Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa balat ko, anong oras na ng makatulog ako kagabi kaya hindi nako mag tataka kung bakit ang sakit ng ulo ko. Bumangon na ako para maligo at mag ayos Saturday ngayon kaya walang pasok
"Ay anong mukha yan ate?" bungad ka agad ng kapatid kung si Celine ng maka baba ako
Wow ha ganda ng bungad hindi man lang muna nag goodmorning, ayos!
"Mukha ng bagong gising Celine" antok kung usal dito tsaka umupo ng dining area
"Para kang panda ate!" asar pa nito sakin habang punong puno ng kanin ang bunganga
"Celine ano ba iyan umayos ka ng kain" saway ni mama dito sabay lapag ng panibagong luto lang na bacon! waahh my favorite!
Dali dali kong inabot ang plato at kubyertos saka ako kumuha ng kanin tsaka bacon at sunod sunod na sumubo
"Oh trix dahan dahan anak" saway na sakin ni mama bago ito tumayo
Yumyumyum
"Umalis na po ba si papa ma?" tanong ko habang ngumunguya pa, sinimangutan ko si Celine ng bulungan nya ako na 'ang pangit mo na ate' grabe ang sama ng kapatid ko!
"Oo maaga siyang pumasada ngayon" wika ni mama ng makaharap ito at inilapag sa tabi ko ang bagong timpla nyang gatas kaya mas lalong napangiti ako
"Thankyou po" ngiti ko dito bago sumimsim
"Ay ano nga namang mukha yan trix?" nakakunot noong tanong ni mama kaya mas lalong tumawa si Celine!
Napasimangot ako, ano bang problema sa mukha ko! ang aga aga ito agad bumungad sakin. Chineck ko naman yong mukha ko kanina sa salamin wala namang bago panget parin -_-
"Natulog kaba anak?" dagdag pa ni mama at bakas sa tono ng pananalita ang pagaalala
Don ko lang napagtanto na ang eyebags ko pala yung tinutukoy nila! aysh..
"Kunti po" nakanguso kong pagsasabi ng totoo
"Bakit may problema ba mag sabi ka trix?" Nagugulat ko itong tinignan na mas lalong ikinakunot ng noo ni mama dahil sa reaksyon ko!
"Wala naman po" sagot ko at mas dinamihan pa ang pag subo dahilan para mapuno at lumubo ang pisnge ko
"Ayan ate mukha ka na talagang panda!" natatawang asar pa ni Celine kaya nagugulat ko itong lingunin bago nginuya ng nginuya ang pagkain sa bunganga ko, napapailing namang tumingin sakin si mama kaya binigyan ko siya ng malapad na ngiti dahilan para matawa sila ni Celine!
Baka dahil na naman sa mukha ko! Jusko naman ano ba naman kasing klase na mukha to!
Kakatapos lang naming mag breakfast at balak na naman sana naming pumunta ng park ni Celine kasu ayaw kaming payagan ni mama dahil wala raw siyang kasama, okay lang naman samin ni Celine na manatili nalang sa bahay at samahan si mama kaso ngayon lang ito nangyari
Lagi naman kaming lumalabas at gumagala ni Celine tuwing Saturday at lagi ring naiiwan si mama sa bahay pero okay lang sa kanya yon mas natutuwa pa nga siya na merong kaming bonding time ni Celine, kaya hindi ko alam kung bakit ngayon nya lang kami hindi pinayagan
Wala kaming nagawa ni Celine kundi ang manatili nalang dito sa bahay at samahan si mama, tumungo kaming sala at nag bukas ng tv para mag movie marathon nalang habang si mama nag hahanda na ng pang tanghalian para mamaya.
Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ni Celine ng maubos na ang kinakain naming popcorn kaya tumayo na muna ako para kumuha ng panibago sa kusina, pabalik na ako ng sala at mauupo sa sana ng saktu namang may kumatok sa pinto
"Trix anak pakibuksan naman kung sino" sigaw ni mama mula sa kusina
"Ah hello po" nakangiti kong bungad at bahagya pang tumungo sa magasawang dumating
Wala sa sariling napatitig ako sa babae napakanda nito sa suot nyang pulang belted blazer na hapit sa kanyang katawan at pula ring stilettos hindi ko mapigilang mamangha dahil sa kurba ng katawan nito sa hula ko ng kanyang edad ay mukhang hindi ito nalalayo sa edad ni mama ngunit ganoon nalang ang pagkamangha ko ng mukhang teenager lang ito kung tignan. Mayroong matataray na mga kilay at mata ngunit pag ngumiti ay parang isang anghel, merong maganda at mapupulang labi na kung ngumisi ay nakakatakot at ang mga itim na itim na mga buhok na umaalon sa ganda
Wala pinaglayo ang porma ng lalake sa babae pareho silang magagara ang mga suot, at mas lalong gumwapo ang asawang lalaki sa suot nitong black turtle neck na pinatungan ng kulay kremang coat at black pants. May mga edad na ngunit hindi mo maiwasang mamangha sa mala teenager nilang mga porma!
Hindi ko tuloy lubos ma isip na may ganito ka eliganteng amo si mama hindi ko rin matukoy ang mga sadya nito kung bakit sila pa ang dumulog dito na kung pwedeng pwede naman nilang itawag lamang o hindi kaya'y si mama nalang ang papasadya roon
Hindi ko alam kung bakit atomatiko akong napa tungo sa mag asawa, siguro dahil sa mukha itong karesperespeto kung tignan lalo na sa dating nila
Bahagya pa akong na tigilan sa hindi inaasahan yayakapin ako ni ma'am athella!
"Nandito na po pala kayo ma'am athella" napakalas ng yakap sa akin si ma'am athella ng magsalita si mama sa likuran ko
"Pasensya kana hija masyado lang akong nadala" wika ni ma'am athella dahilan para maguluhan ako, ningitian ko lang ito tsaka ako lumapit kay mama at humawak sa braso nito na kung hindi ako nag kakamali ay naroon ang paningin ng mag asawa
Hindi ko alam kung bakit tila ay parang big deal kay mama at mas lalo sa mag asawa ang ginawa kung pag hawak sa braso kay mama na para saakin lamang ay wala iyon at natural lang na hawak ng mag ina
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang kanina'y masayang mga mata ng mag asawang ay napalitan ito ng lungkot! Mas lalo akong kinabahan sa naisip na baka ay may nagawa akong mali!
Tumikhim si mama bago ito nag salita "nako ma'am halina at pumasok po muna kayo" wika ni mama dahilan para pumasok na ko ng tuluyan sa loob at ipagpatuloy ang panonood habang dumeritso naman si mama at ang magasawa sa dinning area
"Sino sila ate?" Tanong ni Celine ng makabalik ako ng upo sa tabi nya, kinuha ko ang popcorn saka ito inilagay sa lap ko
"Bisita ni mama bunso" sagot ko sabay subo ng popcorn, tumango tango ito bago ibinalik ang paningin sa pinapanood
Ngunit hanggang sa makapasok na sila ay parang hindi na maalis ng mag asawa ang paningin nila saakin lalo na ang asawang babae kaya naman ganoon nalang ang pag kailang ko at pag iwas ng tingin dahil sa hiya
Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag uusapan ni mama pero natutukoy kung ako ang topic nila dahil sa paminsan minsan nilang pag baling ng tingin sakin, hindi nga lang ako sigurado haha!
Pero mukhang masyadong seryoso ang pinaguusapan nila at kung minsan naman ay nakikita kung ngumingiti ang mag asawa dahilan para mapangiti rin ako sa hindi malamang dahilan
Siguro ay dahil sa nakakahawa ang maganda nilang ngiti nakakagaan din ng loob ang kanilang pag tawa ngunit hindi ko maiwasang malungkot para sa mag asawa
Hindi deserve ng kung sino man ang mawalan ng taong importante saatin kaya ganoon nalang din ang aking lungkot na makitang nakangiti man sila ay kita naman ang sobrang lungkot sa mga mata nila
At alam kong iyon ay dahil sa nawawala nilang anak na nabanggit sa akin ni mama, hindi ko pa naranasang mawalan ng taong mahal ko at base sa nakikita ko sa kay ma'am athella at sir johnfred ay hindi ko gugustohing mawalan dahil hindi ko man naranasan ay ramdam ko naman ang sakit sa kanila.

BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
Fiksi UmumLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for