Althea's POV
Nauna na kami ni missy dito sa cafeteria dahil may babalikan daw si razy sa room kaya hinintay na muna namin siya sa table na nahanap namin
"Blythe gutom na ako" reklamo ulit ni missy habang nakahalumbaba sa mesa at nakatingin sa mga dumadaan
"Wala pa si razy hintayin nalang natin" sagot ko sabay tingin sa wrist watch ko
"Bat ba ang tagal nya, bumili nalang kaya muna tayo?"
Tumingin muna ako sa entrance ng cafeteria at nagbabakasakaling dumating na si razy pero wala pa din,ang lapit lang nung building namin dito sa cafeteria pero kalahating oras na wala pa rin siya
"Tara" sambit ko kay missy sabay tayo
"Thank god! makaka kain na rin ako finally!"
tumayo na din si missy at nag lakad na kami papuntang line pero di pa kami nakakalayo sa table namin ng may marinig kaming tumawag ng pangalan ko
"Althea!" sigaw ni xyrus kaya nilingon ko siya,hingal siyang lumapit samin at humawak sa braso ko kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao dito
"What the hell are you doin--" putol kong sabi ng magsalita agad siya
"Si razy nasa clinic masama ang lagay nya"
"Ano?! bakit? anong nangyari--" sigaw ni missy pero agad na akong nag lakad ng mabilis papuntang clinic
"Thea wait hintayin moko!" rinig kong tawag ni missy ngunit di ko na ito nilingon pa
Sumunod na lang sila sakin papuntang clinic kung nasan daw si razy,lakad takbo na ang ginawa ko, di ko alam pero sobrang kinakabahan ako pero mas lamang ang pang gigigil ng galit ko
Sana lang walang may kinalaman dito ang nangyari kay razy dahil kung meron man, ngayon palang mag dasal na siya at wag ng subukan pang magtago dahil mahahanap ko rin siya o sila!
"Nasan si razy?" tanong ko sa nakasalubong kong si kyle at ang groupo nito
Bat sila nandito? agad na nanginig ang mga kamay ko ng makitang may bakas ng dugo ang white t-shirt ni kyle sa bandang chest
"Binibigyan na siya ng first aid pero kailangan siyang dalhin sa hospital" sagot ni kyle
Agad akong nag tungo sa tinuro nyang kwarto, nakita ko don si razy na walang malay at sobrang dungis, at ginagamot ang sugat nya sa pisnge at may bandage ang paa nito,lumabas akong kwarto at hinarap si missy
"Missy kayo ng bahala mag dala kay razy sa hospital, xy.samahan mo siya" wika ko at tumalikod sa kanila tsaka hinarap si kyle
"Teka thea..san ka pupunta? a-anong g-gagawin mo?" naiiyak na tawag sakin ni missy at hinawakan ang braso ko,tiningnan ko naman si xyrus na masama ang tingin sakin
"Diko na papalagpasin to missy,kung ano ulit ang ginawa nila kay razy sobra pa ang aabutin nila sakin.sumusobra na talaga sila" wika ko nakatagilid ang ulo dahil nasa likod ko siya,tsaka ako bumaling kay kyle "sinong may gawa nun kay razy" pigil galit kung tanong
"The two girls that you'll encounter last time in your room" sagot nito sabay labas nung stretcher kung saan naka higa si razy na walang malay
"Excuse me, kailangan na siya dalhin sa hospital" wika nung nurse
"Missy ikaw na ang sumama" baling ko sa kanya na tumango lang ito, kaya nag lakad na ako palabas ng clinic
"Kayie paki sundan si Althea please!, Kyle. tara samahan natin si missy sa hospital!" rinig ko pang sigaw ni xyrus

BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
Fiction généraleLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for