Weektivity!
Friday ~ Day5Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas at tunog ng alon, nilingon ko ang katabi kong si missy at thea na mahimbing parin ang tulog, ako kasi ang nasa gitna, kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at tiningnan ang oras 5:23 palang ng umaga. Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng tent habang nasa bulsa ng jacket ko ang dalawa kong kamay
Nilibot ko ang paningin ko medyo madilim pa dahil sa amog, may mga gising narin katulad ko at nag sisindi ng bonfire pampainit
"Razy" bumaling ako sa kaklase kong babae na mukhang kakatapos lang maligo dahil may towel ito sa balikat at basa ang buhok
"Bakit Shane?"
"Gisingin mo na ang mga kasama mo, at maligo na dahil maaga daw tayong aakyat ng bundok" wika nya habang pinupunasan ang dulo ng basa nyang buhok
"Ah sige salamat" tugon ko at tumango lang siya
"Thea.." pag gising ko dito ng makapasok ako sa tent namin.marahan ko pang tinapik ang balikat nya kaya agad namang siyang gumalaw tsaka kinusot ang mata "bangon na dyan kailangan na natin maligo" wika ko, tumango naman siya kaya si missy naman ang ginising ko
Pero naka ilang tapik at yogyog na ako sa kanya ungol lang siya ng ungol, aba! ito talaga ang pinaka mahirap gisingin samin tatlo e! tulog mantika kasi!
"Missy gising na sabi bahala ka iiwan ka namin dito" usal ko at tinapik ulit ang balikat nya
"Uh razy! mamaya na.." paungol nyang wika at bahagya pang dumapa
Nilingon ko si thea pero abala ito sa pag pili ng damit nya
Ah! alam ko na, si thea nalang ang uutusan ko para gisingin si missy
Naalala ko kasi nong nag sleep over kami sa bahay at napag planohan naming tatlo na mag jogging kami pero kinabukasan kami lang ni thea ang nagising, at pahirapan pa kaming ginising si missy pero wala talaga tulog mantika parin, na gulat nalang ako non ng biglang napa hiyaw si missy habang naka upo na at hawak ang pisnge, ikaw ba naman mahimbing ang tulog tapos bigla kang sampalin ng malutong! Bwahahaha!"Thea.." tawag ko kay thea na agad naman akong nilingon at tinaasan ng kilay "ikaw naman ang gumising kay missy, ayaw talaga e" nakangiwi kong usal pero tumango lang siya kaya napangiti akong tumungo sa bag ko at nag halungkat ng maisusuot
Sakto dahil may dala akong biker short kinuha ko yon pero may bigla naman akong naalala
'Starting today your not allowed wearing short cyxia' umalingawngaw sa isipan ko ang boses ni kyle! Agad kong binalik sa bag ang hawak kong biker short at kinuha nalang ang leggings ko pero natigilan naman ka agad akoTeka-- bakit ko naman siya susundin?! wala siyang pakialam kung ano ang isusuot ko!
Hayst bahala na nga!"Arayy! tangina naman thea e!" rinig kong sigaw ni missy kaya agad ko siya nilingon
Nakangiwi akong tiningnan siyang sabog ang buhok habang nakaupo at tinaas ang damit nyang basang basa pati ang mukha nya!
Nilingon ko si thea na may hawak ng flask! mukhang binuhusan nya ng tubig ang tulog mantika na si missy!
Nag tungo na kami sa Cr para maligo dala ang towel namin at damit, ng matapos akong maligo nag bihis na ako ng dala ko kaninang black leggings at white crop top t-shirt, lumabas na akong Cr at naupo sa upuan na gawa sa kahoy tsaka sinintas ang white rubber shoes ko
Marami naman kaming naka sabay dito sa Cr pero puro babae lang , tapos na ako lahat lahat pero hanggang ngayon di parin tapos si missy at thea! napatayo ako ng lumabas na rin si thea na naka black leggings din at pink na t-shirt na may check pa sa gilid, kasunod naman nyang lumabas si missy na naka biker short at white t-shirt na inaayos pa ang salamin sa mata!

BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
General FictionLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for