Chapter 1: Maximus

655 8 1
                                    

Maxine's Pov

"Saki! Saki!"

"Bakit? San tayo pupunta at naka bihis ka?"

"Kailangan mong lumayo dito. Hindi maganda ang aabutin mo"

"Ha? Hindi kita maintindihan"

"Hindi ka na pwedeng lumabas sa bahay na toh simula bukas"

"Ha? A-anong--"

"Saki! It's time to sleep!"

"Basta mamayang hating gabi, susunduin kita dito okay? Kumuha ka na ng gamit mo"

Biglang nagiba ang eksena. A-ang gulo. Isang lalaki ang nakaluhod sa harap at puno siya ng mga sugat.

"R-raiku..."

"S-Saki? Umalis ka na dito Saki!"

"Ahhhh!"

"R-raiku"

"umalis ka na..."

*bang!

*bang!

Agad akong napabangon. Napahawak ako sa dibdib ko at kinalma ang sarili ko. Pawis na pawis ako.

Pumikit ako at hindi muna inalala ang mga yon. Napa hilamos ako sa muka. Paulit ulit nalang. Saki at Raiku lang ang alam kong nabanggit doon.

Hindi ko maintindihan kung ano yon. Kung sino yung mga yon. Ako ba yon? Pero imposible. Hindi ko kayang humawak ng kahit anong delikadong armas.

Tumayo na ako at naligo. Tinanghali nanaman ako ng gising. Andito ako sa bahay ni lola. Wala akong maalala sa mga nangyari sakin bago ako mapunta dito. Pero sabi nya, ako ang apo nya.

Pagdating sa mga magulang ko, iniiwasan nya. Kaya hindi na ako nagpupumilit at hinahayaan nalang sya.

Pagkatapos kong maligo, tumingin ako sa salamin. Rosy cheeks, smooth hair and skin, rosy lips, brown eyes---hindi ko alam, pero minsan nakikita ko ang sarili ko na may mga matang kakaiba.

Hindi black, yellow, blue, green. Kundi red. Creepy right? Pero tuwing pinagmamasdan ko yon, nagagandahan ako. Parang bahagi na talaga sya sakin. Although di ko alam kung san ko nakuha yon o kung totoo ba yon.

Pagkatapos kong mag bihis, bumaba na ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko siyang nagluluto ng paborito ko.

"Goodmorning lola!" natawa naman ako dahil napatalon siya.

"Jusq ikaw bata ka, aatakihin ako dahil sa ginagawa mo. At anong goodmorning? Goodafternoon na. Osya sya, umupo ka na dyan at tapos na din ako" ngumiti nalang ako at umupo na sa silya.

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap tungkol sa pagenroll ko mamaya sa Montgomery University. Ewan ko ba kay lola at nilipat ako eh okay naman ako sa dati kong school.

"La, bakit nyo po ba talaga ako nilipat? Eh okay naman po ako sa Thompson University." sabi ko sabay subo ng kanin.

Tumingin siya sakin at saglit na tumahimik. Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksyon nya.

"Bilisan mo dyan. Pumunta ka sa kwarto ko" saka sya tumayo. May nagawa nanaman ba ako? Ayan kasi Maxine! Tanong ka kasi ng tanong baka pagalitan ka nanaman!

Pagkatapos kong kumain, naghugas muna ako ng plato at saka tumakbo papunta sa kwarto nya. Naabutan ko siyang may kinakalkal sa cabinet nya.

Umupo ako sa kama nya. Sakto namang humarap na siya sakin. Napatingin ako sa hawak nya. Mga papel.

Takahashi's Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon