Kagabi ay hindi ako pinatulog ng maayos sa kaiisip sa mga sinabi ni Henry Tolentino, ang una naming suspect. Hindi siya nakapaghanda sa tanong namin kaya inaasahan namin na madudulas siya at sasabihin sa amin ang totoo.
Ano nga ba ang totoo? Maaaring nagsasabi nga siya ng katotohanan at wala siyang kinalaman sa binibintang sa kaniya. Maaari rin namang nagsinungaling lang siya para makaiwas sa amin. Pero kung isa nga siya sa mga taong hinahanap namin ay paniguradong babalikan nila kami. Wala naman nangyaring hindi maganda kagabi kaya payapa kaming nakauwi sa mga bahay namin.
Ngayon ay magkakasama ulit kaming apat sakay sa loob ng sasakyan ni Rence. Naka-park kami sa harap ng isang elementary school habang hinihintay ang second suspect namin. Kung kahapon ay biglaan ang pagtatanong namin, ngayon naman ay iibahin na namin. Biyernes ngayon at nasa parehong day-off sina Mama at Papa. Mabuti nga at pinayagan nila akong makalabas ng sinabi ko na birthday ng kapatid ni Rence kahit na wala naman talaga siyang kapatid.
"Anong oras na?" tanong ni Brian na katabi ko na naman sa backseat.
"Malapit ng mag-alas singko. Five-thirty ang uwian ng mga bata kaya before five-thirty ay makikita na natin si Ernest Pablo," sagot ko sa kaniya.
"Bakit nga pala ganiyan ang suot mo?" kunot noo na tanong ko sa katabi ko.
Nakasuot siya ng black leather jacket at mukhang gumamit pa siya ng hair gel para patayuin ang buhok niya. May suot din siyang black na shades at ang toothpick na kanina niya pa kagat-kagat.
"Napaisip kasi ako sa sinabi ni Henry kahapon. Sabi niya ay nag-fe-feeling detective raw tayo kaya sineryoso ko na. Ayos ba?" parang tanga na sabi niya at hinawakan pa ang sulok ng salamin niya at inangat ng kaunti at binalik ulit.
"Detective? Mas mukha kang rockstar o 'di kaya ay gangster na malusog," sabi sa kaniya ni Rence na nasa driver's seat.
"Astig ng porma natin, ah?" Si Connor naman ang nagsalita.
"Sabi kaya ni Mommy ang cute ko raw sa leather! Ikaw ba, Sierra, nagpakulay ka ba ng buhok? First day of school pa lang napansin ko ng brown 'yan." Paglilipat ng usapan sa'kin ni Brian.
"Hindi ako nagpakulay. Ganito na talaga ang kulay ng buhok ko," tugon ko at ngumiwi naman siya at hinawakan pa ang dulo ng buhok ko.
"Ah, buti hindi ka sinita nang guard."
"Kasi nga natural!" giit ko pa.
"Si Rence nga pala ang hindi pinapasok nang guard noong first day ng school!" bulalas ni Brian na parang bigla lang nag-pop out sa utak niya.
"Hoy! Naalala mo pa 'yon?!" gulat na sabi ni Rence, biglang namula ang magkabilang tainga.
"Why? Anong nangyari?" curious kong tanong.
"Kailangang magpa-check ng bag bago makapasok sa campus, 'di ba?" Tumango naman kami pareho ni Connor. Gano'n kasi ang ginagawa sa school namin bago makapasok sa campus.
"Nang ch-in-eck nang guard ang bag niya, may dala pala siyang maliit na telescope, night vision goggles at swiss knife. Hindi lang 'yon ang nakita sa loob ng bag niya. May mga kung ano-ano pa!" natatawang sabi ni Brian at napa-facepalm naman si Rence.
"Sabi kasi nang kabilang block, may naririnig daw silang kaluskos noong orientation sa C.R ng mga girls, eh, sira raw 'yon kaya walang gumagamit," pagtatanggol nito sa sarili. "Nang uwian naman nakuha ko rin 'yong mga gamit ko kaya na tuloy pa rin ang adventure ko," nakanguso nitong sabi.
"Tinuloy mo talaga? Ano'ng mayro'n sa sirang C.R ng mga girls?" seryosong tanong ni Connor. Siguro ang C.R na tinutukoy nila ay 'yong sa fourth floor dahil hindi 'yon pinapagamit dahil under maintenance raw.
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
Mystery / ThrillerKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...