Maxine's pov
Andito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Mukhang di nakakain ng masarap itong si Aiko kaninang umaga. Andami niyang inorder.
"Hi, pwede bang maki share?" napatingin kami sa lumapit samin.
Isang lalake, dalawang babae.
"Uy Killian" mukhang siya yung kausap kanina ni Aiko.
"Magkakasama lang tayo sa iisang row. Eto si Sara at Marie" ngumiti kami at tumango. Tinuro niya pa kung sino si Sara at Marie. Easy lang naman malaman. Sara has a long hair. Marie has a short hair.
"Ai--" pinutol ng tatlo ang sasabihin ni Aiko.
"kilala ka na namin" sabi ni Sara. Tumango tango si Aiko.
Magpapakilala sana ako ng pigilan ako ni Marie.
"Girl, how can we not know you? You're the lucky girl. As in very very lucky. Kung kami yon? Mahihimatay na siguro kami. Okaya naman, iseseduce na namin sila noh! Sayang din yun" kumunot ang noo ko.
"Duh, una nilapitan ka ni Maxton Takahashi. Pangalawa, si Akiro Montenery" giit pa ni Sara. Napabitaw naman sa kutsara at tinidor si Aiko.
"Hindi ako nilapitan ni Akiro"
"Anyways, hindi ka nga nya nilapitan pero pinamigay nya ang upuan nya!! Myghad Max, he own that chair for how many years at ikaw ang kauna unahang babae na umupo doon, at lalo na, di ka pa nya pinaalis." they're really a fan of them huh?
"Did you say how many years?" tumango tango siya.
"We are studying here since we're kids. Kaya kilala na namin sila. Our class is the worst and best class" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Killian.
"Best, dahil puro matatalino ang mga nasa klase natin. Lalo na, andon si Montenery and Takahashi. Worst, dahil gaya ng sinabi ni Sir Katinuan? Bulakbol at loko loko. Though, hindi naman totoo" sabi ni Marie. So it's like Montenery and Takahashi are the pride of our class?
"Nagiging ganon lang tayo dahil we have the best fighting skills. Mahilig kasi tayong kalabanin ng ibang klase. Nagtuturingang pamilya ang klase natin. Kapag kaaway ng isa, kaaway ng lahat" saka sila mas lumapit samin.
"Yun ang first ever rule na ginawa ni Akiro at Maxton nung mag bestfriends pa sila. Pero ginagawa pa din namin yon kahit di na sila mag bestfriends" gusto ko sanang tanungin kung anong nangyari pero parang personal na yon kaya wag nalang.
Pagkatapos naming kumain, tumayo na kami at pumunta sa classroom. Science time. My favorite. Andito kasi ang mga stars, planets and such.
Bumati na kami sa teacher na pumasok samin.
Pagkatapos nyang mag introduce ng lesson, agad na din siyang nagtanong. Di pa nakukuha ang libro sa locker, may pa ganyan na. As expected.
"What is Polaris?" walang nagtaas ng kamay.
"C'mon guys. Naturo na sainyo yon mga bata pa kayo"
Tinaas ni Maxton ang kamay niya.
"Ano? Si Mr. Montenery and Mr. Takahashi nalang ba lagi?" napatingin ako sa likod ko. Tumingin siya sakin. Umiwas ako at dahan dahan kong tinaas ang kamay ko.
Ngumiti siya bigla at tumango sakin. Tumayo ako.
"Polaris, designated α Ursae Minoris, commonly the North Star or Pole Star, is the brightest star in the constellation of Ursa Minor. It is very close to the north celestial pole, making it the current northern pole star" pumalkpak siya at pinaupo na ako.
BINABASA MO ANG
Takahashi's Lost Heiress
Teen FictionTagalog / English Follow, vote and comment! ❤️