"Ash" nabalik ako sa hwesyo ng marinig ang malamig na boses na iyon, napatingala ako kay kyle at sa mga kasama din namin na dumating na pala at may bitbit na mga pagkain,
"Ow hey kyle!" magiliw na bati ni crazina kay kyle at bahagya pang iniangkla ang kamay sa braso ni kyle
Hindi pinansin ni kyle si crazina na para bang hindi nya ito nakita sa halip ay ako ang binalingan ng tingin nito na nakakunot ang mga noo at hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata nya ang galit, awa at pinaghalong pagaalala
At dahil sa kawalang masabi naiyuko ko nalang ang ulo ko ng bahagyang iharap ni crazina ang ulo ni kyle sa kanya dahil saakin ito nakatitig
Hindi ko alam kung tama bang galit ang maramdaman ko gusto kong magwala gusto kong sapaksapakin si kyle gusto kong sabunutan at sampalsampalin si crazina gusto kong mag walkout pero hindi ko kaya ni hindi ko magalaw ang mga paa ko at ang tanging alam ko lang ay malapit ng kumawala ang mga luha kong hindi ko alam kung bakit
At natigil lang ng maramdaman ko ang haplos ni missy sa aking likuran, ni hindi ko na nga rin naramdamam ang pag lapit sakin nila thea at missy habang nakangiti pero hindi naka ligtas sakin ang bahagya nilang sinamaan ng titig si crazina
"Are you okay?" Bakas ang pagaalala sa boses ni thea kaya tinanguan ko lang siya saka ngumiti
Kahit na alam kong hindi sila maniniwala sa tugon kung iyon
Gusto kung saktan ang sarili ko ng hindi ko namalayang nakatitig ako kay kyle na naglalakad palayo habang hawak nito sa pulsuhan si crazina na parang tuwang tuwa pang hinihila
Naiwas ko lamang ang tingin ko ng may tumikhim at ganon nalang ang kaba at hiya na sumilay sakin ng makitang lahat ng kasama namin ay nakatingin na sakin!
Ngunit hindi ko maiwasang mag taka sa kaibigan ni kyle ng makita ko ang awa sa kanilang mga mata!
Ganoon nalang ba talaga nila ako kaawaan?! geez hindi ko alam kung ano dapat ang iakto ko sa harap nila dahil ang alam ko ang sama sama ng pakiramdam ko yong feeling na sobrang sikip ng dibdib ko na parang dinadambol sa bawat tibok!
Natigilan ako ng kunin ni xyrus ang tray na bitbit kanina ni kyle at inilapag ito sa harap ko, napatitig ako sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang kubyertos tsaka ito inilagay sa gilid ng plato ko
"Kumain kana" seryosong usal nito bago nag lakad patungong upuan nya
Wala sa sarili kong napalingon sa katabi kong si missy pero nakangiti nya akong sinenyasan na kumain na kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang mga kubyertos tsaka sinimulang kumain kahit na pakiramdam ko ay nanghihina ako.
Tinapos namin ang lunch break ng masaya dahil sa maingay na si Kayie at pikon na si Althea, hindi ko alam kung bakit pilit kong iwinawaglit sa aking isipan si kyle at piliin na mag enjoy.
Kahit na anong sarap ng mga pagkain ay hindi ko magawang mamangha dito, at hindi ko rin alam kong bakit ko iniisip ang taong hindi ko naman dapat isipin.
Hindi ko rin magawang hanapin ng aking mga mata si kyle dahil sa kaunting galaw ko lang ay nasa akin na ang mga mata ng kaibigan ko na para bang anong oras ay may gagawin akong masama.
Natapos na kaming lahat mag tanghalian ngunit walang kyle ang dumating para sabayan kaming kumain. Aaminin kung nagaalala ako kay kyle kahit na naiinis ako dito, lahat kami ay pagod dahil sa activity namin kanina
kung kaya't hindi ko masisisi ang mga kasama namin na kung kumain ay parang wala ng bukas kaya naman ganon nalang ang pagaalala ko kung kumain na rin ba si kyle
BINABASA MO ANG
Sweet Then,Bitter Now
Fiksi UmumLove comes in the most unexpected times of our lives. It just not give us happiness, it also let us experience, sadness, pain and broken. Love conquers all, and love is always worth to fight for