❝Ang dami na ng tagyawat mo, Cinder ah! Palagi ka atang kumakain ng peanuts.❞ Nababahalang wika ng kaibigan kong si Jess Smith.
Kinuha ko ang maliit kong salamin sa aking bag saka pinakatitigan ang aking mukha. Napaka-pangit ko na tingnan.
❝Hindi ako mahilig sa peanuts. Siguro dahil ito sa mga alikabok. Bibili kaya ako ng ointment?❞
❝Alam mo, may ibang paraan naman para dyan. Hindi ka pa gagastos. Gusto mo bang malaman ang sekreto ko?❞
Isinilid ko ang salamin sa aking bag. Nagsuklay ako saka nagpulbo.
❝Sekreto? Regarding dyan sa makikinis mong mukha?❞ I curiously asked her and she merely nodded in response with a sinister smile.
Lumingon lingon siya at nang masigurado niyang walang ibang makakarinig ay saka siya nagsalita.
❝Inutusan ko kasi 'yung boyfriend ko na ipunin ang tamod niya sa tuwing lalabasan siya.❞ Napakunot ang aking noo saka namimilog ang aking mga mata sa narinig. Tamod? Nababaliw ata 'tong kaibigan ko e.
❝'Yung naipun niya ay araw-araw kong pinapahid sa aking mukha. Ang kinis ng mukha ko 'diba? Wala pang tagyawat.❞ Natatawa niyang sabi at hinimas himas ang kanyang mukha. Napaisip tuloy ako...
❝Napa-praning ka na ata bess e. Alam mo, bad influence ka talaga sa akin.❞
❝Gaga ka din talaga e. Totoo kasi 'yang sinasabi ko. Try mo pa nga. Thank me soon kung mawala na ang mga 'yan sa pangit mong mukha.❞ Binatukan ko nga. Tawagin ba namang pangit ang mukha ko.
❝Paano ko naman i-try 'yan? E wala nga akong jowa.❞ Sabi ko dahilan para pumalakpak siya.
❝'Yung brief ng crush mo.❞ Ano namang gagawin ko?
❝Nakawin mo bess for sure palagi 'yang nilalabasan HAHA!❞
Napalingon ako sa upuan ni Jack. Litsy talaga tong kaibigan ko, ang laki ng bungaga.
❝Minimize your voice gaga. Baka marinig ka!❞
❝HAHA okay. Basta try mo 'yung sinabi ko huh.❞
———
Ilang araw kong pinag-isipan ang sinabi sa akin ni Jess hanggang sa napag desisyonan ko na subukan nalang din. Gabi gabi akong nagpunta sa bahay nina Jack para nakawin ang kanyang ginamit na brief doon sa laundry basket.Since hindi naman siya mahilig mag-lock ng kanilang front door, malaya akong nakapasok sa bahay. Kahit na nandidiri ako sa hindi maipaliwanag na amoy, tiniis kong ipahid sa aking mukha ang brief.
❝Hindi mo pa rin sinubukan. Lumala na 'yang pimples mo.❞ Saad ni Jess habang iniinom ang kanyang Mountain Dew.
❝Sinubukan ko na pero bakit wala pa ding effect? Niloloko mo lang ata ako e.❞
❝Hindi. Bumalik ka ulit 'don sa bahay nila. Nakawin mo ulit yung brief niya.❞
'Yun nga bumalik ako isang gabi sa bahay nina Jack. Hinalungkat ko ang mga damit 'dun sa laundry basket para hanapin ang brief niya. Hanggang sa may narinig akong yabag ng paa. Lumakas ang tibok ng puso ko lalo na nang bumukas ang ilaw at nakita kong nakatayo si Jack sa may hagdanan.
❝Anong ginawa mo dyan? Tatawag ako ng pulis.❞ Parang huminto saglit ang aking paghinga nang kunin niya ang telepono. Tumakbo ako sa kanya at inagaw ang ito.
❝Teka lang... Nandito ako kasi hinahanap ko 'yung nawawala naming pusa.❞ Habul hininga kong sabi. Ngumisi lang siya saka ako kinaladkad 'dun sa isang kwarto.
❝You're a liar. Hinahanap mo ang pusa nyo o may hinahanap kang iba?❞ Mapang asar niyang tanong.
Nanlaki ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang computer. May cctv pala sa bahay nila. Kitang kita ang aking itsura pagpasok ko sa bahay hanggang sa matangay ko 'yong brief. 'Nung unang gabi 'to eh.
❝'Brief ko ang pinunta mo dito. Am I right?❞ Nakurot ko ang aking sarili nang hindi ako nagdadalawang-isip na tumango bilang tugon sa kanyang tanong.
❝'Yon na nga eh. Akala mo'y brief KO talaga ang nanakaw mo pero hindi pala.❞ Bahagyang napaawang ang aking baba sa kanyang sinabi. Shit, what's he trying to imply?
❝Hindi ka ba nagtaka kung bakit amoy ihi 'yung brief? Brief kasi ni Lolo ang ninakaw mo. 'Yung akala mo'y tamod, almoranas niya 'yon. Calvin Klein ang brand ng brief ko Cinder, if you only know. Hindi din sa akin ang laundry basket na 'yan.❞
------------