Chapter 29: Behind Those Photos

40 4 0
                                    

Maxine's pov

Andito kami sa hospital.

"The body will be here until tomorrow. But the funeral service can take care of him" sabi nung nurse. Tango ang isinagot ko at saka pinapunta yung funeral service na kinuha ko.

"Mistress... I think we need to go home" sabi nya. Kumunot ang noo ko. Tumingin siya sa kamay ko at sa damit.

Blood. Kahit na itim ang sinusuot ko, iba ang dugo. Meron din sa sapatos ko.

Tumango tango ako at huminga ng malalim. Saka kami bumalik sa bahay.

Hindi muna ako bumaba sa sasakyan. Hinayaan kong bumaba si Cancer.

Kinuha ko yung cellphone. Tumingin ako sa messages. Puro numbers lang. Saka number ni lola noon.

Napangiti ako dahil hindi nga sya marunong magdelete ng mga messages. Simula noon ito pala ang cellphone nya na bigay ko.

Naramdaman kong humiga si Maximus sakin. Nagpunas ako ng luha.

"kung mamamatay man ako ngayon, pwede bang sabihin mo sa lola mo, na natapos ko na?"

Natigilan ako.

Agad akong lumipat sa driver's seat at agad pinaandar ito. Nakita ko pang tumingin sa direksyon ko sina Cancer at sinubukan akong habulin.

*Arf! Arf!

"We're just going to the Headquarters" sabi ko sakanya. My phone ringed many times.

From Akiro and from Max. Pero di ko yon sinagot. After a few minutes, nakadating na ako sa Headquarters.

Agad kaming bumaba ni Maximus. Yumuko sakin ang mga nadadaanan ko.

Saktong nadaanan ko sina Virgo at Gemini.

"Where are they?" tanong ko.

"Mistress.. Are you okay?" tanong ni Virgo.

"Nasan sila?" tanong ko ulit.

"They're in their ro---" di ko sya pinatapos at tumakbo papunta doon. Binuksan ko yung pintuan.

"What did you told him to do? Bakit pati sya? Kasama ba sya sa mga Montenery? Kasama mo ba sya? Plano niyo bang makuha ang tiwala ko?" sunod sunod na tanong ko.

Kumunot ang noo nila. Tumayo si lola.

"A-apo.. Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kayong karapatan para tawagin akong apo. Sagutin niyo nalang ako! Anong sinabi nyo sakanya? Nagtatrabaho din ba sya sa boss niyo? Bakit kailangan nyang mamatay?!" sigaw ko.

"H-Ha? A-anong.. Hindi kita maint--"

"patay na si Lolo simon! Patay na. Pinatay siya ng mga Montenery!" napaupo ako at di kinaya ang dinadala.

Napaupo siya sa upuan at uminom ng tubig.

"Sabi nya, kung mamamatay siya, sabihin ko sayong natapos na nya. Anong pinagawa mo sakanya? Tungkol saan? Kasama niyo ba sya?"

"Hindi a-apo.. Hindi. Hindi ko sya kasama sa pagkuha sayo. Sa pagkuha ng tiwala mo. Minahal kit---"

"But you were so selfish! Nung gabing umuwi ako, tapos nakita niyo yung mga Takahashi, gusto nyong tumakbo. Gusto nyong magtago. Dahil ayaw niyong mahuli kayo at mamatay. Anong ginawa niyo? Handa niyo kong patayin para lang makalayo ka? Bakit? Dahil kung hindi ka man nila mapapatay, siguradong hahanapin at papatayin ka ng mga Montenery!"

Sinubukan nyang lumapit pero ako mismo ang lumayo.

"Wag kang lalapit. Dahil sayo, nalayo ako sa kapatid ko. Dahil sayo, nakalimutan ko ang pamilya ko. At dahil sayo, namatay yung lalaking naging tatay ko! Bakit? Anong kinalaman niya sa ginawa mo? Bakit pati sya pinatay ng mga kalaban ko?" tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko.

Takahashi's Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon