Chapter 25

14 8 0
                                    



"N-No I'm okay I can handle just let me go and..uhm thanks" sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya habang naghihintay na bitiwan nya ako pero mukhang wala siyang balak bitawan ako

tinignan ko siya ng hindi parin nya ako binibitawan pero seryoso lang ang mukha nyang nakatingin sakin



"Ah uhm missy akin na yong bag mo para hindi kana mahirapan" rinig kong wika ni thea pero bago pa ako makatanggi nakuha na nya ang bag sakin at hindi nakatakas sakin ang bahagya nya pang pagsiko sa tagiliran ni razy na parang sinasabi na hayaan nalang nila ako!

Kaya sumunod na si razy sa kanya at naiwan ako kasama si xyrus na hawak parin ang bewang ko bilang suporta

"Bumalik ka na don sa mga kaibigan mo" sambit ko saka tumingin sa mga kasama nya sa likuran na nagtatawanan parin na parang hindi nila nakikita ang ginagawa ni xyrus

Siguro iniisip lang nila na Isa lang ako sa paglalaroan ni xyrus


"Kaya ko naman ng wala ka" dagdag ko pa ng hindi parin nakatingin sa kanya at sinubukan kumawala sa hawak nya at maglakad


Pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya napaluhod ako sa sakit na nararamdaman ko dahil kay xyrus--Charot! duh asa siya! napaluhod ako dahil pakiramdam ko niloloko nya nanaman ako--chos! ano siya hayop para mag paloko ulit ako? tsk seryoso na talaga to napaluhod ako dahil pakiramdam ko napupunit ang puso--este sugat ko sa tuhod twing' sinusubukan kong maglakad


Nakangiwi akong umupo sa step ng hagdan at hinimas ang gasgas ko sa tuhod na ngayon ay dumudugo na! hindi ko naman magamot dahil na kay thea ang bag ko na may lamang first aid kit


Natigilan ako ng lumuhod rin sa harapan ko si xyrus at may kinuha sa bulsa nya!

Oh my god! don't tell me mag popropose siya ngayon sakin? oh my god! I can't wait I mean I can't wait to slap him so hard! ulol siya matapos nya akong lokohin luluhod siya sa harapan ko at mag popropose?

Ayan na! ilalabas na nya ang ring sa bulsa nya! shet I need to stop him pero wait baka maganda ang bato ng ring kaya let see muna if type ko duh!

Pero bumagsak ang balikat ko ng panyo! ang kinuha nya sa bulsa nya! wtf?

I mean what the fuck am I thinking?! hell no! naka move on na ako!

nanigas ako sa kinauupoan ko ng itinali ni xyrus ang panyo nya sa tuhod ko kaya mahina akong napadaing sa hapdi


"Oh shit I'm sorry" natataranta nyang sambit kaya napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagngiti




Ganyan na ganyan ang xyrus na nakilala ko kaya ako na inlove sa kanya, ayaw na ayaw nyang nasusugatan ako mas maalaga pa siya sa katawan ko kesa sakin, ayaw na ayaw nyang pinapabayaan ko ang sarili ko

Kaya nasanay na ako sakanya twing' inaalagaan nya ako, one time nga nong nagkasakit ako grabe ang pag aalala nya pinipilit pa nya ako non na isugod ako sa hospital pero nag pumilit ako sa kanya na wag na at siya nalang ang mag alaga sakin

Masyado siyang naging caring saakin ayaw na ayaw nyang umiiyak ako dahil pati daw siya nasasaktan twing' nakikita akong umiiyak o nasasaktan kaya hindi ko masagot ang mga tanong ko na bakit nya ako nagawang lokohin at saktan? Pero kahit ayaw nya akong masaktan ginawa nya at pinili ang sariling kaligayahan masaktan lang ako




"Hey I'm so sorry I didn't mean to hurt you please don't cry" rinig kong sambit ni xyrus kaya napatitig ako sa kanya at mas lalong umiyak



Sweet Then,Bitter NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon