Si Rence ang nagbukas sa bakal na pintuan. Dahan-dahan niya itong binuksan at siniguradong hindi makagagawa ng kahit na anong ingay na makatatawag sa atensyon ng mga Tita's. Nagkatinginan kaming apat ng tuluyan ng mabuksan ang pintuan. Mukhang kumpiyansa sila na hindi kami makawawala sa mga tali nila kaya hindi na nila ini-lock ang pintuan.
Nanguna na ulit si Rence sa paglabas ng pintuan at luminga-linga muna siya bago niya kami sinenyasan na lumabas na. Sunod-sunod na kaming lumabas at halos panghinaan ako ng loob ng makita ang isang mahabang hallway at maraming likuan.
"It's like a maze..." bulong ni Connor sa tabi ko.
"Hanggang maaari ay huwag tayong maghiwahiwalay," paalala ni Rence sa amin. Tanging tango lang ang nagawa namin.
Nagsimula na kaming maglakad sa hallway at nagdadalawang isip kami kung dapat ba kaming lumiko sa tuwing may madadaanan na kanto. Tanging malalalim na hininga lamang namin ang naririnig ko at hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagpintig ng puso ko. Para akong aatakihin sa tuwing makalalagpas kami sa isang pinto dahil baka bigla na lang itong bumukas at mahuli kami.
Nang makarating kami sa dulo ay lumiko na kami at napatigil kami ng may marinig kaming kaluskos sa katapat naming pinto.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Narinig namin ang isang boses ng babae.
Nagkatinginan kaming apat ng may nanlalaking mata.
"Diana!" sigawan namin.
"S-Sierra? Kayo ba 'yan?!" sigaw niya sa kabilang pintuan kaya agad kaming lumapit.
"Diana! Kami 'to!" natataranta kong sabi habang sinusubukan nina Connor na buksan ang pintuan. Tumigil na sa pagsigaw si Diana at tanging pag-iyak na lang niya ang naririnig namin.
"Diana!" sambit ko nang mabuksan na ang pintuan at agad ko siyang niyakap. Malakas ang naging paghikbi niya sa pagitan ng pagyakap namin. Pinatahan naman agad namin siya dahil baka may makarinig na sa amin at mahuli kami.
"Diana, huminahon ka muna! Kailangan nating makaalis dito sa lalong madaling panahon," sabi ko sa kaniya at sunod-sunod naman siyang tumango. Naging mahigpit ang kapit niya sa akin ng magsimula na ulit kaming maglakad. Lumiko ulit kami sa nakita naming daan at natigil kaming lima ng biglang bumukas ang pintuan na nasa harapan namin.
"Oo na, siguradong matutuwa 'yong mga batang 'yon kapag nakita na ulit nila ang kaibigan nila. Kaso, malas nila dahil hindi na sila magtatagal." Nagkatinginan kaming lima ng marinig namin ang boses ni Tita Vanice.
Agad kaming tumalikod at maingat na naglakad. Umaasa na hindi siya sa daan na 'to liliko. Lumingon ako para siguraduhin na hindi pa nila kami nahahalata pero biglang nagtama ang mata namin ni Tita Vanice.
"Anak ng puta! Nakatakas 'yong mga bata!" bulalas niya at narinig din namin ang sunod-sunod na mura sa loob ng kuwarto na 'yon. Wala na kaming nagawa kung hindi ang tumakbo nang tumakbo.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumingon para lang makita na hinahabol na kami ni Tita Vanice. Sa bawat segundo na lumilipas ay pabilis nang pabilis ang pagpintig ng puso ko. Para na akong aatakihin sa ginagawa naming pagtakbo.
Natigil kaming lima ng makita namin na may dalawang daan. Nagkatinginan pa kami bago tumakbo sa magkabilang direksyon.
"Shit!" mura ko nang mapagtanto na nahiwalay kami sa kanila.
"Takbo na, Sierra!" Puno ng takot ang boses ni Diana kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magpatuloy sa pagtakbo ng kasama siya.
"Liko, Diana!" sigaw ko at sumunod siya.
Patuloy pa rin kami sa pagtakbo ng bigla akong madapa. Tangina! Paglingon ko ay nakita ko na si Tita Vanice na may mala-demonyong ngisi sa kaniyang mukha.
"Sierra!" sigaw ni Diana at balak pa na balikan ako.
"Huwag! Umalis ka na, Diana! Takbo!" sigaw ko sa kaniya habang pinipilit ang sarili na tumayo. Sunod-sunod ang naging pag-iling niya habang lumuluha kaya tinanguhan ko na siya at saka siya nagpatuloy sa pagtakbo.
"Dapat na ba kitang hangaan? Napakabait mo talagang bata, Sierra." Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses niya sa likuran ko. Napapikit na lang ako dahil alam kong huli na para tumakbo. Katapusan 'ko na. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko hanggang sa higitin niya ito.
"Ahh!" hiyaw ko dahil tumunog ang leeg ko sa biglaan niyang paghila sa buhok ko.
"Hindi na kasi dapat kayo tumakas. Ang titigas ng ulo niyo, alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga bata na matitigas ang ulo?" Inilapit pa nito ang mukha niya sa gilid ng tainga ko habang sinabi iyon.
"Ginigilitan ko sila ng—ahh!" Naputol ang sinabi niya ng apakan ko ng malakas ang paa niya kaya napabitaw siya sa akin.
Nilingon ko siya at nanlilisik na agad ang mata niya sa direksyon ko. Nagsimula na akong umatras ng humakbang siya palapit sa akin. Wala pang ilang segundo ay naging mabilis ang galaw niya at nahablot niya ang leeg ko.
"Ginagalit mo ba talaga ako?!" bulyaw niya mismo sa mukha ko at halos mapapikit ako ng humigpit ang pagkakasakal niya sa akin.
"A-Ang panget mo!" pilit kong sigaw sa mukha niya. Natawa naman siya at mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Nang ilapit niya ang pagmumukha niya ay saka ako nakahanap ng tiyempo upang iuntog ang sarili kong ulo sa kaniyang noo.
"Putragis ka, Sierra!" sigaw niya sa akin pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tumakbo na palayo sa kaniya.
Hindi ko na alam kung saan ako dadaan kaya lumiliko na lang ako sa bawat kanto na madadaanan ko. Pagkaliko ko ay halos atakihin ako sa puso ng makasalubong ko si Tita Lorna na mukhang nagulat din sa akin.
Nagkagulatan pa kaming dalawa.
"Wrong turn, sweetie," sabi niya na may nakakikilabot na ngiti.
Akmang tatalikuran ko siya ng higitin niya ang buhok ko. Bakit ba lagi na lang nila hinihila ang buhok ko? Nanlaki ang pareho kong mata ng bigla niya akong iuntog ng malakas sa pader. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko sa lakas. Hindi nga ako nagkamali dahil nalasahan ko ang tumulong dugo mula sa ulo ko. Napasalampak ako sa sahig dahil nahilo ako sa ginawa niya. Pagkaangat ko ng tingin sa kaniya ay nakita kong may hawak na siyang maliit na kutsilyo.
"Sana pala ay matagal ko na 'tong itinarak diyan sa lalamunan mo!" gigil niyang sigaw. Ngayon ay napagtanto ko ng siya rin ang babae na humabol sa amin sa gubat.
"Say goodbye to your friends..." saad ni Tita Lorna na may nanlilisik na mata bago ako inambahan ng kutsilyo.
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
Mystery / ThrillerKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...