Chapter 37: Beginning To End

54 2 0
                                    

Maxine's pov

Pagkatapos kumain, nag handa kami ng special performance sakanila. Well, yung boys, they will serenade the girls. Bibigyan ng gifts and a rose.

While kami naman, nag handa kami ng game for the boys na maeenjoy nila. Sinuggest din samin ng boys yon.

We will be jamming together tapos ibibigay din namin ang ilang sapatos at mga damit.

They are ages 5 to 16 years old. Habang sa girls, 6 to 12 years old naman.

Tumayo ako at iniwan muna yung girls at tinignan ang boys sa isang room.

Ngumiti ako ng maayos naman ang performance nila at nageenjoy ang mga bata.

"Oh Max, bakit ka nandito?" napatingin ako kay Sister Julia. Napagalaman kong kaage ko lang sya at nagaaral siya ng college sa malapit na university dito.

"Ah wala, chineck ko lang yung boys" sabi ko sakanya. Ngumiti at tumango tango sya.

"Grabe, ang babata niyo pa pero kaya niyo ng gawin ang mga toh. Buti pa kayo magaan ang buhay. Habang ang mga batang ito.. walang wala kundi sila sila lang. Don't get me wrong, hindi ko kayo hinuhusgahan o ano. Sinasabi ko lang na sana kung sino man ang gumawa sa mga batang ito kung bakit sila napunta dito, magsisi sila dahil hindi nila alam kung anong ginawa nila. Kung anong nawala sakanila" sabi niya.

"Lahat ba sila, ganon ang nangyari?"

"Oo. Ang ibang mga magulang, sinasabing ayaw na nila sakanila, pabigat at hindi kayang alagaan dahil walang wala sila, o kaya naman, pinagsisisihan nilang pinanganak nila ang mga anak nila"

Napailing ako. Ganon na ba nila kadaling itapon ang isang tao?

"except kay Xin. Nakwento na siguro ni Sister Greta sayo ang tungkol sakanya. Hindi namin alam kung anong magagawa namin para matulungan siya. Wala naman kaming sapat na pera para tulungan sya dahil sa dami ng mga bata at hindi masyadong maayos ang kalagayan ng orphanage, hindi namin magawa kung anong makakabuti sakanya"

"Oo nga pala, birthday na nya bukas. Pero ayaw nya yon na nagaganap. Wala syang kaclose dito. Pero sina Dexter at ang kapatid nyang babae ay sinusubukan naman syang kaibiganin." bukas?

Ngumiti ako sa naisip ko.

"Si Dexter? Simula bata dito na sya?" umiling siya.

"Pumasok talaga sya dito bitbit ang kapatid nya. Sya mismo ang may ayaw sa mga magulang nya dahil sinasaktan daw sila. Tinulungan namin siya. At nang ibabalik namin siya, gusto nya daw dito nalang. Kaya yon. Mabait na bata si Dexter. Kung magisip, parang kaedad na natin. Matalino pa. Kung kaedad nga natin yan, ako na nanligaw--ay.. Sorry po lord, sister pala ako" tumawa kaming dalawa.

"Sige, balik na ako don. Salamat sa kwento" tumango tango siya at bumalik na din sa mga kasama nya.

Nang makita ko si Dexter, lumapit ako sakanya.

"Nagustuhan mo ba?" kinuha niya ang sapatos at yinakap.

Ngumiti siya ng malawak.

"Salamat ate ganda" ngumiti ako at ginulo ulit ang buhok niya.

"Tsk, hindi ako bata para ganyanin nyo. Pero dahil ikaw yan, pagbibigyan kita" I chuckled. He talks like an adult, aish.

"Dahil don, may hihingin akong pabor sayo" sabi ko sakanya.

Kumunot ang noo niya.

"May cellphone ka ba?" tumango siya.

"Here's my number" nagulat siya at agad tinype ang number ko sa phone nya.

Takahashi's Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon