Chapter 16

28 10 0
                                    


Weektivity!
Monday ~ Day1










"okay so ngayun ang mag lalaro ng volleyball ay mauuna ang boys"

anonsyo ni Miss, nasa quadrangle kami ngayun kung saan maglalaro ng volleyball

"mauuna ang Section B boys Vs. Star Section boys, this is a activity so you need to participate and if you won this game i will give a plus points for each!"

"buti nalang boys ang mauuna shet kinakabahan ako for sure tapos ng boys tayo na ang next" bulong ni missy

"and worse star section ang makakalaro natin" wika ni thea na hindi inaalis ang paningin kay miss Vangie habang nag bibigay ito ng some instruction

Nag simula na ang laro ng volleyball. Ang players ng star section ay sila Kyle Xyrus Blake Kayie and James samin naman ay sila Luke Kevin Josh Chad and Yno na puro ito varsity team ng volleyball. Maganda ang naging labanan na puno ng hiyawan ang quadrangle at hindi inalintana ang init, hindi akalaing pati pala sa volleyball ay magagaling sila kyle kahit na varsity players na ang kalaban nila hindi lang sila sa basketball magagaling kaya ang huli tie ang score parehong panig ang nakakuha ng plus points at magandang record na yon.

Nag break muna for snack at para sa stretching ng susunod na maglalaro at kami na yon. bumili na muna kami nila missy ng bottled water and snack sa cafeteria bago mag simula ng some stretching. may mga nanatili lang sa quadrangle para manuod ang iba naman nagsibalikan na ng building nila para mag pahinga, naupo muna kami saglit sa bench. 3 o'clock na ng hapon at medyo hindi na masakit ang init at magandang maglaro

At ang nakakainis hindi ako magaling sa volleyball! hindi tulad nila missy at thea dahil naglalaro talaga sila ng volleyball. Sana lang wag namin makalaro sila Crazina dahil varsity din siya ng volleyball sa girls.

"Kajill Vasquez Fuentez Veltral and Hera! kayo ang maglalaro against star section"

Oh nooo!

"Psh sa dami daming pwede maging ka team bat ikaw pa?" pagtataray sakin ni Cathalie "pabigat ka lang e! walang ambag get lost bitch" nakangising dagdag pa nito saka nag lakad

tulalang nakayuko lang ako ng biglang may tumamang bola sa gilid ng braso ko kaya tiningnan ko kung sino ang bumato

"What are you waiting for? tutunganga kana lang ba dyan? wala ka talagang kwenta!" sigaw ni Cathalie sakin na siyang bumato ng bola

nakapwesto na pala silang lahat at mukhang ako nalang ang kulang, yumuko ako para kunin ang bola saka lumapit na ako sa mga ka groupo ko

"Okay ka lang?" tanong ni thea ng makalapit ako, tumango lang ako bilang tugon

lumapit naman sakin si missy at hinagod ang likod ko saka pumunta sa pwesto nya

saka ko tinanaw ang mga kalaro namin na star section, naroon si Eli, Amira, Yvonne, Sabrina Lexi at ai Crazina na nakangisi na animo'y may binabalak na masama.

Nag simula ng pumito ang isa sa mga prof namin kaya nag simula na ang laro
maraming section ngayun at freshman ang nanunuod kaya mas lalo akong kinabahan..nung una okay ang laro wala naging problema dahil mas lumamang ang score namin kumpara sa star section

Naging mahirap ng ako na ang mag seserve,sobrang kinabahan na ako dahil oras na pumalya ako mapupunta sa star section ang score,nung unang serve sumabit ang bola sa net kulang sa taas ang pag hampas ko kaya umulit ako sunod kung serve ay lumagpas naman nasobrahan ata ang paghampas ko sa pangatlong serve ko ay pumalya muli at hindi sinasadyang si Chloe ang tamaan nito habang naka talikod sakin dahil siya ang blocker

Sweet Then,Bitter NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon