Chapter 27

21 8 0
                                        

"Let's go" seryusong usal ni kyle sabay hila sakin kasabay ng mga kaklase naming nag simula na ring mag hanap ng flags

"T-teka sandali" wika ko sabay pigil ng paglalakad.huminto rin si kyle sa paglalakad at tumingin sakin ng seryuso "kaya kong mag lakad okay hindi mo ko kailangan hilain buong mag hapon" seryuso kong dagdag at naunang mag lakad





Hindi na rin naman siya nangulit pa kaya patuloy lang ako sa pag lalakad habang palinga linga at nag hahanap ng flags

'hay peste bat ba wala akong makita dito! nakakainis naman kanina pa ako naghahagilap pero ni Isa wala pa rin ansakit nanga ng leeg ko sa kakatingala sa mga puno para narin akong tanga na sinisilip bawat matataas na damuhan na madadaanan namin nag babakasakaling merong nakatago don pero wala parin!'

Nilingon ko sa likod si kyle para sana sabihan na lumipat kami ng pwesto ng paghahanapan dahil talagang mukhang wala kaming makikita dito, pero ang nakasandal sa puno na kyle ang bumungad sakin at animo'y walang pakealam kung may ma hanap man kaming flags o wala habang  deristong naka tingin sakin! kingina




"Hoy! ano ba pa chill chill ka nalang dyan?" singhal ko sa kanya habang papalapit

"May nahanap ka?" seryoso paring wika nya

Bat ba ang seryoso ng lalaking to?!

"Wala baka gusto mong tulungan ako sa paghahanap?" taas kilay kung sabi habang naka pamewang pa sa harap nya

Pero ang mokong kyle tinawanan lang ako sabay gulo ng buhok ko at nag lakad

Aba pesteng yawa

"Hoy ano ba!" sabay habol ko sa kanya "kinakausap pa kita diba?" saad ko sabay hila ng braso nya dahilan para mapa harap siya sakin

"Okay sige" usal nya at hinahawakan ang pulsuhan ko tsaka sinandal sa puno at tinitigan habang ang isang kamay nasa bulsa at ang Isa naka tukod sa puno

"A-ano bang ginagawa mo" singhal ko sa kanya sabay tapik sa braso nyang naka tukod sa puno kaya na walan siya ng balanse at mas lalong lumapit ang mukha nya sa mukha ko!

"Maguusap lang tayo diba? pero bakit parang gusto mo sobrang lapit natin?" nakangisi nyang usal habang hindi parin nilalayo ang mukha nya sa mukha ko


Ha? ano daw? teka wait reconnecting pa!


Bahagya pa akong nanigas sa kinatatayuan ko! Pati hininga ko halos pigilan ko na dahil sa sobrang lapit nya sakin argh bat ba ganito affected ba ko? mukhang hindi naman

Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang bahagyang pagtawa ni kyle sabay layo nya sakin



"Wala ka naman atang sasabihin e niloloko mo lang ako" wika nya habang nakangisi pa! "Tara na nga" hinawakan nya ang kamay ko! 'as in kamay na ha! hindi na pulsohan' sabay hila

Kinginang lalake to ang hilig mang hila nakakatakot tuloy wild siguro tong boypren HAHAHA bagay nga sila ni crazina parehong wild kaso mukhang animal ngalang yong si crazina

Wala na kong nagawa kundi ang mag pahila sa pesteng kyle alangan namang mag pumiglas pa ako edi tanggal na braso ko don sa sobrang lakas ba naman ng mokong to tignan natin kung makakawala kapa kapag ikaw na hinila nya




"Kyle may flag!" sigaw ko habang nakangiti pa ng may makita akong flag sa taas ng puno

Natigil sa paglalakad si kyle tsaka ako nilingon kaya tinuro ko ang puno kung saan naka tali don ang flag

Sweet Then,Bitter NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon