Razy's POV
Hinatid na ako ni thea tsaka sabrina kanina sa bahay para makapag pahinga dahil feeling ko na alog ata utak ko don sa lakas ng pag spike ni Crazina psh! wala ring tao dito ngayon sa bahay dahil mamaya pa ang out ni mama pati na rin si papa, wala rin si Amara celine dahil hindi pa nila uwian kaya mag Isa akong ngayon dito sa bahay
Pagkatapos kong mag bihis ng pambahay bumama muna ako para kumuha ng meryenda sa kusina tapos umakyat ulit, humiga lang ako sa kama habang na nonood ng movie magisa, ng biglang tumunog yung phone ko
Missy~
"Oh missy?" sagot ko
"Hai razy! how are you na? okay kana ba?" tanong nito sa kabilang linya
"Okay na ako, nakauwi naba kayo?" tanong ko sabay tingin ng oras sa wall clock 5:25 na pala
"Yes razy kakauwi ko lang umuwi na din sila thea and Sab"
"Ah ganon ba thankyou nga pala kanina sa pag dala nyo ni thea sakin sa clinic"
"Ooh your welcome Xia anything basta ikaw" tugon nito kaya natawa ako
"Uh! by the way mag dala ka ng swimsuit mo bukas " dagdag pa nya
"Swimsuit? bakit?" nagtatakang tanong ko sabay kain ng chips
"Swimming yong activity natin bukas kaya see you tomorrow raz bye! love you!" wika nya sabay patay ng phone
Swimming? okay lang marunong naman ako lumangoy psfft.
Pinatuloy ko na ang panonood ko ng movie kanina ko pa sinasabihan ang isip ko na 'okay last chapter' pero hanggang ngayon eto nanunuod parin ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya bumangon muna ako para buksan
"Atee!" sigaw ni Celine ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ko
"Hai bunso kakauwi mo lang?" nagtatakang tanong ko dahil mag si6 na
"Hindi kanina pa" tugon nito sabay pasok kaya sinarado ko na ulit yung pinto
"San ka galing?" tanong ko at tumabi sa kanya ng upo
"Sa baba ate! kanina pa po ako don pupunta sana ako dito kasu narinig kung may kausap kapa sa phone kaya lumabas muna ako" bibong wika nito kaya na tawa ako
"Kamusta school mo?"
"Okay naman ate! alam mo ba wala ng nambubully sakin sa school!" masayang sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti
"Talaga? edi mabuti, bakit hindi kana nila ginugulo? "
"Kasi lumalaban napo ako diba yon yong sabi mo ate na kailangan ko silang labanan para hindi nila ako inaaway"
"Oh ang tapang naman pala ng bunso ko anong ginawa mo sa kanila nanuntok ka? " nagaalalang tanong ko
"Hindi ate pinagsabihan ko lang hindi ako nagpapatalo sa kanila tuwing sinasabi nila na ampon daw ako kasi hindi tayo magkamukha"
"Hindi ka naman ampon e sadyang mas maganda ka lang talaga samin ni mama kaya hindi tayo magkamukha" natatawang wika ko
"Alam ko ate naniniwala ako don" nakangiting sambit nya kaya ginulo ko ang buhok nya
Sinamahan ako ni Celine mag movie marathon hanggang mag dilim, bumaba lang din kami nung dumating na sila mama at tinawag kaming mag hapunan. Hindi ko na rin binanggit pa sa kanila ang nangyari sakin sa school, ayokong mag alala pa sila sakin dahil okay naman na ako

BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
Fiksi UmumLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for