|15|

39 25 1
                                        

"Anong ginagawa mo Zenzen?" He asked.

He was still wearing Cracknell unifrom ofcourse.

"Hindi ba halata Ash? Pinipicturan ko 'yung ulap tapos bigla kang dumating tapos hinarangan mo ang napakaganda kong shot kaya pumangit na" I said firmly. Tinignan ko isa isa ang shots ko,okay naman pero napangiti ako habang tinitignan ko ang picture ni Asher. Abno!

"Mahilig ka parin d'yan?" Tanong ni Asher. Tumabi sakin si Asher habang tinitignan din ang mga ulap.

"Everytime na tumitingin ako sa ulap lagi akong naamaze sa figure nila and yes I'm still inlove to the sky" Sabi ko. Mas lalo akong napatingin sa ulap.

"Ang ganda diba?" I asked Ash while staring in cloud.

"Oo parang ikaw" He murmured. Mahina pero narinig ko parin sa sobrang lapit niya.

Napalingon ako kay Ash na nakatingin parin sa ulap.

I found my self smiling at him

"Kapag wala kang prof sa friday punta ka sa school Asher" Napatingin naman sakin si Ash.

"Ano meron? Pag eenrollin mo naba ako sa school n'yo?" Natatawang sabi n'ya. Napairap naman ako sakanya.

"Si Brey lalaban sa Ms and Mr International sa friday" I said.

Nakita ko pa ang pag "woah"ni Ash sa bibig n'ya.

"Isasama ko run si Dayny pampalakas ni Brey hahaha" I laughed. "Nangangailangan section namin"

"Pampalakas? Talaga lang ha?" Parang sarcastic na sabi ni Ash. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Ash.

Magsasalita palang sana ako kaso biglang tumayo si Ash iniwan n'ya ang bag n'ya sa tabi ko at umalis.

Habang wala pa si Ash tinawagan ko na si kuya Zaver na sunduin ako kasi wala akong pera buti nalang pumayag agad.

"Isaw gusto mo?" Pag-aalok ni Ash pagbalik n'ya sa tabi ko.

He was holding a two mineral water and one plastic cup na may lamang isaw.

Napatango lang ako at kinuha ang isang isaw sa cup. Hindi talaga ako mahilig sa isaw pero kumain parin ako dahil galing kay Asher iyon at nag-effort siyang bumili.

Binuksan ni Ash ang isang mineral water then binigay n'ya sakin napangiti ako dahil sa ginawa n'ya.

"Dahan dahan lang Zendra" Asher said and he tap my shoulder.

Nakaka-apat na isaw na ako.

Napalingon ako kay Ash then I give him a slight smile dahil may laman ang bibig ko kaya slight smile lang.

Nashook ako ng ilapit n'ya ang kamay n'ya sa tabi ng lips ko at may pinunasan s'ya.

"Ang ganda mo parin kahit muka kang patay gutom" Sabi ni Asher habang nakatingin sakin. He laughed while touching my lips.

"ZENDRAAAAAAAAAA!!!!"

Napalingon agad kami ni Ash sa lalaking sumigaw.

Shit si kuya Zaver!

"Bitaaawan mo yaaang kapatid kooo sasakalin kitaaa!"Galit na sigaw ni kuya Zaver habang papalapit samin. Teka,bakit galit na galit siya? Huhu.

Napabitaw agad si Ash dahil sa sinabi ni kuya Zaver.

Napatayo si Ash pati narin ako.

"Sino ka ha? Sino ka? Bakit hinahawakan mo 'yang kapatid ko ha? Wag mo na palang  sagutin,dalian mo Zendra sumakay kana sa sasakyan ko" Galit na galit si kuya Zaver samantalang wala namang ginawa si Asher. Bigla tuloy ako naawa kay Asher.

Found You in CumulusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon