo akong lumingon kay Andy. Sinundan ko ng tingin ang nginuso niya ngunit agad ko ding nilihis ang aking mga mata. Nagpapanggap akong walang pakialam nang makita ko si Ford sa covered court. Damn it! He looks so hot in his jersey. Tumingin ulit ako sa gawi niya. Pinansamantala ko ang pagkakataong nakatalikod ito sa akin. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang numerong nakaprinta sa kanyang likod. It's 69. Pakiramdam ko'y nag-iinit na naman ang aking pisngi. Umaandar na naman kasi ang kamanyakan ng isipan ko.
❝Pasulyap-sulyap tingin!❞
❝Tigil tigilan mo ako, Andy ha! Talsik ka talaga dun sa library ba!❞
❝Ganyan ka ba talaga 'pag kinikilig? Naku naman! Kakaiba ka ha!❞
Pinigilan ko ang ngiting kanina pa kumawala sa aking labi. Bakit ba 'pag tungkol sa kanya, tila ba mapupunit na ang baba ko kakangiti?
❝Tumigil ka!❞
❝Ah basta! Magpa-papicture ka sa kanya mamaya.❞
❝Ayaw ko nga!❞
❝Edi, mag-confess ka!❞
❝Mas lalong ayaw ko. Ang unfair naman no'n. May feelings ako para sa kanya tapos siya sa akin, wala!❞
❝May feelings ako para sa iyo. 'Di mo lang nahahalata.❞
Para akong naestatwa sa aking inuupuan. I felt like having a stiffed neck. That voice. That baritone voice is Fords.
❝Andy, can I borrow my woman from you? Give me 10 minutes, please.❞ Sinulyapan ko si Andy na ngayon ay nakangiti ng nakakaloka. Nang tumayo si Andy sa pagkakaupo, tatayo na din sana ako para umalis.
❝ Ms. Demetri, stay there. May pag uusapan pa tayo.❞ Bumilis ang tahip ng puso ko sa kanyang sinabi. Wala na. Tuluyan ng umalis si Andy at kaming dalawa nalang ang naiiwan. Nagsimula na naman akong pagpawisan na para bang sampung kilometro ang tinakbo ko.
❝Anong pag-uusapan natin? Bilisan mo, marami pa akong gagawin.❞
❝Let's talk about us.❞
❝Okay. Simulan mo. Maghahanda pa ako para sa cotillion dance namin—.❞
❝Stop it, Naomi!❞ Napilitan akong tumingin sa kanyang mga matang singkit. Nalulunod na naman ako sa mga ito. Isa, dalawa, tatlong segundo. Hindi ko kinaya kaya nag iwas ako ng tingin.
❝Stop pretending that you don't feel uneasy. ❞❝'Wag kang assuming.❞
❝Do you like me? Please, answer me with honesty.❞
❝What if I don't? I don't like you.❞
Imbes na sagutin ako, hinugot niya mula sa kanyang bulsa ang cellphone. Nagulat ako nang itinaas niya ito saka biglang tumunog.❝Oh ayan! May picture na tayong dalawa.❞
❝If you don't like me, that's fine kasi ibig sabihin no'n, mahal mo ako and the feelings are mutual, baby.❞
Kasabay ng pagbigkas niya ng I Love you at ang paghalik niya sa aking pisngi ay ang pag tunog ng camera. Damn it!