|04|

43 34 1
                                    

"I found you,Zendra"

Naka tingin lang ako sakan'ya habang nag sisink-in sakin lahat ng past ko,ang sakit...ayaw ko nang maalala ang past ko,bakit? Bakit ang liit ng mundo?

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Asher,bakit pakiramdam ko iiyak ako bigla sa yakap n'ya?

He give me a warm hug,nakaramdam ako agad ng pagkakomportable sa yakap n'ya,tinapik tapik n'ya pa ang likod ko.

"Mga bata mag babayad ba kayo o hindi? Kanina ko pa kayo pinapanood. Ikaw naman Ate yakapin mo narin kasi" Bigla kona itulak si Asher dahil sa sinabi ng kondoktor samin.

"Hala kuya mali kayo ng iniisip" Pagtatanggi ko kay kuyang kondoktor. Narinig ko naman ang maliit na tawa ni Asher kaya hinagis ko sakanya ang wallet n'ya!

"Dalawang kanto po ng Mandiville" Sabi ni Asher sabay abot ng bayad.

Gulat akong napatingin kay Asher.

Paano n'ya nalaman kung saang kanto ako nakatira or baka parehas lang kami? Hala

Tahimik lang kaming dalawa hanggang makababa sa loob ng bus.

Sabay kaming naglalakad at sobrang awkward!

Hindi ako nagsasalita dahil iniisip ko lahat ang mga araw na ayaw ko ng balikan.

Ng dahil sa pagkaconfine ko sa hospital nabaon kami sa utang.

Napilitan si papa na mag-ofw kaya hindi ko siya nakakasama hanggang ngayon nasa US parin s'ya.

Nurse si mama sa hospital pero hindi nagiging sapat ang sweldo n'ya dahil sa daming gamot na binibili.

Si kuya na palaging naiiwan sa bahay nawala na sakanya ang atensyon nina mama at papa at napunta saakin lahat pero hindi rin ako pinabayaan ni kuya,palagi n'ya akong dinadalaw sa hospital kapag wala s'yang klase.

Dahil saakin,gabi-gabi kong nakikitang umiiyak si mama. Napapa-iyak narin ako kasi sobrang naaawa na ako sa kalagayan namin,wala akong magawa kundi mag pakatibay para sakanila.

Pero isang araw na-isipan kong sumuko na dahil nawawalan na akong pag-asa puro nalang paghihirap.

Sakto dahil walang nagbabantay sakin dahil nasa duty si mama.

That time napapagod na akong habulin ang paghinga ko,napapagod na akong makita na nahihirapan sila dahil sakin,kaya tinigil ko ang pag hinga ko. I'm too young that time so I decide to give up.

Dahan dahan kong pinikit ang mata ko habang pinipigilan ang paghinga ko iniisip ko na katapusan ko naman na talaga mapapa-aga lang.

Pero may isang bata na bigla akong sinabunutan.

Si Asher.

Katabi ko siya ng room sa hospital,umiiyak s'ya,iniiyakan n'ya ako.

"Did you see my Mommy?" Nakakaawang tanong n'ya sakin. Mas muka pa s'yang kawawa kaysa sakin.

Pinunasan ko ang luha n'ya at hindi ako nakasagot sakanya.

At that time I forgot that I need to end my life.

Muka s'yang mas matanda sakin pero ang lakas n'yang umiyak.

Tinuloy ko ulit ang paghinga ko at hinawakan ko ang kamay ng batang umiiyak.

"Tulungan kita hanapin si mommy mo"Pag aalok ko sakanya pero hindi ko magawang gumalaw.

Found You in CumulusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon