Nakayuko ako habang tinititigan ang magkadikit kong kamay. Nasa bahay na kami ngayon at sa palagay ko ay alas dose na nang madaling araw. Tinawagan ni Inspector Toribio ang mga parents namin at pagkalipas lang ng thirty minutes ay sabay-sabay na dumating ang mga magulang namin.
Hindi na ako nakapagpaalam kina Connor dahil nandiyan na ang mga parents namin. Simula nang makaalis kami sa police station ay walang nagsasalita kina Mama. Kinakabahan na ako dahil pakiramdam ko ay galit si Papa. Nasa sala kaming tatlo at nakaupo silang dalawa sa harapan ko. Wala pa ring nagsasalita sa kanila kaya nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang walang emosyon na mukha ni Papa.
"M-Magpapahinga na po ako," saad ko saka tumayo sa kinauupuan.
"Bumalik ka sa upuan mo!"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang malakas na nagsalita si Papa. Tumigil ako sa paglalakad at nakayukong bumalik sa kinauupuan ko.
"Anak, bakit niyo naman 'yon ginawa?" Lumambot ang puso ko nang marinig ko ang mahinahon na boses ni Mama.
"Sorry po..." tanging sambit ko.
"Iyan lang ang sasabihin mo? Hindi mo ba sasabihin sa amin kung paanong nangyari ang mga bagay na 'yon?! Paano kayo napunta sa lugar na 'yon? Bakit kayo sinusundan ng hindi kilalang sasakyan, Sierra?" nagpupuyos sa galit na sabi ni Papa.
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at nanatili lang akong nakayuko.
"Ang sabi mo ay may gagawin kayong project. Project bang matatawag ang mga ginawa niyo?! Mga bata pa kayo pero bakit naman pinapakialaman niyo pa 'yong mga ganoong bagay? Naiintindihan ko na itinuturing mong kaibigan ang Diana na 'yon, pero sobra naman na yata na ipahamak niyo ang mga sarili ninyo!" Muling sumigaw si Papa at naramdaman ko na ang namumuong luha sa gilid ng mata ko.
Kahit kailan ay hindi niya ako nagawang sigawan. Ngayon lang. Kahit na noong bata pa lang ako ay hindi nila akong pinagtaasan ng boses kaya ngayon ay nagugulat ako.
"Kumalma ka nga! Umiiyak na ang anak natin!" sambit ni Mama at tinabihan ako sa inuupuan ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin na lalong nagpatulo ng luha ko.
"Ayoko ng makikialam kayo sa kaso ni Diana. Kung pwede lang ay huwag ka na rin magsisinama sa mga taong 'yon! Hindi mo kailangan ng mga taong ipapahamak ka," may diin na sabi ni Papa at iniwan kami sa sala ni Mama.
Narinig pa namin ang pagkalampag ng pintuan sa kuwarto nila. Pinunasan ko ang magkabila kong pisngi bago nag-angat ng tingin kay Mama.
"Sierra, anak, ano ba talaga ang nangyari?" nag-aalala na tanong ni Mama.
"Pasensya na, Ma, pagod na po ako," tugon ko sa kaniya at marahan siyang ngumiti at sinundan ng pagtango.
"Okay. Go to your room now," sabi niya kaya tumayo na ako para umakyat sa itaas.
Napatingin pa ako sa kuwarto nina Papa bago ako tuluyan na pumasok sa kuwarto ko. Napansin ko agad ang bintana ko na nakabukas kaya nilapitan ko ito. Nakita ko sa katapat kong bintana si Connor.
Ngumiti ito sa akin at nagtaka ako ng bigla nitong itaas ang kaniyang thumbs up. Nabasa ko sa labi niya ang salitang 'you okay?' kaya tumango ako at nagtaas din ng thumbs up. Mukhang narinig niya ang mga sigaw ni Papa. Medyo nakahihiya tuloy. Biglang siyang tumalikod sa akin at nakita ko ang bagong pasok niyang mommy. Mukhang ngayon lang siya sesermonan. Umalis na ako sa tapat ng bintana at sinarado ito. Nag-shower muna ako bago sumampa sa kama at tumulala lang sa kisame.
Sa dami ng nangyari ngayong araw ay hindi ako dinadapuan ng antok.
Bigla akong may naalala kaya gumulong ako pa-side at gamit ang isang kamay ay kinapa ko ang ilalim ng kama. Nang makapa ko na ay kinuha ko ito at saka ako bumangon sa pagkakahiga. Binuksan ko ang box ng sapatos at nakita ko ang isang itim na kahon at isang keypad na cellphone. Ito ang mga gamit na nakuha namin sa bahay ni Tito Samuel nang gabing pinasok namin ang bahay niya.
Natatandaan ko pa nang gabing sinubukan kong gamitin ang cellphone na ito. Ang nag-iisang unknown number na tinawagan ko ay nag-ring pero walang sumagot. Hindi ko alam kung alam na ba ng may ari ng number na ito na wala na ang cellphone kay Tito Samuel or nagkataon lang talaga na hindi sinagot ng nasa kabilang linya.
Inabot ko ang black box at tinitigan ito. Wala na ba talagang ibang way para mabuksan 'to? Sobrang hirap naman kasi manghula eh. Ti-n-ry ko maglagay ng random numbers pero hindi gumana. Kailangan ko ng anim na numbers para mabuksan ito. Inikot-ikot ko 'to sa harapan ko at wala pa rin akong napala. Inilapag ko na lang ito sa tabi ko at sunod na kinalikot ang cellphone. Ch-in-eck ko ang gallery nito at empty.
Kinuha ko na lang ang phone ko at sinaved ang ang nag-iisang unknown number sa phone na 'to. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Lahat sila ay tumanggi. Lahat sinasabing napagbintangan lang sila. Hindi ko alam kung nagsasabi ba sila ng totoo o sila ang humabol sa amin kanina at bumangga sa sasakyan ni Rence.
Napakurap ako ng biglang may sumagi sa isipan ko.
What if...
Bumilis ang pintig ng puso ko. Mabilis kong hinablot ang phone ko at mabilis na hinanap ang number ni Rence at dinial ito.
"Shit. Sagutin mo, Rence..." bulong ko sa sarili.
Hindi ako patutulugin ng sarili ko habang hindi ko 'to nailalabas.
"Sierra? Bakit ka napatawag?"
"Yes! Thank you! Buti sinagot mo. Sorry sa abala pero may pumasok na theory sa isipan ko," pagsasabi ko nang totoo.
"What is it? Tell me."
"Remember, sabi ni Henry Tolentino ay nakatanggap lang siya ng message nang gabing 'yon at bibigyan siya ng limang libo kung gagawin niya ang sinabi ng nasa text. At isa pa, si Ernesto Pablo, ang sabi niya ay napagbintangan lang din siya. Si Josefina Mamuro, ang sabi niya ay wala din siyang kasalanan at napagbintangan lang din!" may diin kong pagkakasabi sa kaniya.
"Sierra, kakausap lang sa akin ng parents ko at hindi kami ngayon okay rito sa bahay. Puwede bang sabihin mo na lang sa akin ng direkta? Hindi gumagana ng maayos ang utak ko ngayon, please," sabi nito sa kabilang linya.
Napatango ako at napahawak sa noo ko. "Rence, I want you to know kung sino ang mga naging witness sa kanilang tatlo."
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
Mystery / ThrillerKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...