"Hi, anong pangalan mo?" Tanong ko sa butiki na nakipagtitigan sa akin habang tudo kapit sa kisame. Two minutes passed hindi pa rin ako sinagot.
"Gago ka ha! Bakit ayaw mo akong sagutin? Wala ka bang bibig ha?"
Bulyaw ko saka ko siya tinarget ng rubber band. Ayun sapul yung tiyan niya."Ma, c.r lang ako ha".
"O, baka saan ka naman magpunta! Tatae yang mukha mo!"
"Tatae nga ako ma eh! Ayan nauutot tuloy ako!"
Sigaw ko kay mama kahit ang totoo'y pupunta nga ako sa highway para bumili ng tiktok at mag YouTube. Pinayagan naman niya ako sa huli.
"Oh ineng! Gabi na ha, saan ka pupunta?"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng tanod sa likod ko. Daig pa yung stalker kung makasunod oh!"Ah ano, manong... magpa-paload lang ako doon sa unahan".
"Alas nuwebi na ng gabi. Alam mo naman siguro na may curfew diba? Mario!"
Tawag niya sa kanyang kasamahan."Oh bakit pare?"
"Tulungan mo ako. Dalhin natin ang batang 'to kay Kapitana!"
Nanlaki ang mata ko. Letson!
"Naku po! 'Wag naman ganyan!""Nilalabag mo ang batas eh!"
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at bahagyang lumapit sa kanya para bumulong."Manong, wala ka nang asawa, diba?"
Mata naman niya ang nanlaki sa tanong ko."Ako nalang asawahin mo, manong. Basta ba... payagan mo lang ako mag star gazing dito sa kalsada gabi gabi".
Tumango tango si manong tanod kaya ngayon, magkatabi kaming nag stargazing sa kalsada kahit walang suot na mask. Takot kasi ang Covid sa amin kasi mukha din naman kaming virus.