Chapter 30

16 7 0
                                    


Athella Loraine's  POV

Napag usapan na naman ni Monica na dadalawin namin si brythalia para matignan ang kalagayan nito masyado na akong nag aalala sa anak ko dahil sa sunod sunod na balita ang nasagap ko mula kay Sabrina na lagi raw itong nabubully sa school

Gustong gusto kong ipaalam sa buong campus na ang kanilang binubully ay ang siyang mismong pag mamayari ng paaralang kinapapasokan nila ngunit hindi ko pa iyon dapat na ipaalam dahil mas lalo lang na mapapahamak si brythalia

Gustong gusto kong ipatalsik ang mga studyante na umaabuso sa kabaitan ng aking anak ngunit maling desisyon rin iyon dahil baka ay mag taka na sila at mag suspitsa na pinoprotektahan ko si Bry

At kunting tiis nalang anak dahil malapit na ang legal age mo ay kukunin na kita ibabalik na kita kung saan ka nararapat ibibigay ko sayo lahat ng pagkukulang ko bilang isang ina






"Hon are you okay?" narinig kung bulong ng aking asawa at doon ko lang napag tanto na naka titig na pala ako kay Bry

Nandito na kami ngayon sa bahay nila at nakaupo sa dinning area.

Sobra ang saya ko ng bumungad saaming pagdating si Bry hindi mo maipagkakaila na kunting ayos lang ito ay mukha na itong anghel na pinag halong mukha ng manika dahil sa maliit nitong mukha at biloging mga mata na may mahahabang pilik mata na na mana nya sa daddy johnfred nya, Ang magandang ilong nito na matangos at ang maninipis at mapupulang labi

Wala sa sariling napayakap ako kanina sa kanya dahil sa tuwa ng muli siyang makita, for 17 years sa ikalawang pag kakataon ay muli ko na naman siyang nayakap at nalulungkot ako sa isiping kulang na kulang ang mga sandaling iyon

Mas lalong sumilay ang lungkot na naramdaman ko kanina ng lumapit ito kay monica at humawak sa braso nito, hindi ko siya masisisi sa inasta nya dahil si Monica ang kinikilalang ina ito, alam kung wala lang at natural lang sa kanya ang ganoong galaw

Ngunit ganoon nalang ka sakit isipin na parang natatakot sayo ang sarili mong anak, nalulungkot ako na hindi nya sa akin iyon ginagawa nalulungkot ako na hindi ako yong nag bibihis sa kanya nong mga panahong baby pa siya nalulungkot ako na hindi ako yong nag papatahan sa tuwing umiiyak siya nong panahong baby pa siya

Lahat ng ginagawa ng isang ina sa anak  nya ay hindi ko iyon nagawa kay brythalia nakakalungkot lang isipin na iba ang gumawa non sa kanya embis na ako at mas lalong masakit sakin na makita siyang masaya sa kinikilala nyang pamilya ngayon. Dapat ako maging masaya para sa kanya dahil nasa mabuti siyang kalagayan at masaya siya sa pamilyang kinaroroonan nya ngayon ngunit natatakot lang ako na baka mas piliin nya ang pamilya nya ngayon kesa sa amin

Magiging ganito din kaya kasaya si Bry pag nasa amin na siya?...

"Yes of course" nakangiting tugon ko ngunit ganon nalang din ang pag pahid ko sa mga luhang kanina pa pala bumabadya sa pagtulo

Dali daling tumayo naman si monic para kumuha ng tubig at marahan itong inilapag sa harap ko

"Okay lang po ba kayo ma'am ?" nag aalalang tanong ni monic matapos mailapag sa harap ko ang baso na may lamang tubig

Tumango ako bago uminom ng tubig

Hindi ko maiwasang maiyak sa mga ganitong sitwasyon. ang hirap, napaka hirap...

"Maaari ko ba siyang makausap?" tanong ko kay monic

Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang maka yakap ng napaka higpig, gusto ko siyang makilala ng lubos pa, ang sakit isiping wala akong kahit na anong alam pag dating kay brythalia, anak ko...





































Sweet Then,Bitter NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon