Chicharon

251 30 4
                                    

"Crush naman! Bakit 'di mo ako magustuhan? Ano ba kasi ang gusto mo sa isang babae?"
Pang limang beses ko na itong tinatanong kay Erick.


Nagmumukha na akong desperada. Ewan ko  kung dahil ba sabi nila daks daw ang lalaking 'to o dahil matalino ito sa Math kaya ako nagkagusto. Gwapo din siya, madaming nagkakandarapa isali mo na 'yung guard na malaki ang tyan sa school namin.


"Gusto ko sa babae 'yung hindi maingay kumain." Napalunok ako. 'Di naman ako maingay ah.


"Gusto ko din 'yung slang magsalita".

"Ahhhh ganon ba... Teka lang ha, may kukunin lang ako". Ani ko at nagtungo sa canteen para bumili ng chicharon. Kahit tag 50 pesos ito at tatlong piraso lang naman ang laman ay binili ko.

"Isdis watcha layk? Look at me, crush. I'm gonna chow you how I eyt without any noise."
Sabi ko nang makabalik ako sa classroom.

I really tried my best to sound slang when speaking. Everyone gathered to our spot para maki chissmiss. Binuksan ko 'yung plastic ng chicharon at maarteng kumuha ng isa. Ipinakita ko ito Kay Erick. Gusto niya daw 'yung hindi maingay kumain kaya nilunok ko ito ng diritso without chewing. Ayun, hindi nga maingay kasi nahimatay ako matapos mabilaukan.

Dark Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon