Alas sais pa lang nang umaga ay magkakasama na kaming apat. Nakasuot ako ng sports short at kulay green na t-shirt dahil mag-jo-jogging daw kami. Ganoon din ang suot nina Connor. Si Brian nga ay may pa-head band pa. Alas-singko pa lang ay gumising na ako kasabay ni Papa pero hinintay ko muna siyang makaalis bago ako lumabas ng kuwarto.
Nang paalis na ako ng bahay ay saka naman dumating si Mama. Nagpaalam ako na mag-jo-jogging kami at pumayag naman siya. Hindi na kami gaano nakapag-usap dahil pagod sa trabaho si Mama.
"Ito na yata ang panahon para mailabas ko ang itinatago kong abs," ani ni Brian habang nag-s-stretching kami.
"Huwag mo ng ilabas, Bry, sarilihin mo na lang 'yan," asar sa kaniya ni Rence na ikinapula ng magkabilang tainga ni Brian.
"Teka, bakit nga ba tayo nagkita-kita ng ganito kaaga?" singit ko bago pa sila mag-asaran. Hindi lang ako makapaniwala na gusto nilang mag-jogging kami. Wala kasi sa mga itsura nina Rence at Brian ang gano'n. Kagabi ay bigla na lang sinabi ni Rence na mag-jo-jogging daw kami sa village namin. Hindi naman kami umangal dahil dito lang naman sa loob ng village.
"Balak ko kasing balikan 'yong bahay na pinasok natin noong nakaraan," mahinang sabi ni Rence. Nanlaki ang mata ni Brian at mabilis na umiling. Alam kong medyo na trauma si Brian nang gabing 'yon, lalo na nang akala niya ay iiwan namin siya.
"Guys, naiisip ko kasi na baka roon itinago ng suspect si Diana. Remember, ang sabi nang dalawang estudyante, mayroon daw silang narinig na mga sigaw sa loob nang bahay na 'yon, right? What if, doon niya talaga dinadala ang mga kinuha niya o nila?" giit ni Rence habang patingin-tingin sa paligid namin.
"Rence, baka sumusobra na tayo. Trabaho na 'to ng mga pulis at hindi tayo pulis," may diin na pagkakasabi ni Connor.
Naiintindihan ko naman ang pinupunto nilang dalawa. Si Rence ay nagbabakasakali na mahanap si Diana sa abandonadong bahay. Si Connor naman ay nag-aalala lang para sa kapakanan naming apat.
"Pero paano nga kung doon dinala ng suspect si Diana?" si Brian.
Napatingin kami kay Connor nang bumuntong-hininga siya ng malakas.
"Fine. Babalikan natin ang bahay na 'yon," pagsuko ni Connor.
Tumango sa kaniya si Rence. Nag-jogging kami papunta roon dahil medyo malayo-layo 'yon mula rito. Nang makarating kami roon ay walang tao sa buong street. Baka tulog pa ang mga nakatira rito dahil maaga pa naman.
"Nadala na tayo noong nakaraan kaya may maiiwan na rito sa labas para maging look out," saad ni Connor habang nakatingin sa akin.
"Connor, hindi ako magpapaiwan. Gusto kong tumulong sa paghahanap sa loob," giit ko sa kaniya.
Hindi ako papayag na maiwan dito sa labas. Mas gusto kong makasama sa loob sa paghahanap. Sumimangot naman si Connor habang nakatingingin pa rin sa akin.
"Ako na lang ang maiiwan!" biglang sabi ni Brian kaya hinayaan na lang namin siya.
"Basta tumawag ka kapag may nakita kang tao na papasok dito sa loob para makalabas agad kami," saad ni Rence.
"Yes, sir!" Sumaludo pa si Brian.
Binalingan namin ang gate at hindi na naman ito naka-lock. Baka sinadya talaga ito nang suspect dahil alam niya na babalik kami. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan nang makapasok na kami sa loob. Isinara ulit namin ang gate pati na rin ang front door para walang makahalata na may pumasok sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng living area. Mas nakikita ko na nang malinaw ang mga gamit dito na natatakpan ng telang puti.
Inangat ko ito at nakita ang isang maayos na sofa. Maayos pa nga ang lahat ng gamit dito. Umalis na kami sa living area dahil wala naman kaming mapapala roon. Pumunta kami sa dining area at kagaya nang huli naming nakita ay gano'n pa rin ang lagay. Maalikabok pa rin ang buong lamesa dahil walang telang nakatakip.
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
Mystery / ThrillerKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...