Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng shop. Kulay white and black ang theme ng coffee shop na ito at may mga naka-paint na bulaklak sa pader na kulay itim din. Kung naghahanap ka ng maganda at tahimik na tambayan ay pumunta ka na rin dito sa Hafi Shop. Ang balita ko pa nga ay masarap ang mga sineserve nilang drinks kaya hinihintay ko na lang na ma-i-serve ang sa amin para malaman kung totoo nga ba.
Maaga ang naging dismissal namin kaya nakapunta pa kami sa shop na 'to. Wala kasi 'yong dalawa naming subject teacher kaya imbes na patambayin pa kami sa school ay pinauwi na lang. Balak ko na sanang umuwi kaso naman ay inaya ako nina Connor na pumunta muna sa shop na 'to. Tatanggi na sana ako ng sabihin niyang manlilibre siya kaya napasama ako ng wala sa oras.
"Mr. Connor and others!" sabi sa counter kaya tumayo na si Connor at lumapit sa counter para kuhanin ang mga in-order namin. Um-order kami ng milk tea at brownies. Mabuti na lang talaga at mapera si Connor kaya hindi sasakit ang bulsa niya kahit na manlibre pa siya ng sampung katao.
"Hmmp! Ang kaunti ng sago nila," humihigop na sabi ni Brian.
Napatingin pa nga sa amin ang nasa counter dahil mukhang narinig siya nito. Masyado rin kasing tahimik ang buong shop. Wala silang pa-music man lang.
"Ang ingay mo!" singhal ni Rence sa kaniya.
Nag-make-face lang si Brian bilang pagtugon kay Rence.
"Bukas na nga pala 'yong birthday mo 'no?"
"Oo, dapat may regalo na kayo, ha!"
"Hindi ko na babalutin ang akin," biglang sabi ni Rence.
"Bakit naman?" nagtataka na tanong sa kaniya ni Connor.
Ngayon lang din yata ako nakarinig ng gano'n. Magreregalo tapos hindi babalutin? Paano masusupresa ang pagbibigyan kung hindi babalutin?
"Pagkain kasi 'yon. Saka sayang lang 'yong balot kung sisirain din naman niya," sagot niya sa amin.
"Loko ka! Balutin mo pa rin. Gusto kong manghula kung anong pagkain 'yon!" maingay na sabi ni Brian kay Rence.
"Shh!" natigil kaming apat ng suwayin kami ng nasa counter saka itinuro ang silence sign. 'Yong iba kasing customer dito ay nagtatrabaho, gumagawa ng projects. Ang iba naman ay mga estudyante na mukhang busy rin sa mga ginagawa nila. Hinayaan na lang namin ang ginawang pagsuway sa amin ng counter dahil pinagtinginan kami ng ilan sa customer. Mukhang hindi rito magandang tumambay kapag kasama ang mga tropa. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming nasa library at nabigyan na kami ng first warning.
"Ang ingay mo kasi, eh," mahinang sabi ni Connor sa kaniya. Nag-peace sign lang siya sa amin.
"Rence..." tawag ko sa kaniya.
"Oh?"
"Ano na nga pala ang nangyari ro'n sa pinsan mo na may koneksyon sa pulis? 'Di ba nga gusto natin malaman ang mga naging witness doon sa tatlo," hininaan ko lang din ang aking boses dahil baka masuway na naman kami ng masungit na babae sa counter.
"Ah, wala pa akong na-re-receive na email, eh. Pero baka bukas na niya i-send sa akin. Ang sabi kasi ay inaayos na lang daw niya ang file at ma-i-se-send na sa akin," wika niya sa amin.
Hinawakan ko ang milk tea ko at saka humigop dito. Oo nga, ang kaunti ng sago nila tapos may gana pa silang manuway ng mga customer. Gamit ang isang tinidor ay hinati ko ang brownies at saka ito kinain. Hindi naman puno ang shop na 'to, siguro ay kalahati ang bakante at kalahati ang occupied. Maganda lang pala tumambay dito kapag mag-isa ka lang para hindi ka masusuway ng masungit na counter.
"Marami ka bang magiging bisita bukas?" tanong ni Connor.
"Hindi naman, ang magiging bisita lang naman ay kayo at mga magulang niyo, pati na rin ang mga Tita's—" nahinto siya sa pagsasalita ng mabanggit ang mga Tita's.
"Sa tingin niyo ba ay ayos lang talaga na inimbita ko pa sila? Nag-panic kasi ako noong sinabi nila na hindi raw ba sila invited kaya nasabi ko na lang na oo," buntong-hininga na sabi niya.
"Hayaan mo na. Na-invite mo na, eh. Alangan namang sabihin mo na cancel na ang birthday mo," saad ni Rence.
May point siya, nando'n na eh. Hindi na 'yon puwedeng bawiin.
"Sa tingin ko naman ay mga inosente sila. Paano kung na setup nga lang din sila 'di ba?" sabi naman ni Connor at napatango na lang kami.
"Oh, basta, pumunta na lang kayo bukas sa bahay namin. Hindi makakapasok ang walang regalo, ah?" biro pa ni Brian sa amin.
Inubos na lang namin ang mga in-order namin bago kami umalis sa shop na 'yon. Gamit ang sasakyan ni Rence ay inihatid niya kami sa labas ng village namin saka siya nagmaneho pauwi sa kanila.
"Excited na talaga ako para sa birthday ko! Isang tulog na lang ay eighteen years old na rin ako, yes!" tuwang-tuwa na sabi niya. Sa aming lahat nga pala ay si Brian ang huling mag-bi-birthday. Sayang nga lang dahil noong nag-eighteen ako ay hindi ko pa sila nakikilala. Simple lang din naman ang naging celebration. Walang naganap na debut dahil wala rin naman ako maiimbita.
Nauna na kaming nakauwi kay Brian dahil sa dulo pa ang bahay niya. Maaga pa naman kaya umakyat na muna ako sa kuwarto ko at saka namili ng susuotin para sa birthday ni Brian. Paniguradong maraming handa ang isang 'yon. Napagdesisyunan ko na lang na bukas ko na 'yon poproblemahin dahil bigla na lang akong tinamad. Bumaba na ulit ako sa sala at nanood na lang ng T.V habang wala pang alas sais ng gabi.
Sana lang ay maalala nina Mama at Papa na birthday ni Brian bukas para makabili sila ng regalo bago umuwi. Nang dumating na ang alas sais ay nagluto na ako para sa hapunan namin ni Papa kahit na minsan ay hindi na niya nagagawang kumain ng hapunan dahil sa pagod. Naubos ang oras ko sa panonood ng mga movies sa T.V dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Dumating si Papa nang bandang alas-diyes at halos pumalakpak ang dalawa kong tainga nang makitang may dala siyang regalo.
"Ayos! Akala ko ay nakalimutan niyo, haha!" Kinuha ko agad 'to at sinilip ang laman.
May t-shirt sa loob at maraming chocolates. Siguradong sasakit ang ngipin at lalamunan ni Brian pagkatapos ng birthday niya bukas.
BINABASA MO ANG
The Mystery In Belgia Village
Misterio / SuspensoKuryosidad. Katanungan. Kamatayan. Walang nag-akala sa kanilang lima na ang simpleng pagtugon sa sariling kuryosidad ang maglalagay sa mga buhay nila sa binggit ng kamatayan. Nang mawala ang isa sa kanila, alam nilang sila na ang susunod na biktima...