Natagalan pa si Mama bago siya makabalik ulit. Siguro ay sinadya niya 'yon para mas makapag-usap kami ni Inspector Toribio. Sa huli ay napagdesisyunan ko ng makipagtulungan sa kaniya. Iyon ang kailangan namin ngayon. Ang tulong. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nalalaman namin pati na rin ang tungkol sa black box at cellphone na nakuha namin sa bahay ni Tito Samuel.
Nabanggit naman sa akin ni Inspector Toribio na noong nakaraan daw ay inimbestigahan na nila si Tito Samuel pero wala na 'to sa dati niyang tinitirahan. Pagkarating ni Mama ay nagpaalam na rin si Inspector Toribio at nagpasalamat pa kay Mama para raw sa oras.
"Mamaya nga pala, Sierra, okay lang ba na maiwan kita rito? Kailangan ko kasing dumaan sa hospital namin, eh," sabi ni Mama habang inaayos ang bag na dala niya.
Tumango ako. "Okay lang po. Saka marami naman pong guard diyan at mga nurse na puwedeng magbantay sa akin, eh."
Napatigil naman siya sa ginagawa niya at saka ako nilapitan sa kama. "Basta mag-ingat ka rito, ha? Huwag kang lalabas ng kuwarto," bilin pa niya sa akin.
"Puwede ko na po ba silang makita mamaya?" May alanganin na ngiti sa mukha ko.
"Ikaw talaga! Sinabihan ka na ng papa mo na lumayo sa tatlong 'yon, eh."
"Mama, sige na po, please!" sabi ko pa habang magkadikit ang dalawang kamay at medyo nakanguso.
"Oo na, sige na! Basta, Sierra, lagi kayong mag-iingat, ha?" sabi pa ni Mama.
Nang mag-alas syete na nang gabi ay nagpaalam na sa akin si Mama. Kailangan na raw niyang pumunta ngayon sa hospital dahil marami raw siyang naiwan na trabaho. Ayaw raw niyang matambakan ng trabaho kaya dadaan siya ro'n saglit.
Kalahating oras na rin ang lumipas ng makaalis si Mama. Wala na yata akong ibang ginawa rito kung hindi ang kumain ng prutas at manood ng T.V habang nakahilata sa kama. Sinubukan kong tumayo kung kakayanin na ba ng paa ko ang maglakad. Humigpit ang kapit ko sa bedsheet ng maramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng talampakan ko.
Ang sabi nang nurse na nagdadala ng mga gamot ko ay malapit na raw gumaling ang mga sugat sa paa ko. Kaya naman sinuot ko ang isang malambot na tsinelas at dahan-dahang naglakad palabas ng kuwarto ko. Ang sabi sa'kin ni Mama ay magkakatabi lang daw kami ng room kaya kumatok ako sa katabi kong kuwarto at marahan itong binuksan.
"Sierra?" Si Rence pala ang katabi ng kuwarto ko.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Mukhang napuruhan din siya sa pagbangga na nangyari sa amin. Napatingin ako sa kamay niya na nakabalot ng benda at mukhang alam ko na kung kaninong kamay ang nakita kong naipit nang gabing 'yon.
"Kumusta? Pagaling na ba 'yang mga sugat mo?"
Iniwan niya ako saglit sa kuwarto niya at pagbalik niya ay kasama na niya sina Brian at Connor. Si Brian naman ay nakabenda ang kaliwa niyang paa hanggang tuhod. At may iba pa siyang sugat sa braso at gasgas naman sa mukha. Si Connor naman ay may mga gasgas din sa mukha at pareho kaming nakabenda ang dalawang paa. Nakasakay sa wheelchair si Brian at si Connor naman ang nagtutulak sa likod niya.
"Alam niyo ba? Akala ko katapusan na talaga natin nang gabing 'yon. Grabe kaya 'yong kaba ko lalo na noong nagpakita 'yong may hawak ng itak." Si Brian ang unang bumasag sa katahimikan.
Kahit ako ay natakot nang gabing 'yon. Sino ba naman ang hindi matatakot? Eh, nakipagtaguan at habulan lang naman kami sa mga mamamatay tao.
"Natakot ka na baka hindi ka na ulit makakakain," sabi sa kaniya ni Rence.
Natawa naman ako. "Sira!" sabi ni Brian sabay bato ng unan na malapit sa kaniya.
"Kinausap ba kayo ni Inspector Toribio?" pagtatanong ko.
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
غموض / إثارةKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...