Chapter 5: Someone's Out There

289 27 3
                                    

Tinignan ko ang nakasulat sa blackboard bago yumuko at nagsulat sa papel. Nag-ta-take down notes kami para sa quiz next week. Medyo kumakalam na nga ang sikmura ko dahil overtime na 'tong teacher namin. Kanina pa tumunog ang bell pero hindi pa rin siya lumalabas kaya hindi pa kami puwedeng kumain.

Kagabi nang makasakay kami sa kotse ni Rence ay pinaharurot na niya agad ang sasakyan. Naramdaman ko rin ang takot at tensyon sa loob ng sasakyan. Ako lang ang naglakas loob na lumingon sa likuran at nakita kong nakasilip sa gate ang taong tinakasan namin. Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil may suot siyang mask at madilim din.

Nang makalayo kami sa bahay na 'yon ay itinigil na ni Rence ang sasakyan niya. Nakatigil lang kami pero walang nagsasalita. Hirap kaming iproseso ang mga nasaksihan namin sa loob. Nakita kong napailing si Rence bago niya muling paandarin ang sasakyan niya at ihininto sa bahay nina Diana at Brian na magkatabi lang pala. Bumaba silang dalawa ng walang imik.

Tinanong ni Rence kung saan kami banda nakatira at si Connor na ang nagturo. Nang maihinto na ang sasakyan ay sabay na kaming lumabas ni Connor. Pinanood muna namin na makaalis si Rence bago namin hinarip ang isa't isa.

"Hindi ko in-expect 'yong ginawa mo," siya na ang unang nagsalita.

"Kung iiwan ko si Brian do'n ay baka patayin siya noong taong 'yon at mamamatay naman ako sa konsensya," pagsasabi ko.

"Wala bang masakit sayo?" tanong niya.

Umiling lang ako bilang sagot at nagpaalam na kami sa isa't isa. Pagpasok ko sa bahay ay inabutan ko si Mama na naghahanda para sa hapunan. Mabuti na lang at hindi na niya ako nilingon kaya mabilis akong naka-akyat sa kuwarto ko. Pagpasok ko ay lumapit agad ako sa salamin. Para akong nakahinga ng maluwag dahil hindi ako nakita ni Mama.

Madumi ang suot kong blouse dahil sa pagtatago namin sa ilalim ng kama at may sira pa ang palda ko. Nagbihis na agad ako at bumaba na rin para tumulong kay Mama.

"Okay, class! You can take your lunch now!"

Nagbalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ng teacher namin. Sa wakas ay natapos na rin siya. Kanina pa talaga oras ng lunch pero ngayon niya lang kami pinalabas. Tumayo na kami ni Connor at lumabas na nang classroom. Pumunta kami sa cafeteria at wala na gaanong tao dahil nahuli nga kami. Um-order na lang ako ng rice, porkchop, at isang bottled water.

Umupo ulit kami sa dati naming inupuan na limahan. Maya-maya lang ay may dalawa pang tray na naglapag sa harapan namin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sina Rence at Brian.

"Wala si Diana. Natakot ng sobra kaya hindi nagawang pumasok," sabi ni Brian.

Napansin ko nga na walang nakaupo sa puwesto ni Diana. Sana naman ay hindi siya na trauma at makapasok na ulit siya bukas.

"Sorry nga pala, guys. Hindi ko na dapat kayo pinilit na sumama." Nakayuko si Rence sa tray niya at halatang nakokonsensya siya sa nangyari.

"You don't have to be sorry. Desisyon namin ang sumama sa'yo kahapon," tugon ni Connor.

Napaangat siya ng tingin at sumilay ang isang tipid na ngiti sa mukha ni Rence.

"Sorry talaga, saka bilib nga pala ako sa ginawa mo kahapon, Sierra," baling nito sa'kin.

"Thank you nga pala kasi hindi mo ko hinayaan na maiwan do'n sa loob," Si Brian naman ang nagsalita.

"Okay lang 'yon. At least, nakaligtas tayong lahat." Nabanat ang labi ko sa mga sinabi nila.

"Pero sino ang taong 'yon?" hininaan ni Connor ang boses niya sa pagsasalita.

"Saka 'yong kutsilyo na nakita natin sa kusina. Kaninong dugo 'yon?" si Brian naman ang nagsalita.

The Mystery In Belgia VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon