Weektivity!
Thursday ~ Day4Razy's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil balak ko ng pumasok,medyo hindi na rin naman masakit ang binti ko,lalagyan ko nalang din ng bandaid ang sugat ko sa pisnge. Ayoko namang hindi pumasok ngayon, weektivity namin at sayang ang points
Naligo na ako at nag ayos, nag p.e nalang din ako tsaka tinali ng ponytail ang buhok ko
"Anak! bakit ganyan ang suot mo? papasok kaba?" bungad sakin ni mama ng makababa ako ng kwarto
"Opo ma" wika ko at sinimulang mag almusal
"Ikaw talagang bata ka,hindi pa magaling ang sugat mo baka mapano ka nanaman mamaya! malalagot ako dito e" sermon ni mama sakin pero may sinabi pa siya sa huli na hindi ko masyadong narinig dahil humina ang boses nya
"Mama okay na po ako" sagot ko nalang, ng matapos na akong kumain nag paalam na ako kila mama para pumasok
Monica's POV
Yesterday~"Nica sasabihin ba talaga natin to kina ma'am athella?" tanong sakin ni Javier, ang asawa ko
Papunta na kami ngayon sa trabaho at hinatid na rin namin si celine sa paaralan,naiwan naman si Beatrix sa bahay para mag pagaling, at naisipan kong daanan ngayon si ma'am athella sa bs head quarters
Alam kong may gang sila ma'am dahil dati siyang gangster queen nung panahong dalaga pa siya at sa pagkakaalam ko ipapasa nya ito kay beatrix pag nasa tamang edad na ang anak nila
Masakit para saakin dahil matagal ko ring nakasama si Beatrix ,at isang taon nalang babalik na siya sa tunay nyang mga magulang, tinuring ko din siyang totoong anak kahit na pinaalaga lang muna siya saamin ni ma'am athella, dati ako kumadrona nila ma'am athella,matagal din akong nag trabaho sa kanila at mabait naman silang amo kahit na sakop pa sila ng gang
Saamin itinago ni ma'am si Beatrix dahil sinubukan nya itong itago sa pamilya ng kapatid nya pero dahil sikat nga sila sa lugar namin alam na ng mga tao ang bilang at storya ng pamilya ng mga roxúe at celestaire kaya naman kahit na saan nila itago si Beatrix natutunton parin,
May isang malakas na kaaway ngayon sila ma'am nabanggit nya saakin na iyon daw ang 'lorsavade' at yon daw ang may gustong makuha si beatrix, alam ng lahat na nag iisang anak ng mag asawang celestaire si beatrix kaya naman mahal na mahal nila ito gagawin nila ang lahat para kay beatrix at naisipan ng lorsavade na yon na kapag kinuha at pinatay nya ang nag iisang anak ng celestaire
Magdadalamhati ng husto sila ma'am kapag nawala at napatay nila si beatrix at kasabay non ang unti unting mapapabayaan ng mag asawang celestaire ang lahat ng kompanya nila at ang kompanya ng lorsavade ang mangunguna,dahil gusto nyang mapabagsak ang celestaire dahil sa kasakiman nya sa kayamanan
"Oo karapatan nilang malaman kung anong nangyayari sa anak nila, idaan mo nalang ako sa head quarters mauna kana ako nalang ang kakausap kay ma'am"
"Hindi pwede mamaya mo nalang kausapin may trabaho kapa baka masisante ka ng wala sa oras" usal nya, tama siya may trabaho nga pala ako ngayon
"Oh sige idaan mo na lang muna ako sa restau," wika ko
Sinunod naman iyon ng asawa ko ng mga bandang 11 na dumating na siya para sunduin ulit ako ay sabay kaming kakausapin si ma'am athella,dahil ang gang ang tinatrabaho nya ngayon
Pumasok na kaming head quarters at dumiretso sa opisina ni ma'am athella o ni lady'master kung tawagin siya dito
"Goodmorning ma'am athella" bati ko ng makarating kami sa opisina ni ma'am
BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
Fiksi UmumLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for