Chapter 16: Warning

241 20 2
                                    

"Anong nangyayari?" nanghihina na sabi ni Brian sa tabi ko.

"Someone is following us," ako na ang sumagot. Nasa highway pa rin naman kami pero dahil gabi na ay hindi na ganoon karami ang mga sasakyan na nakakasabay namin.

"Shit..." mahina niyang sabi at muling ipinikit ang mga mata. Hindi pa rin yata nawawala ang epekto ng electric flashlight.

"Just continue driving, Rence," saad ni Connor sa kalmadong boses, pero nahimigan ko pa rin ang kaba sa kaniyang boses. Posible kayang ang mga dumukot kay Diana ang sumusunod sa amin ngayon? Isusunod na ba nila kami? Paano kung maabutan nila kami? Pinagsaklop ko ang parehong kamay saka ipinikit ng marahas ang mga mata.

Hindi makakatulong 'tong kaba at takot na nararamdaman ko. Kailangan kong mag-isip kung anong dapat naming gawin. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari. Kanina lang ay nasa restaurant kami at nagpapalipas ng oras. Inabangan namin si Josefina sa labas at nautakan na naman kami. Ngayon naman ay may sumusunod sa amin.

"Shit! Kaunti na lang ang gas!" bulalas ni Rence.

Nasapo ko ang noo ko at napalingon sa likod. Kung ititigil ni Rence ang sasakyan ngayon ay paniguradong tatamaan kami ng sasakyan na sumusunod sa amin. Mabilis na pinapatakbo ni Rence ang sasakyan at para na kaming lilipad sa bilis. Hindi naman nagpaawat ang nasa likod namin. Naningkit ang mga mata ko ng pilitin kong aninagin ang kulay ng sasakyan na nakasunod sa amin ngunit masyadong malakas ang headlight nito kaya napapikit lang ako.

"May gas ka ba sa trunk mo?" tanong ni Connor.

"M-Mayro'n yata?" hindi siguradong sambit ni Rence. Nakagat ko ang ibabang labi habang maya't mayang lumilingon sa likuran namin. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili. Nang dahil lang naman sa akin ay nandito kami ngayon sa sitwasyon na 'to. Kung hindi ko lang pinakialaman ang mga gamit ni Papa ay hindi kami hahantong sa ganito.

May bumara sa lalamunan ko. Gusto ko na lang maiyak sa takot.

"Guys, I'm really sorry—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang putulin ako ni Connor.

"Makinig kayo! Ganito ang gagawin natin. Rence, Lumiko ka sa susunod na way at bagalan mo muna ang speed mo ngayon dahil baka hindi na umabot ang gas. Sa pagliko lang ulit tayo bibilis. Kapag naiwanan natin sila, doon tayo lalabas para kuhanin ang gas sa trunk mo. Naiintindihan niyo ba ako? And Sierra, hindi ka namin sinisisi kaya huwag kang mag-sorry," sabi ni Connor na may naninigurong ngiti sa labi. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Tanging pagtango lang ang nagawa namin ni Rence.

Sinunod ni Rence ang plano ni Connor at unti-unti niyang binagalan ang pagmamaneho. Napansin kong bumagal din ang takbo ng sasakyan na nakasunod sa amin. Nang makarating sa unang kanto ay lumiko na si Rence at pinaharurut muli ang sasakyan.

"Stop!" sigaw ni Connor at bigla namang pumreno si Rence. Napasubsub ako sa likod ng upuan ni Connor at si Brian naman ay muntik ng mahulog.

"Aw!" daing naming lahat.

"Bilisan natin!" Narinig ko ang boses ni Connor. Sunod naman ay ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse. Nag-angat ako ng tingin at hindi ko na alam kung nasaan kami. Napaliligiran kami ng mga nagtataasang damo at sobrang dilim ng buong paligid. Hindi maganda ang naging pagtama ko sa likod ng upuan ni Connor. Nararamdaman ko ang matinding kirot sa noo ko. Medyo nahihilo pa ako nang pilitin kong lumabas ng sasakyan.

"Hindi ako sigurado kung may natira pa nga bang gas!" malakas na sabi ni Rence.

"Putangina!" malutong na mura ni Connor habang tinutulungan si Rence sa paghahanap. Saktong pagkalapit ko sa kanila ay may natanaw akong dalawang ilaw na papalapit sa amin. Kinusot ko pa ang parehong paningin bago ito tuluyang namilog nang ma-realize na paparating na ang sasakyan na sumusunod sa amin.

"G-Guys!" natataranta kong sigaw.

Napatigil silang dalawa at sabay na lumingon sa liwanag na paparating..

