Chapter 3: Here We Go!

362 28 3
                                    

Tumunog na ang bell at lahat kami ay tumayo na sa mga kaniya-kaniyang upuan. Lunch break namin ngayon at may isang oras kami. Kaninang umaga ay sabay kaming pumasok ni Connor. Siyempre sinabi ko 'yon kay Mama para hindi sila mag-isip ng kung ano kung makikita man nila kaming magkasama.

Nasa bahay lang ulit si Mama dahil day off pa rin niya. Kasama niya ulit ang magkakapatid na sina Tita Lorna, Tita Mavie at Tita Vanice. Masaya kasing kasama sina Tita Mavie, hindi sila nauubusan ng kuwento kaya si Mama ay napapakuwento na rin. Okay na rin 'yon na nagkaroon agad ng bagong kaibigan si Mama para hindi siya ma-bored kapag mag-isa lang siya sa bahay.

"Anong sa'yo?" tanong nang nasa tindera sa cafeteria.

Um-order ako ng isang rice at chicken. Bumili rin ako ng bottled water dahil wala silang for free na tubig hindi kagaya sa public school. Wala talagang libre rito, lahat may bayad. Nang makuha ko na ang order ko ay pumwesto kami ni Connor sa pang-limahan na upuan. Wala na kasing pang-dalawahan. Kahit na kaunti lang ang estudyante rito ay napupuno pa rin ang cafeteria.

"Uy, classmates!"

Pareho kaming nag-angat ng tingin ni Connor at nakita namin si Brian at Diana. Isa sila sa mga classmate namin. Si Diana 'yong mahinhin tapos si Brian naman 'yong mataba.

"Puwede ba kami maki-share ng lamesa? Wala na kasing bakante, eh," sabi ni Brian.

"Sure! Dalawa lang naman kami," ako na ang sumagot sa kanila.

Ngumiti silang pareho at umupo sa table namin. Ang hinhin talaga ni Diana. Lumingon siya sa'kin kaya nginitian ko siya.

"Rence! May upuan pa rito!" sigaw ni Brian.

"Jackpot! Akala ko maghahanap na naman ako ng kakainan, eh," sabi ng bagong dating na si Rence.

"Hi, Ms. Transferee and Mr. Half Breed!" bati nito sa'min ni Connor na nagpalukot sa pareho naming mukha pero tumawa lang sina Brian.

"'Di ba sa Belgia village kayong apat nakatira?" pagtatanong ni Rence.

"Yup," si Connor.

"Oo, kalilipat lang namin," tugon ko.

"Matagal na kami ro'n ni Diana. Sa totoo nga niyan, sabay kaming lumaki. Dahil magkapit-bahay lang kami," saad ni Brian.

"Nice! Alam niyo ba na may haunted house riyan sa village niyo?" pabulong na sabi ni Rence.

Haunted house?

Nagkatinginan kami ni Connor at sabay na napatingin kay Rence.

"Paano mo naman nalaman?" si Connor.

"Narinig ko lang do'n sa mga estudyante na nakatira rin do'n. Dahil likas akong matulungin, nilapitan ko sila para magtanong. Baka hindi na nakakatulog ang mga 'yon sa gabi."

"Anong sabi nila?" si Brian.

Binaba ni Rence ang hawak niyang kutsara at tinidor sabay inilapit ang mukha niya sa'min.

"Noong gabi raw na gumawa sila ng project sa bahay ng kaibigan nila, dumaan daw sila sa cursed street ng Belgia village tapos may mga narinig daw silang sigaw ng isang babae. Iyong parang pinapahirapan daw," sabi ni Rence na may mahinang boses.

Medyo kinilabutan ako sa sinabi ni Rence. Pero hindi naman siya sigurado kung totoo nga ba dahil nagtanong lang siya at wala rin siyang pruweba.

"T-Totoo ba 'yan?" nautal si Brian sa pagsasalita siguro ay natakot siya sa kuwento ni Rence. Tinignan ko naman si Diana. Tahimik lang siya pero makikita mo ang pagkabahala sa buo niyang mukha.

"Hindi 'yan totoo, saka cursed street? Baka ang tinutukoy nila ay ang bakanteng lote sa dulong street. At isa pa, sana ay i-ni-report nila sa pulis o 'di kaya sa guard dahil 'yon ang pinakamalapit," si Connor na ang sumagot kay Brian.

"Bro, bakit i-re-report, eh, multo nga? Alam ko na wala akong sapat na pruweba sa ngayon para patunayan sa inyo ang mga sinabi ko. Pero pwede naman nating puntahan 'yong bahay na sinasabi nila para magkaalaman na rin," tugon ni Rence kay Connor.

Nagkatinginan kaming apat at naghihintay sa susunod na magsasalita. Kung balak nilang puntahan ang bahay na sinasabi ni Rence ay baka sumama ako. Gusto ko lang din malaman kung ano 'yong makikita namin sa loob sa oras na pasukin namin ang bahay na 'yon.

"Para na rin sa peace of mind niyo," pamimilit pa ni Rence.

"Sasama ako," sabi ko.

Mukhang hindi inaasahan ni Connor na sasama ako. Kahit ako ay nagulat din sa sinabi ko.

"Sama rin ako!" gaya ni Brian.

"Sasama na rin ako," parang walang choice na sabi ni Connor.

"S-Sasama rin ako..." parang nag-aalangan na saad ni Diana.

"Yes! Mamayang uwian sabay-sabay tayong pupunta sa Belgia village at papasukin natin ang haunted house ng Belgia village!" malakas na usal ni Rence kaya sinita kami ng dumadaan na mga teachers.

Tinapos na namin ang pagkain dahil malapit ng matapos ang one hour na lunch break. Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay na rin kaming bumalik sa classroom. Si Diana at Brian ay sa harapan nakaupo. Si Rence naman ay sa gitna at kami ni Connor ay sa dulo. Hindi kagaya noong first day ay nagklase na kami ngayon.

Tumunog na ulit ang bell pagsapit ng six-thirty. Lumabas na kaming lima ng classroom habang pinag-uusapan kung paano kami makakapasok sa bahay. Pagkalabas namin ng gate sa school ay tumakbo si Rence at sinabing hintayin lang daw namin siya. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik na siya sakay ng isang kotse.

"Aba, rich kid naman pala," sabi ni Brian habang hinahawakan ang sasakyan ni Rence

"Pinahiram lang ng parents ko dahil malayo pa 'yong bahay namin," sagot ni Rence kay Brian.

"Ayos! Hindi na tayo maglalakad," nakangiti kong sambit.

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" Masaya talaga si Rence dahil napapayag niya kami na puntahan ang sinasabi niya. Sumakay na si Rence sa driver's seat at si Connor naman sa passenger seat kaya nagsisiksikan kami nina Brian at Diana sa likod.

"Ang taba mo!" angal ni Diana na nakaupo sa kabilang side.

"Sorry! Nag-di-diet na talaga ako!" ani ni Brian dahil alam niyang naiipit kami.

Tinawanan ko lang sila kahit na masikip. Si Brian kasi ang pinaupo namin sa gitna para hindi kami ma-sandwich.

"Belgia village, here we go!" sigaw ni Rence bago patakbuhin ang sasakyan.

The Mystery In Belgia VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon