Dito na nag tanghalian sila ma'am athella at sir johnfred at ganoon nalang ang pagkamangha ko sa kanila ng makitang kahit sobrang yaman at hindi sanay sa maliit na hapag kainan ay mas pinili nilang samahan kaming kumain
Hanggang sa hapag kainan ay hindi nawala saamin ang tawanan Lalo na sa mag asawa na sarap na sarap sa luto ni mama, well para din naman saakin ay si mama ang pinaka the best pag dating sa pagluluto
Walang araw na hindi masarap ang luto ni mama, at iyon din ang pinaka babalik balikan dito nila Althea at Missy siguro kung mag karoon man ng karenderya si mama ay baka sila ang regular customer ni mama, bwahahaha!
Sabay sabay naming tinapos ang tanghalian kasama na doon si papa
"I'm so full" usal ni sir johnfred habang himas himas ang tyan at bigla itong dumighay dahilan para takpan nito ang bibig kaya natawa kaming lahat sa inasta nito
Ang cute lang...
"Oh my god hon" pinandilatan ni ma'am athella ang asawa dahilan para mapaayos ito ng tayo "oh god I'm so sorry talaga masarap lang mag luto itong si Monica" nakangiting usal ni ma'am athella dahilan para mapangiti kami
"Oh by the way before I forgot, meron kaming kakaunting pasalubong para sainyo and of course especially to cyxia" dagdag pa ni ma'am athella dahilan para gulat ko itong tiningnan, nginitian nya ako ng pag ka tamis tamis, kaya bahagya narin akong nangiti dito
"Uh, yeah wait" usal ni sir johnfred tsaka sumenyas sa body guard na agad namang tumango, at maya maya pa ay tatlong men in black ang pumasok sa bahay at sa hula ko ay may higit sa limang paper bag na malalaki ang magkabilaan nilang mga kamay! and dami!
Napapamaang ko silang sinundan ng tingin habang maingat na inilalapag ang mga paper bag sa sala na para bang ganoon ka mahal ang mga laman non para ingatan
Napaangat ako ng tingin kay mama at papa ngunit naka ngiti lang silang naka tingin sakin!
Matapos mailapag ng mga mib ang mga paper bag ay gulat akong tumingin sa mag asawa
"Nako napakarami po nyan sana ay hindi na po kayo nag abala pa nakakahiya" pahina ng pahina ang boses ko habang sabi sabi iyon
Ngumiti sila bago mas lumapit saamin si ma'am athella tsaka kinuha ang magkabilang kamay ko at ikinulong sa mga kamay nya
"Kulang na kulang pa ang mga iyan hija" nanganga ako sa isinagot nya! Kulang? eh sa liit ng bahay namin ay halos mapuno ng paper bag ang sala!
"Napakarami na po ng mga iyan, pero maraming salamat po" nakangiting wika ko dito, ngumiti lang si ma'am athella at hinimas ang mga kamay ko saka ito marahang binitawan at sa paraan ng pag bitaw nya ay para bang isang gintong bagay na babasagin na ayaw nya itong mabasag o magasgasan man lang!
"Kaunting pasasalamat lamang ang mga iyan" hindi na yata mawala ang ngiti sa mag asawang ito
"Kailangan na naming umalis, Thankyou for the wonderful lunch" nakangiting rin sabi ni sir johnfred sabay inilagay ang kamay sa bewang ng asawa para alalayan itong mag lakad
Inihatid lamang namin ito sa labas at hindi ko mabilang kung ilang beses akong paulit ulit na nag pasalamat sa kanila dahil sa mga binigay nila
At ng maka pasok kami ay ganoon nalang ang pag kamaang ko ng halos ang kalahati ng mga paper bag na yon ay saakin!
