Chapter 41: The Look In Her Eyes

57 1 0
                                    

Maxton's pov

(two days before party)

Kasama ko sina Liam ngayon dito sa cafeteria.

"Asan na ba kasi si Max?" tanong ni Marie.

Tinignan nila ako. Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam. Alam kong alam ni Libra at ayaw nya lang sabihin.

"Guys? Gusto niyo bang mag pizza mamaya? Para maiba naman" sabi ni Sara.

"Ano? Game ba kayo?" tanong ni Jae.

"Sige, basta libre nyo?" nagtinginan sila.

"Oo na sige" saka sila nagapiran. Napailing nalang ako.

Tinignan ko ang grupo nina Lay. Wala si Akiro?

Hindi ko sya hinahanap dahil sa concern ako. Hinahanap ko sya dahil alam kong walang dahilan para magabsent sya.

His clan, they've been following us since he's gone. Mukhang pinaubaya na nya samin ang mga miyembro niya.

Nang tumayo sila, hinarang ko ang paa ko.

"May I ask?" tanong ko sakanila. Tinignan ako ni Lay.

"Where is your leader? Don't want to show up?" tanong ko.

"Do you see him?" saka sila dumaan sa kabilang daan.

Napansin din nilang wala si Max. Pero wala si Max dito sa Pilipinas. Posible kayang magkasama yung dalawang yon?

Pabalik na kami ng classroom ng biglang tumunog ang speaker.

*attention to Mr. Takahashi, Mr. Liam, Mr. Killian, Mr. Josh, Mr. Ray, Ms. Kylie, Ms. Devine and Ms. Sara.. Please come at my office.

Nagkatinginan kami.

"Anong meron?" tanong ni Ray na lumabas na ng classroom. Saktong nasa tapat kami ng elevator kaya pumasok na din kami ulit.

"Oh? Wala si Max?" tanong nya. Umiling kami.

"May sakit ba?" Umiling ulit kami.

"Ano kayang meron noh? Tapos tayo lang? Wala sina Marie at Jed" sabi niya.

"Baka tungkol sa orphanage? Tayo lang magkakasama eh" sabi ni Sara sakanya.

Pagkatapat sa office ni lola, pumasok na din kami.

"Sister Greta, Sister Julia!" gulat na sabi ng girls.

Bumati sila samin. Anong meron at nandito sila?

Bumukas ang pintuan at tumambad si Father Anthony samin.

Yumuko kami sakanya habang hinawakan naman nya ang mga balikat namin.

"Gusto lang namin magpasalamat sa mga ginawa niyo nung isang araw. Hindi pa sapat ang salamat dahil sobra pa ang nagawa nyo lalo na para kay Xin" sabi ni Sister Greta.

"Kamusta na po pala si Xin?" tanong ni Sara.

"Okay naman sya. Nababawasan na ang mga bangungot nya. Maraming salamat talaga" sabi ni Sister Julia.

"Teka, bat wala si Max?" tanong niya.

Nagtinginan ulit kami.

"Umalis po siya eh" sagot ni Jae.

Tumango tango sila.

"Pakisabi nalang sakanya ang pagpapasalamat namin" sabi ni Father Anthony.

"Sige, maraming salamat. Ipapacheck up pa namin si Xin at naisipan naming pumunta dito" tumango tango kami at ngumiti.

Napatingin ako kay Father Anthony.

Takahashi's Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon