Lahat kami ay nakatutok sa mga sinasabi ng subject teacher namin. Iyong iba nga ay hindi lang nakikinig, nagsusulat din. Noong high school ako ay atat akong makarating ng college. Ang dami ko pa ngang naiisip. Kesyo, mag-do-dorm ako, magpa-part time job, pero wala naman.
Nilingon ko ang mga katabi ko at pati rin sila ay tutok sa unahan. Pumasok na ngayon si Diana pero parang may mali sa kaniya. Gusto sana namin siyang kausapin kaso sabi ni Rence mamaya na lang daw. Tumunog na ang bell at lunch time na. Lumabas na rin ang subject teacher namin at hindi na siya nag-overtime.
"Nagugutom na ko, kayo?" ani ni Brian.
"Lagi ka namang gutom," tugon ni Rence sa kaniya.
Sabay-sabay kaming lumabas ng classroom at pumunta sa cafeteria. Medyo marami na ang tao pero wala pa namang nakapuwesto sa lamesa na inuupuan namin.
"Pasabay na lang ng order ko, ang haba ng pila, eh," sabi ko sa kanila at inabot ang bayad kay Brian.
"Pasabay din!" gaya ni Rence at i-aabot sana ang pera kay Brian nang umiwas si Brian.
"Ulol ka! May dalawa ka namang paa, eh!" angal ni Brian at pumunta na sa pilahan.
"Hindi ka ba o-order, Diana?" sabi ko pero tulala lang si Diana.
Nag-angat ako ng tingin kay Connor na nakatayo sa tabi ko.
"Bilhan mo na lang siya ng kahit na ano," saad ko at tumango naman si Connor.
"Diana, ano'ng problema? Kanina pa namin napapansin na tulala ka. May nangyari ba?" nababahala kong tanong sa kaniya.
"S-Sierra..." nauutal niyang sabi at tumingin sa mga mata ko ng may takot.
Dumating na rin sina Connor at nakatingin sila sa'min. Nilapag ni Brian ang order ko at gano'n din kay Diana.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Rence.
"Okay ka lang ba, Diana?" si Brian naman ang nagtanong.
"K-Kagabi pagkaalis niyo... " utal pa ring sabi niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay alam ko na kung anong nangyari. Lumapit naman 'yong mga boys dahil mahina ang boses ni Diana.
"Anong nangyari nang makaalis kami?" tanong ni Connor.
"Pag-alis niyo, bumalik na ako sa loob ng bahay namin. N-Nang kinagabihan na, lumapit ako sa bintana kasi naiwang nakabukas. P-Pero, may nakita akong tao sa labas ng bahay namin," naiiyak na sabi ni Diana.
Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. Kahit ako na may ideya na ay nabigla pa rin at hindi maiwasang makaramdam ng takot.
"B-Baka tambay lang 'yon," giit ni Brian.
"H-Hindi! Nakita kong may hawak siyang itak! P-Pero, hindi ko nakita 'yong mukha niya kasi m-madilim." Pakiramdam ko ay nawala ang kulay sa mukha ko ng marinig ang sinabi ni Diana.
Napalingon ako kay Connor ng lumingon siya sa'kin.
"Tama ka, Sierra," saad niya.
"Tama saan?" nalilitong sabi ni Rence.
"Kagabi kasi nang paglabas natin ng bahay nina Diana, p-pakiramdam ko ay may nanonood sa'tin. Hindi kasi ako sigurado kaya hindi ko sinabi sa inyo," pagsasabi ko sa kanila.
"Putangina..." bulong ni Rence.
Para akong nawalan ng ganang kumain dahil sa nangyari kay Diana. Tinignan ko si Diana at hindi pa rin nawawala ang pagkabahala sa buo niyang mukha.
"Sigurado ka ba sa nakita mo?" si Connor.
"O-Oo, hindi pa ako antok nang mga oras na 'yon kaya sigurado ako sa nakita ko! May dala siyang itak!" naiiyak na tugon ni Diana.
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
Mistério / SuspenseKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...