"Grabe ate halos sayo ang kalahati nong mga pasalubong nila ma'am at sir" namamanghang wika ni celine habang tinitingnan ang bawat paper bag
"Sige na anak tignan mo ang mga pasalubong sayo nila ma'am athella at sir johnfred" nakangiting wika ni mama dahilan para lingunin ko ito, binalingan ko naman si papa na naka akbay lang kay mama at tinanguan lang ako at saka ngumiti
Marahan akong lumapit sa pwesto kung saan naka salampak si Celine sa sahig habang inisa Isang buksan at tignan ang loob ng mga nag lalakihang paper bag
"Ate ayan yong mga sa tingin ko ay para sa iyo sorry po tiningnan ko kasi kaya alam kung para sayo ang mga yan" magiliw na sabi ni Celine kaya nama'y gulat akong tumingin sa mga hindi kumulang sa 20 bag's na isinantabi nya,halos nasa kalahati nga!
Ganto karami ang para saakin!?
"Salamat bunso" nakangiti kung wika dito saka ko binuhat lahat ng para saakin at bumaling kila mama at papa na aliw na aliw namang pinagmamasdan kami ng tingin "iaakyat ko nalang po ito sa taas ma,pa" baling ko dito, hinaplos lamang ni mama ang mukha ko at hinalikan naman ni papa ang sintido ko saka sila ngumiti, nginitian ko naman sila pabalik saka ako pumasok ng kwarto ko
Marahan ko ring inilapag sa kama ko ang mga paper bags saka ako nakapamewang na pinag ka titigan ang mga ito, ngayon ko lang napagtanto na sa paraan ko ng pag lagay ng mga bags sa kama ko ay katulad ba katulad kanina sa mga men in black kung paano nila marahang inilapag sa sala ang mga bag's
Natawa naman ako sa ginawa ko, ngayon ay naiintindihan ko na sila kung bakit sila naging maingat kanina dahil sa desenyo palang ng mga bags ay halatang mamahalin talaga ang mga ito!
Namamangha ko itong tinignan Isa isa at gulat ako na merong mga designer bags ang mga iyon, alam kong mamahalin yon dahil nakikita ko ito kila crazina, siguro ay nasa mga limang designer bags yon!
Habang ang mga nasa lima pang bags ay puro naman heels! at lahat na ay puro dresses!
Grabe ang gaganda ng mga iyon! At halos lahat ay puro designer dresses! Ngunit na antig ng aking mga mata ang nag iisang summer dress
Light purple iyon dahil sa mukha manipis ang tela, pumasok akong banyo saka iyon isinukat at ganoon nalang ang pagkamangha na sumakto sakin at bumagay!
Medyo superslice ang hati noon sa dibdib kaya medyo nakikita ang dibdiban ko, hapit na hapit naman sa bandang bewang ko iyon dahil sa may belt rin nito na tinatali sa likuran at hindi abot sa tuhod ang haba nito habang flowy ang laylayan, meron din itong maliliit na white flower na printed! Ang ganda nito...
"Woahh" wala sa sariling bulong ko habang pinagmamasdan ang sarili sa malaki Kong salamin
Mas lalo akong napa nguso ng makita ko sa price tag nito na nakasabit pa sa damit kung magkano! Grabe sa simpleng damit na to ay umabot na ng 20k! Napapanguso kong nilingon ang mga iba pang gamit sa likuran ko na naka patong sa kama
Isang damit palang 20k na pano pa kaya ang mga iyan...
Naibagsak ko ang sarili sa kama tsaka nilingon ang mga paper bag
"Ang dami nyo, kung sana lang ay may kompyansa ako sa sariling isuot kayo ay hindi ako mamomroblema ngayon kung anong gagawin ko sa inyo.." salita ko habang naka tingin sa mga paper bag na para bang kinakausap at hinihintay na sumagot ang mga ito
Napapabuntong hininga akong napa bangon sa kama ko para mag bihis ulit at ayusin ang mga paper bag tsaka ko ito inilapag sa gilid ng drawer ko dahil sa dami ng mga ito ay hindi ito mag kakasya sa lalagyan ng mga damit ko, muli ay naibagsak ko nanaman ang sarili sa kama at napatingin sa orasan ko sa cellphone
04:06...
Ilang saglit pa akong nakatitig sa kisame bago ako nakatulog ng tuluyan.

BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
General FictionLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for