"Shit!" parehas nilang bitaw at agad na bumalik sa loob ng sasakyan para kuhanin si Brian. Lumabas silang dalawa na akay-akay si Brian sa magkabila nilang balikat.

"Sierra! Tumakbo ka na!" malakas na sabi ni Connor. Tila na blanko ang isipan ko, hindi maproseso ang mga salitang binitawan niya.

Ako ang dahilan kung bakit kami nasa sitwasyon na 'to ngayon, kaya bakit mas inaalala pa nila ako? Kung tatakbo ako, paano sila?

Naputol ang pag-iisip ko ng muling mangibabaw ang boses ni Connor.

"Susunod kami! Tumakbo ka na, Sierra! Takbo!"

Ang huling sigaw ni Connor ang naging hudyat bago kusang kumilos ang katawan ko. Sa isang iglap ay tinatahak ko na ang nagtataasang damo habang patuloy kong nararamdaman ang malamig na luha na bumabasa sa pisngi ko.

Para na akong mababaliw sa mga nangyayari. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at nanlalamig din ang buo kong katawan. Sumabay pa ang pag-ihip ng malakas na hangin na nagpapataas ng mga balahibo ko. Wala na akong magawa kung hindi gawin ang isinigaw nila. Hindi ko na inalintana ang mga maaaring dumikit sa akin.

Kalaunan ay narinig ko na ang pagsunod nila sa likuran ko kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagbangga. Napatigil ako sa pagtakbo at lumingon sa likod. Nakita kong napatigil din silang tatlo at naging sunod-sunod ang pagmumura ni Rence sa hangin. Mabilis niyang binitawan si Brian kay Connor at tumakbo pabalik sa sasakyan na naiwan.

"Rence!" sigaw namin ni Connor.

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang pagpintig ng puso ko at malakas na hininga ni Connor. Napadaing ako sa sakit ng mahawakan ko ang noo ko. Dumudugo na pala ang sugat na natamo ko sa biglang pagpreno ni Rence kanina.

"Connor, kailangan nating bumalik!" giit ko sa kaniya at nakita ko ang madiin niyang pagpikit kasabay ng pagtango kaya nakahinga ako ng maluwag. Nilapitan ko na silang dalawa ni Brian at ako na ang umalalay sa kabilang side ni Brian. Nahirapan pa ako sa pag-alalay kay Brian dahil may kabigatan siya. Sana lang ay matapos na 'tong gabi na 'to dahil hindi ko na kakayanin kung may mangyayari pa ulit na hindi maganda.

Nakalabas na kami sa nagtataasang damo at nakita namin si Rence na nakaluhod sa harapan ng sasakyan niya na sira-sira ang likuran. Mukhang binangga ito ng sasakyan na sumusunod sa amin kanina.

It's a warning for us.

Nilapitan ni Connor si Rence habang isinandal ko muna si Brian sa sasakyan. Pinanood ko ang marahan na pagtapik ni Connor sa balikat ng nanlulumong si Rence. Sa huli ay nagtulong-tulong kaming tatlo sa pagtutulak ng nasirang sasakyan ni Rence. Si Brian naman ay ipinasok muna namin sa loob ng sasakyan habang nagtutulak kami. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba kami sa pagtutulak ng tumigil kami sa harapan ng police station.

Natanaw lang namin kanina ang mga ilaw kaya rito na namin napagpasyahang pumunta para humingi ng tulong. At kung minamalas ka nga naman ay dito pala ang station ni Inspector Sandro Toribio. Pinaupo nila kaming apat sa harapan ni Inspector Toribio. Si Brian naman ay nagkamalay na rin at ngayon ay naguguluhan sa mga pangyayari.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong nito sa amin pagkatapos kaming bigyan ng maiinom.

"May humabol po sa amin na 'di kilalang sasakyan. Sigurado kaming may kinalaman 'yon sa kaso ni Diana. Puwede niyong i-check 'yong damage sa kotse ni Rence kung hindi kayo naniniwala," si Connor ang nagsalita para sa amin. Si Rence naman ay tahimik pa rin. Siguro ay iniisip na niya kung paano ipapaliwanag sa parents niya ang nangyari.

"Nakuha niyo ba ang plate number ng sasakyan na sumusunod sa inyo?" sunod na tanong ni Inspector Toribio, hindi naaalis ang mapanuring tingin sa amin.

"H-Hindi, inspector," tugon ko.

"Sa palagay ko, 'yan ang napapala ng mga nangingialam," seryoso nitong sabi bago tumayo sa kinauupuan.

"Ipapatawag ko ang mga magulang niyo para masundo na kayo."

The Mystery In Belgia VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon