Kanina pa ako nakatayo dito sa gilid ng kalsada. Inaantay ko kung kailan wala ng sasakyang tatakbo pero parang hindi ata mauubos ang mga 'to kaya napagdesisyonan kong umupo nalang muna. 'Yung para bang tumatae? Ganun ang aking pustura habang ang magkabila kong kamay ay nasa tuhod. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng siyudad. Maraming nagtataasang gusali at nasa tapat ako ng Hotel Fortuna.
--
Maya maya ay naging berde ang kaninang kulay pula na poste at nagsi-tawid ang mga tao. Gusto ko sanang tumawid din pero natatakot ako. Baka kasi sagasaan ako ng mga sasakyan sa gitna. Naiiyak na ako. Gusto kong puntahan yung hotel kung saan nagtrabaho ang aking kapatid na wetres. Jalebe daw ang pangalan ng hotel. Ang problema ay hindi ko alam kung saan 'yon matatagpuan.❝Hey, beshey! Bigyan natin ng pera 'yung pulubi oh. Total pasko din naman ngayon.❞
❝Sige ba. Nakakaawa naman...❞
Tiningnan ko ang nagmamay ari ng boses. Dalawang magandang babae na may makinis at mapuputing balat ang papalapit sa akin.
❝Ineng, oh.❞ Nilagay ng babaeng may mahabang buhok ang limampung piso sa aking hita saka sila tuluyang umalis.
❝Naku! Hindi po ako pulubi, Miss!❞ Malakas na sigaw ko pero parang wala ata silang naririnig. Idinukdok ko nalang ang ulo ko sa aking tuhod.
Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong may kumalabit sa akin. Pasensya na pero napo-pogian talaga ako sa lalaking nasa aking harapan. 'Yung kutis niya ay pang mayaman.
❝Heto O ibili mo 'yan ng pagkain.❞ Napatingin ako sa perang inilagay niya sa aking palad. Isang libo?
Ganito ba talaga ang tingin ng mga tao sa akin dito sa syudad? Porket ba galing ako sa probinsya? Sinuri-suri ko ang aking sarili. Kunti lang naman ang butas-butas sa aking damit at ang suot kong tsinilas ay spartan na kakabili ko lang.
Tumayo ako at hinabol 'yung lalaking nag abot sa akin ng pera, muntik pa akong mabunggo ng trak.❝Kuyang pogi! Hindi po ako namamalimos! Isasauli ko na 'tong pera mo! Antayin mo ako!❞ Patuloy lang siya sa paglalakad. Tudo takbo naman ako hanggang sa maabutan ko siya sa harap ng kulay asul na kotse.
❝Isasauli ko na ...po 'to. Hindi po ako pulubi.❞ Habul hininga kong sabi. Tinitigan niya lang ako saka akmang bubuksan na sana niya ang kotse nang tanungin ko siya.
❝Kotse mo 'to?❞
❝Yeah. Get in. I'll tour you around the city.❞ Bahagyang kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Ano daw?
❝Anong sabi mo? Hindi kita maintindihan e.❞❝Pumasok ka sa kotse tsaka sa iyo na 'yang pera.❞ Mariin niyang sabi. At dahil gusto kong maranasang makasakay sa marangyang sasakyan, pumasok ako sa loob.
❝Pwede mo ba akong dalhin sa hotel?❞
❝Bakit? Anong gagawin mo do'n?❞ Nakangiti niyang sabi habang nagmamaneho.
❝Doon kasi nagta-trabaho si Ati. Gusto ko syang puntahan.❞
❝Anong pangalan ng hotel? As you can see, there are lots of hotel in here.❞
❝Jalibe daw.❞
❝What? Baka nagkamali ka lang. Walang hotel dito na nagnga-ngalang jalibe. Ano bang trabaho ng ate mo?❞
❝Si ati? Ano.. Wetres siya sa jalibe.❞Nagulat ako ng humagalpak siya ng tawa. Namumula na ang kanyang mukha kakatawa. Nababaliw na ata 'to. Lumakas ang tibok ng puso ko sa aking naisip kaya dahan dahan kong kinapa-kapa ang para bukas ng pinto sa kotse. Nasapian ata 'to.
❝Walang hotel dito na nagnga-ngalang jollibee, Miss. Fast-food restaurant ata ang ibig mong sabihin.❞
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nagpigigil pa din siya ng tawa. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
❝I'm not ignorance so, don't laughing me.❞ Matapang kong sabi. Kala niya di ako marunong mag englis? Elementary gradwet kaya ako.
❝Okay. I'll drive you there HAHA. What's your name, by the way?❞
❝Pangalan ko? Ariane Lucs.❞
❝Cool. Ako nga pala si Zen Jack.❞ Sabi niya at itinuon ang mga mata sa kalsada.
❝Oh okay ka lang ba?❞
❝Nasusuka ako. Hindi kasi ako sanay magbyahe. Nahihilo ako 'pag nakabukas ang erkon.❞ Wika ko habang tinatakpan ang aking bibig.
Sumakit na ang aking tiyan dahil sumuka ako kanina sa bus. Napansin kong dinukot niya ang ang kanyang pitaka sa bulsa at inilahad ito sa akin.
❝ Buksan mo. May candy ako dyan, baka makatulong.❞ Nag alinlangan kong binuksan ang kanyang pitaka. Nahagilap ng aking mata ang dalawang kendi.
Kinuha ko 'yung may nakalagay na 'chocolate' at dali daling binalatan. Nagulat ako sa aking nakita dahil mukhang balloon kasi ang laman. Galing ata 'to sa ibang bansa. Natatakam ako sa amoy kaya agad ko itong nginuya.
❝Kumusta ang pakiramdam mo?❞
❝Okay na. Ang sarap kasi ng chocolate.❞ Sabi ko habang ngumunguya. Muntik pa akong mabilaukan dahil sa laki.❝Anong chocolate? Snowbear 'yan.❞.
❝Ito oh.❞ Niluwa ko ang ang kendi at ganun na lang ang paglaki ng kanyang mga mata.❝Hindi dapat 'yan ang kinuha mo! Condom 'yan eh hindi candy. God! You're driving me crazy!❞