"How's your legs?"
Gulat kong nilingon si kyle ng mag salita ito sa tabi ko, nakikinig parin siya ng music sa headset ko at naka mulat narin ang mata habang deritso ang tingin ngunit naka sandal parin
"Okay na,thankyou ulit don sa gamot na binigay mo para sa sugat ko" sagot ko habang naka tingin sa kanya,ng lumingon siya sakin umiwas na ako ng tingin ulit
"I forgot to bring my headphone, I'm sorry." wika nya ng hindi ako nililingon
Kaya naman pala naki share siya sakin dahil nakalimutan nya,dahan dahan akong tumango
"Okay lang" sagot ko nalang,hindi na rin naman siyang nag abala pang sumagot
Mga kalahating oras narin kami bumabyahe at in-announce na rin ni prof na malapit na kami kaya nag sigising na rin ang mga kasama namin sa bus, ginising ko na rin si thea at gulat siya napatingin sa katabi ko at sinilip din si missy na mas lalong gulat siyang napatingin sa katabi ni missy
"Thea, okay ka lang?" takang tanong ko dahil para siyang nakakita ng multo
"Ha? ah oo medyo na alimpungatan lang" sagot nya at sumandal ulit sa upuan
"Hala, sorry nabigla ata kita sa pag gising"
"Hindi okay lang" sagot nya
Sumandal nalang ulit ako sa upuan ko , maingay narin ang loob ng bus dahil may mga nag tatawanan meron ding nakatayo at nag vavlog, may mga nag seselfie pa, Maya maya huminto na ang bus sa harap ng malaki na parang resort at sinabi ni prof na nasa 'Paradise Valley' na daw kami
Nag sibabaan na ang mga kasama namin pero nanatili parin kaming naka upo dahil marami pang bumama kaya medyo masikip
"Thanks" sambit ni kyle kaya nilingon ko siya, napatingin ako sa headset na iniabot nya sakin kaya kinuha ko at tumango lang at nilagay na sa backpack kong dala
"Tumayo kana kasi! para makababa na ako!" rinig kong sigaw ni missy sa katabi nyang si xyrus
"Pwede ka namang mag excuse, unless alam mo ang salitang yon" sarcastic na sagot ni xyrus at kita naman sa mukhang ni missy ang pamumula, siguro dahil sa irita
"Kanina pa! hindi mo ba narinig?!"
"Ayosin mo kasi mag salita minsan, alam kong gwapo ako kaya ka nauutal" preskong usal pa ni xyrus
"Ah! whatever jerk!"
Laglag panga akong tumingin kay missy dahil sa inasal nya! bakit ba ang sungit ng babaeng yon? hindi naman siya ganon ah?! ang alam ko sobrang approachable nya and friendly, matatanggap ko pa kung si Althea ang umasal ng ganon dahil ganyan talaga ang ugali ni thea ang pinagkaiba lang nila, napaka calm and cold kung mainis si thea hindi tulad ngayon kay missy na parang nag hahanap ng away ang boses!
"Oh! kayo'ng lima dyan! baka gusto nyong bumaba na? halatang excited kayo e!" sarcastic na sigaw samin ng masungit at matabang babaeng prof namin
Natigilan kami dahil sa sigaw nya, napatingin ako sa loob ng bus at kunti nalang ang bumababa at kami nalang ang nakaupo kaya nag sitayuan na kami at nauna bumama kila kyle at xyrus
Nag buhat na rin kami ng bagahi at pumasok na sa campground, sobrang ganda dito may mga naka tayong gazebo sa paligid at may mga coconut trees din na naka helera sa tabi ng dagat , maraming magagandang halaman sa bawat daanan
Nagtipon tipon kaming apat na section sa isang malawak na Bermuda grass dahil may mga announcement and instructions pa sa harap namin ang apat na prof

BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
General FictionLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for