Chapter 10: Danger

171 4 0
                                    

Maxine's pov

Monday, 1:00 pm
Day 1, Sports Program
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐠𝐨𝐦𝐞𝐫𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲

Andito kami ngayon sa gym at nakaupo sa mga bleachers. Katabi ko si Aiko sa kabila habang si Akiro sa kanan. Sina Sara at Killian naman, nasa tabi ni Aiko.

Nasa baba naman sina Marie dahil sa cheerleading churlavu nila.

"So, every class has a cheerleading team?" tumango siya.

"And they have different teams naman diba?" tumango ulit siya.

Every section has different colors of jerseys. Saamin ay neon green and neon orange. Pero, ang specific na color namin ay white and black at sinuot namin yun ngayon.

Class B is color red. Class C is orange and Class D is yellow. Yung ibang grade levels din ganon pero nasa taas na namin sila dahil laban toh ng mga seniors.

Nandon sa baba sina Maxton at naguusap.

"May binanggit yung mga taga Class B sa canteen non. Ahm, Ray ba yon?" napatingin sakin si Lay at Neil.

Tumingin ako kay Akiro pero nakatingin lang sya sa harap kaya binalik ko tingin ko kina Lay.

Sinenyasan nya akong lumapit kaya lumapit ako.

"He's Akiro's cousin. He's playing basketball too at kasama sya ng wild cats. Magaling din sya dito pero I can say na mas magaling naman si Maxton. Malaking advantage lang talaga si Ray"

Binatukan naman sya ni Neil.

"Daldal. Isang tanong lang, dami mong sagot" napangiti nalang ako.

"Why aren't you wearing pads?" napatingin ako kay Akiro.

"Well..."

"tsk. I'll ask Kylie about those" sungit naman.

"Ang sungit mo ngayon. May mens ka ba?" I heard Lay's chuckle.

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Joke. Eto naman. Sorry na nga eh" tungkol ata toh sa kanina. Yung napaaway kami ni Max.

Speaking of that, napatingin ako sa mga kamay ni Max. Hindi ba yon masakit?

*pwitt

Pumito yung referee at pumunta siya sa gitna. Saka nagsimulang magingay ang mga estudyante.

Andito kaya ang principal? Di ko pa sya nakikita.

Nauna ang kabilang section.

"Bulldogs is on their way, Bulldogs will fight their way. Bulldogs will win this time, Bulldogs will make the crowd-- shouts B- U- L- L- D- O- G- S!"

Saka nagsipasukan ang mga kaklase nila. Bulldogs?

Siniko ko si Aiko saka tinuro yung number 19.

"Uy, diba si Michael yon? Yung nanligaw sayo non?"

"Yuck naman bespren. Hindi noh! Sya nga yung nakaaway ko eh" natawa naman ako.

"Ah!! Oo tanda ko na. Sabi ko nga. Gangster pala sya?" inirapan naman nya ako.

Ano ba yan! Ang sasama ng timpla ng mga katabi ko.

"Wildcats in the air, wild cats everywhere. Wildcats in the air, wild cats on the way. W- I- L- D- C- A- T- S! Go wildcats!"

Saka kami sumigaw nang makaapak sila.

Agad naman tinakpan ni Akiro ang bibig ko ng panyo nya. Agad ko naman syang hinampas.

Takahashi's Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon