Chapter 16: Treasure Map

95 4 0
                                    

Maxine's pov

Palabas kami ni Aiko sa university.

"Sure ka ba dito?" ngumiti ako ng tipid sakanya at tumango.

"Wala naman sigurong masama kung makikipagkita at makikipagusap ako sakanya diba?" huminga sya ng malalim.

"Max, alam mo yung ginawa nila. Nagnakaw sila sayo ng hindi mo nalalaman. Oo sge, hindi ka nila kilala. Pero tama bang kunin nila ang mga pagaari mo?"

After I got out of the hospital, dinala ako ni lola sakanila. Sa probinsya. Wala pa akong kaalam alam non maliban sa, apo nya ako.

Yung mga gamit ko, nasa kanya. Maliban sa cellphone ko. Limang araw lang kami don. Dahil nahuli ko sila na ginagamit ang pera ko.

At that time, siguro nasa bulsa ko ang wallet ko dahil nga aalis kami dapat ni kuya non. Though, di ko pa alam ang rason non kung bakit andami kong pera.

Tapos, nung nalaman nila na alam ko, sinubukan pa nilang ipabugbog ako para makalimutan ko yon at matrigger ulit yung memory ko. Buti nalang, andon si Jae. Well, nakasama ko sya ng mahigit dalawa hanggang limang buwan dahil bumibisita siya samin.

Nakikitira siya kina papa kasi yung mama nya, nasa Japan. Although korean sya.

"where are you going?" napatingin ako kay Libra.

"I'll be with her. Don't worry" umiling siya saka tumingin sakin.

Nagkatinginan kami ni Aiko.

"Sige, pero stay out of this" tumango siya. Sumakay na kami sa kotse at dala nya si Cancer at Taurus.

*ringring

Max the first is calling...

"Yes?"

"I'll leave you with Aiko but stay safe. I want you home by 4."

"Why? Ah, don't tell me mamimiss moko kagad?"

"Yuck Saki. I have something to show you"

"Okay, yun lang?"

"Take care"

"Okay, you too. Bye"

"Dyan nalang" turo ni Aiko sa malapit na carinderia sa labas ng kanto namin sa street.

"Leave your things here. Including your phone. I'll be watching you" tumango ako sakanya at iniwan nga ang gamit ko.

Bumaba ako sa kotse at tumingin sa carinderia. Pumasok ako at tumingin tingin. Napatigil ako ng makita siya. Huminga ako ng malalim bago lumapit sakanya.

"Maxine" tumayo siya pero yumuko lang ako bago umupo sa tapat nya.

"Bakit po kayo nandito?" tanong ko.

"gusto kitang makausap ng personal, tungkol sa nangyari noon" umiwas ako ng tingin.

"That's fine. I forgotten it already. Ano po ba talaga ang pinunta nyo dito?" tanong ko. Alam kong di lang sya pumunta dito para pagusapan yon.

"Napatawad mo na ba ako? Nagawa ko lang naman yon, dahil kailangan namin ng pera. Patawarin moko dahil hindi ako nagiisip non" I almost laugh.

"Why? Dahil nagdadrugs po kayo non? Dahil nakainom po kayo? You can always ask for money. Bibigyan ko naman po kayo dahil hindi ko alam kung para san yon. Pero kahit napatawad ko na po kayo, di po ibig sabihin non, nakalimutan ko na" sabi ko sakanya.

Bigla nyang hinampas ang lamesa at dinuro ako.

"Wala kang utang na loob. Inalagaan ka namin, binihisan at pinakain. Tapos eto ang isusukli mo samin? At asan na ba ang mama ko? Asa bahay nyo ba?" patayo na sana siya ng magsalita ako.

Takahashi's Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon